(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2013)
---Noon pa umanong mga nakalipas na administrasyon sa barangay ng Poblacion
Kabacan ay may malaking balanse na sa utang ang Barangay sa Cotelco.
Ito ayon kay dating Kapitan at ngayon ay
Poblacion Kagawad Edna “Nanay” Macaya, aniya naglabas sila ng budget para
pambayad sa street lights na P600,000.00 pero ang bill ng kuryente abot sa
higit P750,000.00.
Sinabi ni Macaya na di rin maaring ibayad
ang lahat ng budget ng MOOE sa ilalim ng Illuminations and Power sa Cotelco.
Nabatid na taong 2006 bago umupo bilang
Kapitan at Ngayon ay Mayor Herlo Guzman Jr., ay may malaking utang ng
binabayaran ang Poblacion, kaya ang pondo na binabayad nila ngayon ay noon pang
mga nakalipas na taon.
Kaugnay nito, may ginagawa namang aksiyon
ang barangay ay maari naman itong mabayaran ng paunti-unti at nakipag-negosasyon
na sila sa cotelco, para maibalik ang serbisyo ng Street lights.
Ipinakita naman sa DXVL News ni Kagawad
Macaya ang Internal Revenue Allotment na P8M na pondo ng Barangay kungsaan
napunta ito at ang appropriation ng pondo at tiniyak nitong di niya ninakaw ang
pera ng Pobalcion na una ng ibinabatong isyu sa kanya.
Malaki ang paniniwala ni Kagawad Macaya na
napulitika lamang siya at lumabas lamang ang nasabing isyu noong kasagsagan ng
eleksiyon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento