Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga paputok at fireworks tuluyan ng ipinagbawal ni Mayor Evangelista sa Kapaskuhan at Bagong Taon


KIDAPAWAN CITY – Tuluyan ng ipinagbawal ni City Mayor Joseph Evangelista ang paggamit ng paputok sa panahon ng Kapaskuhan. Nilagdaan at ipinalabas na ng alkalde ang Executive Order number 065 na nagbabawal sa sino man na magmay-ari, gumamit, magbenta, magbyahe at mamigay ng ano mang uri ng firecracker at pyrotechnics sa buong Kidapawan City . 

Kaugnay nito ay hindi siya magbibigay ng special permit para sa bentahan ng paputok. Ipinag-utos na rin niya sa pulisya na magbantay sa mga check points sa presensya ng mga paputok na iba-byahe papasok ng Kidapawan City at ang agarang pagkumpiska ng mga ito. 

Sandugo award iginawad sa ilang indibidwal ng PPALMA

(Kidapawan City/ December 7, 2013) ---Sa ginanap na Sandugo Awarding Ceremony kamakailan sa Lungsod ng Kidapawan ay pinarangalan ang mga indibidwal na may malaking kontribusyon sa pagsusulong ng National Voluntary Blood Donation Services Program o NVBSP sa nakalipas na taon.

Pinarangalan ng Sandugo Kabalikat Award si Rep. Jesus Sacdalan dahil sa suporta nito sa NVBSP partikular sa distrito uno ng North Cotabato.

Libung Board Feet na mga illegal na troso, nasabat ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2013) ---Nakumpiska ng mga elemento ng Kabacan PNP katuwang ang City Environment Officer ang 1,100 mga illegal na torso sa bahagi ng Abellera Subdivision, Poblacion, Kabacan nitong Lunes ng gabi (December 2, 2013).

Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP lulan ng jeep ang nasabing iba’t-ibang putol at piraso ng mga tabla ng makumpiska ang mga ito sa isinagawang security at protection patrol ng mga pulisya sa bayan.

BERTO, KULAS, ALFONSO, wagi sa Lantaw 2013


Written by: Brex Bryan Nicolas

(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2013) ---Nagpamalas muli ng angking galing sa paggawa ng pelikula ang mga studyante ng University of Southern Mindanao sa katatapos na Lantaw Short film festival 2013 na ginanap kamakailan sa USM gym, Kabacan, Cotabato.

Tampok ang limang pelikula na gawa ng mga mag-aaral sa nabanggit na pamantasan, naglaban laban ang mga ito para sa titulong Best Short Film na nakuha ng Berto, Kulas, Alfonso- isang fantacy action film na gawa ng Multi Takes Productios ng computer science students ng USM.

Trader, pinabulagta ng riding in tandem

(Matalam, North Cotabato/ December 4, 2013) ---Bulagta ang negosyante makaraang ratratin ng dalawang gunmen sa Cotabato-Davao Highway, partikular sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 9:45 ngayong umaga lamang (December 2, 2013).

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Ted Cespon, 56 residente ng President Roxas, North Cotabato.

Imam, patay sa ambush sa Pigcawayan

(Pigcawayan, North cotabato/ December 4, 2013) ---Napaslang ang isang Muslim Mosque prayer Lider o mas kilala sa tawag na “Imam” matapos na lusubin ng 50 mga armadong grupo ang isang barangay sa Pigcawayan, North Cotabato alas 4:00 ng hapon kamakalawa.

Ang biktima ay di pa kinilala ng Mindanao Human Rights Action Center (MinHRAC) habang agad namang inilibing batay sa tradisyon ng muslim.

Batay sa report, inatake umano ngmga armadong grupo ang Barangay Patot sa nasabing lugar na nagresulta ng ilang oras na bakbakan.

2 Patay sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2013) ---Pinaniniwalang onsehan sa illegal na droga ang dahilan kung bakit itinumba ang dalawa katao sa tinaguriang “drug den” sa bayan ng Kabacan, North Cotabato na nasa Purok Krislam alas  3:00 kahapon.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP angmga nasawi na sina Francis Jayson Librando Aquino, residente ng Ugalingan, Carmen, North cotabato habang patay din ang kasama nitong kinilala lang sa Pangalang An-an, isang Guest Relation Officer.

Tubong Kabacan, ginawaran ng parangal bilang Longest Serving BNS

(Koronadal City/ December 3, 2013) ---Ginawaran ng parangal ang isa sa mga Barangay Health Worker ng Kabacan sa katatapos na 2013 Regional Nutrition Awarding Ceremony and Launching ng Nutritional Guidelines for Filipinos na isinagawa sa Koronadal City ngayong araw.

Isa si Pao Padasan tubong Kayaga, Kabacan, Cotabato sa mga nagwagi sa Longest Serving Barangay Nutrition Scholar na nagserbisyo ng 34 na taon.

Sugatang Agila, nasagip!

(Magpet, North Cotabato/ December 2, 2013) ---Nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) North Cotabato ang sugatang agila na nasagip ng isang magsasaka sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Ayon kay PSI Realan Mamon, hepe ng Magpet PNP ang nasabing ibon ay lumilipad sa Barangay Amabel noong Sabado ng bigla na lamang itong nahulog sa paligid ng Sitio Lubas na nasa residente ng isang di nagpakilalang magsasaka.

May deperensiya sa pag-iisip, pinaniniwalaang nag-suicide sa puno ng Niyog

(Antipas, North Cotabato/ December 2, 2013) ---Nagpasalubong kay kamatayan ang isang 57-anyos  na lalaking pinaniniwalaang may deperensiya sa pag-iisip matapos na makitang nakalambitin sa puno ng Niyog sa Purok 7, Barangay Dolores, Antipas, North Cotabato alas 4:20 kahapon (November 28, 2013).

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Raymundo Palacios Castillo, 57-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

AFP vs. PNP shootout; 1 sundalo sugatan sa illegal logs

(Alamada, North Cotabato/ December 2, 2013, 2013) ---Sugatan ang kasapi ng sundalo ng masangkot ang mga ito sa shootout ng mga pulisya sa bayan ng Alamada, North Cotabato sa ulat kahapon (November 28, 2013).

Ayon sa tagapagsalita ng Army’s 6th Infantry Division Col Dickson Hermoso kinilala ang nasugatan na si Cpl. Oting Guiabel ng 6th ID.

Armadong grupo, tumira; 1 utas

(Midsayap, North Cotabato/ December 2, 2013) ---Isa katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang sugatan ng atakehin ng mga armadong grupo ang Sitio Narra, Barangay Tugal, Midsayap, North Cotabato pasado alas 6:00 kagabi (November 28, 2013).

Ayon kay Barangay Tugal chairperson Ping Kolilong tumagal ng halos sampung minute ang palitan ng putok sa engkwntro na naganap sa kanilang barangay.