(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2013)
---Pinaniniwalang onsehan sa illegal na droga ang dahilan kung bakit itinumba
ang dalawa katao sa tinaguriang “drug den” sa bayan ng Kabacan, North Cotabato
na nasa Purok Krislam alas 3:00 kahapon.
Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe
ng Kabacan PNP angmga nasawi na sina Francis Jayson Librando Aquino, residente
ng Ugalingan, Carmen, North cotabato habang patay din ang kasama nitong
kinilala lang sa Pangalang An-an, isang Guest Relation Officer.
Pinagbabaril ang dalawa gamit ang di pa
matukoy na uri ng armas kungsaan nagtamo ng tama ng bala ang dalawa sa iba’t-ibang
bahagi ng kanilang katawan na nagging dahilan ang agaran nilang kamatayan.
Malaki ang
paniniwala ni Maribojo na may kinalaman sa illegal drugs ang dahilan ng
pagkamatay ng dalawa. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento