Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga paputok at fireworks tuluyan ng ipinagbawal ni Mayor Evangelista sa Kapaskuhan at Bagong Taon


KIDAPAWAN CITY – Tuluyan ng ipinagbawal ni City Mayor Joseph Evangelista ang paggamit ng paputok sa panahon ng Kapaskuhan. Nilagdaan at ipinalabas na ng alkalde ang Executive Order number 065 na nagbabawal sa sino man na magmay-ari, gumamit, magbenta, magbyahe at mamigay ng ano mang uri ng firecracker at pyrotechnics sa buong Kidapawan City . 

Kaugnay nito ay hindi siya magbibigay ng special permit para sa bentahan ng paputok. Ipinag-utos na rin niya sa pulisya na magbantay sa mga check points sa presensya ng mga paputok na iba-byahe papasok ng Kidapawan City at ang agarang pagkumpiska ng mga ito. 


        Basehan ng alkalde ang mga probisyong nakalagay sa Municipal Ordinance number 10-95 o ang Public Safety Code of Kidapawan. Hindi na magbabago pa ang pasya ni Mayor Evangelista na tuluyan ng ipagbawal ang mga nabanggit.

        Nagmamasid na ang lokal na otoridad hinggil sa bentahan at distribusyon ng mga paputok. Ilang araw mula ngayon ay sorpresang huhulihin ng City LGU at PNP ang mga magbebenta at gagamit ng paputok sa Mega Market at sa iba pang lugar sa Kidapawan City .


0 comments:

Mag-post ng isang Komento