Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gov. Lala, suportado ang pagkakalagda sa power sharing

(Amas, Kidapawan City/ December 9, 2013) --- Isang welcome development ang pagkaka-lagda ng power sharing ng framework agreement on the Bangsamoro kahapon bilang maagang regalo sa mga taga-Mindanao.

Ito ang naging pahayag ni Cot. Gov. Lala Mendoza matapos na mapagtibay ang "power sharing" deal.

Kungsaan, umaasa ang gobernador na mapaplansta at malalagdaan na rin sa lalong madaling panahon ang natitira pang "annexes" sa binabalangkas na Bangsamoro Framework Agreement sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng GPH.

Ayon sa opisyal, sa mga nakaraang man-made at Natural calamities sa Zamboanga at sa Visayas, ang pagkakalagda ng power sharing ay tamang panahon upang maipakita na kayang makamit ang matagal ng inaasam-asam na kapayapaan sa Mindano at matuldukan na ang mga nangyayaring kaguluhan.

Sa huli, sinabi ng punong ehekutino na patuloy na panalangin at kumilos ng may kapayapaan.


Ang annex on power sharing ay isa sa apat na annexes sa framework agreement na unang pinirmahan ng dalawang kampo nong October 2012.

Kung maalala, Hulyo 13 nilagdaan ang wealth sharing annex at annex on Transitional Arrangements and Modalities.

Ang nabanggit na mga annexes ay gagamiting "guide" ng Bangsamoro Transition Commission sa pagbalangkas ng Bangsamoro Basic Law. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento