Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Vice Mayor Pol Dulay; inihatid na sa kanyang huling hantungan


(Kabacan, North Cotabato/ January 19, 2013) ---Emosyunal ang mga kamag-anak, mga malalapit na kaibigan at kasama sa trabaho ng pinaslang na bise alkalde ng Kabacan, North Cotabato ni si Pol Dulay.

Ito makaraang inihatid na sa kanyang huling hantungan ang pinaslang na opisyal ng Kabacan kaninang hapon lamang.

Kaninang umaga ay isinagawa muna ang public viewing sa Municipal gymnasium matapos dinala sa simbahan para mag-alay ng misa at dasal kungsaan alas tres ngayong hapon ay inilibing na si Vice Dulay.

Binigyan ang opisyal ng 21 gun salute, dahil isa siya’ng retiradong pulis at nagpakawala naman ng tubig ang mga bumbero bilang pagpupugay sa opisyal matapos na naging kasapi din siya ng mga kagawad ng pamatay apoy.

Mass Movement; ikakasa ng mga raliyesta sa araw ng Lunes; pero klase sa USM ibabalik na sa normal


(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 18, 2013) ---Itutuloy pa rin ng mga raliyesta ang kanilang gagawing kilos protesta sa araw ng Lunes sa kabila ng di pa tiyak kung mabibigyan ang mga ito ng renewal ng kanilang permit.

Tatawagin nilang Mass Movement ang nasabing aktibidad, ayon sa isa sa mga tagapagsalita ng kampo ng mga raliyesta na si USG Senator Kathleen Costes, isang estudyante ng Political Science buhat sa College of Arts and Sciences sa kanyang naging pahayag sa isang bayad na programa sa DXVL Radyo ng Bayan kanina.

Prayer rally sa pagkamatay ni Vice mayor Dulay isinigawa, pagkondena sa mga pumatay binigyang diin

(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2013) ---Justice for Vice mayor Dulay, ito ang tema ng isinigawang Prayer Rally  kaninang umaga sa Municipal plaza dito sa bayan ng kabacan.

Ang prayer rally ay nagsimula eksakto alas siyete a kinse ng umaga na simulan ng isang parada na dumaan sa national highway papuntang USM avenue na kung saan pansamantalang huminto ang parada at nagbigay katahimikan sa harapan ng Allan’s Bookstore para mag alay ng dasal  kung saan eksaktong binaril ang dating opisyal.

Mga saksi sa pagbaril sa bise alkalde ng Kabacan; pipigain para magbigay ng statement


(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2013) ---Panawagan at apela ngayon ng mga empleydo at kaibigan ng napaslang na si Vice Mayor Pol Dulay sa mga saksi ng nangyaring krimen sa pagkamatay nito nito lamang a-onse ng enero.

Sa mensahe ng Presidente ng Kabacan LGU Employees Association na si Toto Calamaan, kailangang harapin ng mga nakakita sa pangyayari ang kanilang takot at magbigay ng kani-kanilang salaysay ukol sa nangyaring krimen.

Grupo ng mga raliyesta, maghahain ng motion for reconsideration sa USM Board of regents kaugnay sa Re-appointment ni Dr. Derije

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2013) ---Maghahain ng motion for reconsideration sa USM Board of Regents ang grupo ng mga raliyista na pinamumunuan nina Dr. Alimen Sencil, Mr. William dela Torre at sampung iba pa para ipawalambisa ang mosyon ng board na nagsasaad ng reappointment ni USM Dr. Jesus Antonio Derije.

Sa kopya ng motion for reconsideration na ipinarating sa DXVL Radyo ng Bayan, ipinaliwanag ng mga ito kung bakit nais nilang mairekonsidera ang desisyon.

Paratang na walang umanong ipinaglalaban ang mga protesters, mariing pinabulaanan

(USM, Kabacan, North Cotabato) ---Mariing itinanggi ngayon ng grupo ng mga nagsasagawa ng kilos protesta sa University of Southern Mindanao na hindi umano malinaw at tila wala silang ipinaglalaban.

Sa dokumentong ipinarating ng grupo sa DXVL Radyo ng Bayan, iniiisa-isa ng mga ito ang mga dahilan kung bakit nais nilang bumaba sa puwesto si re-appointed USM President Dr. Jesus Antonio G. Derije.

Kabilang na rito ang mga kasong kinasasangkutan ng Presidente na isinampa ng Watchful Advoctes for Transparent and Honest Governance in North Cotabato o WATCH COTABATO. 

Bukod kay USM Pres. Jess Derije kabilang din sa mga respondents ng kaso mga miyembro ng Bids & Award Committee na sina Dr. Antonio Tacardon, Mr. Orlando Forro, Prof. Naguib Guiamal, at Dr. Abrahan Castillo.

Gov. Mendoza, binisita ang USM para maging tulay sa nagpapatuloy na kilos protesta

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2013) ---Iginiit ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na wala sa kanyang kapangyarihan na pababain sa pwesto si USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije, na siyang ipinaglalaban ngayon ng mga nagsasagawa ng kilos protesta sa loob ng Pamantasan.

Ito ang sinabi ng opisyal matapos na binisita nito ang USM Main Campus kaninang tanghali para alamin ang totoong sitwasyon ng Pamantasan.

Aniya, magiging tulay lamang lamang siya para matuldukan na ang nasabing krisis sa Pamantasan.

USM compound, napasok na ng mga raliyesta


(USM, Kabacan, North Cotabato/January 16, 2013) ---Binaklas ng mga grupong raliyesta ang isang tarpaulin banner na may larawan ni Pres. Jesus Antonio G. Derije matapos silang sumugod sa harap ng USM administration kanina eksakto alas diyes kwarenta ng umaga.

Ayon sa isang myembro ng grupong raliyesta na nakapanayam ng DXVL news team, hindi diumano karapat dapat umupo sa pwesto ang naturang presidente kaya nagawa nilang tanggalin ang tarpaulin banner nito.

Agad namang ipinalit sa banner ng mga grupong raliyesta ang isang tarpaulin na nanawagan sa Gobernadora ng North Cotabato na si Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza na may katagang nakasulat na: “Sa inyo na lamang po kami may tiwala para maging tulay namin sa paghanap ng katotohanan at katarungan para sa USM.”

Brgy. Kapitan biktima ng panibagong nakaw-motorsiklo


(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2013) ---Tinangay ng hindi pa natutukoy na mga magnanakaw ang isang motorsiklo sa isang pamamahay ng brgy Kapitan ng Brgy. Malanduage, Kabacan, North cotabato sa pagitan ng alas 2 hanggang alas 4 ng madaling araw kanina.

Batay sa report ng Kabacan PNP ang nasabing motorsiklo ay pag-mamay-ari ni Brgy. Chairman Hadji Ali Maas Makina at residente ng nabanggit na lugar.

Bottom-up budgeting ng NAPC, ipinaliwanag sa iba’t ibang sektor sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2013) ---Ipinalabas ng DBM, DILG, DSWD, at NAPC ang isang joint memorandum patungkol sa mga hakbang o guidelines sa polisiya ng implementasyon ng bottom-up budgeting para sa paghahanda ng 2014 budget.

Ang nasabing memorandum ay ipapatupad upang maisakatuparan ang MDG o Millenium Development Goals ng pamahalaan na mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Mutya ng Midsayap 2013; isa sa mga highlight ng Halad Festival


(Midsayap, North Cotabato/ January 16, 2013) ---Gaganapin na bukas Enero adise-syete ang Mutya ng Midsayap 2013, sa ganap na alas syete ng gabi sa Bulwagang Genoveva Deles Jaranilla ng Notre Dame Of Midsayap College, Gymnasium.

Ang nasabing patimpalak ay may temang “Beauty and a Brain Pageant” na kung saan magkakatunggaling ang mga partisipante hindi lamang sa pisikal na kagandahan kundi pati na rin sa tagisan ng talino.

Hindi dapat pwedeng masakripisyo ang klase sa USM dahil sa nagpapatuloy na rally ---ayon kay Gov. Lala


(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2013) ---Naging tensiyunado ang loob ng University of Southern Mindanao Main Campus dito sa bayan ng Kabacan makaraang mapasok ng mga raliyesta ang compound mag-aalas onse kaninang umaga.

Di naman sila napigilan ng pwersa ng USM Security Force ng mapasok nila ang compound at agad na sinugod ng mga ito ang harap ng USM administration building at naglagay ng tolda.

Klase sa Pamantasan, sinuspende dahil sa nagpapatuloy na rally; Maximum tolerance; ipinatupad sa ikalawang araw ng Rally sa harap ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2013) ---Pansamantalang sinuspende ang klase ngayon sa University of Southern Mindanao matapos ang ginawang kilos protesta ng mga raliyesta sa harap ng USM Main gate.

Kahapon ng tanghali ay binarikadahan ng mga raliyesta ang harap ng entrance ng USM gamit ang malalaking sasakyan bukod pa sa paghaharang din sa mga estudyanteng papasok sana sa kanilang klase, dahil sa binarikadahan din ngmga ito ang entry at exit ng USm sa bahagi ng IMEAS at Machinery.

Bagama’t may mga kaunting tensiyon na naganap kahapon, pinawi naman ng security force ng USM na nasa maayos na kalagayan ang lahat ng mga estudyante ng USM at mga faculty at staff, makaraang ipinatupad ng USM security force ang maximum tolerance sa lugar.

Sa isang panayam ng DXVL News sa nasabing grupo sigaw pa rin nila na bumababa sa pwesto ang Pangulo at mga iba’t-ibang paratang sa kanyang liderato.

Milyong pisong halaga ng cash tinangay sa nangyaring panloloob sa isang mall sa kidapawan City; imbestigasyon ng pulisya, nagpapatuloy


(Kidapawan City/ January 15, 2013) ---Mahigit sa walong daang libong pisong cash, 2 tseke na nagkakahalaga ng P 22,447 at 4 na mga relo ang tinangay ng mga di kilalang suspect mula sa Davao Central Warehouse Club sa Quezon Boulevard, ang pinakamalaking department store sa lungsod ng Kidapawan.

Ayon kay Kidapawan City Police Director Supt. Joseph Semillano, nakapasok ang mga magnanakaw matapos butasin ang gilid na bahagi ng Central Warehouse gamit ang hydraulic jack.

Posibleng gabi pa ng Sabado hanggang madaling-araw noong Linggo sinimulang butasin ng mga suspect ang gusali.

Prayer Rally, isasagawa sa bayan ng Kabacan bilang pagluluksa sa brutal na pagpatay kay Kabacan Vice Mayor Pol Dulay

Vice Mayor Policronio Javier Dulay
(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2013) ---Hinikaya’t ngayon ng pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan ang iba’t-ibang sektor at mga organisasyon na makiisa sa gagawing prayer rally na pamumunuan ng LGU at mga kasamahan sa trabaho ni Kabacan vice Mayor Pol Dulay.

Isasagawa ang prayer rally sa araw ng Huwebes, Enero a-17 alas 7:00 ng umaga na magsisimula sa Municipal Plaza.

Ito para kondenahin na rin ng grupo ang brutal na pagpatay noong hapon ng Biyernes sa bise alkalde ng bayan.

Isa ito sa mga napag-usapan sa isinagawang emergency Municipal Peace and Order council meeting na isinagawa ng LGU kahapon ng hapon na pinamumunuan ni Kabacan Mayor George Tan kasama ang committee on Peace and order.

Rally sa harap ng USM, magtatagal ng limang araw –ayon sa mga organizer ng grupo

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2013) ---Nanguna sa isang peace rally kahapon ng umaga dito sa bayan ng Kabacan ang Multi-Sectoral Stakeholders’ Group ng University of Southern Mindanao o USM na kumukuwestyun sa re-appointment ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije bilang presidente ng unibersidad.

Ayon kay Atty. Abu Khalid Pagapak, spokesperson ng grupo, layon ng kanilang protesta ang iparating sa Malakanyang at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan, partikular sa Commission on Higher Education, ang pagkadismaya nila sa muling pag-upo ng Pangulo.

Kaugnay nito, inalok naman sila ngayon ng pamunuan ng University of Southern Mindanao ng konsultasyon at diyalogo pero ayaw nila ng nasabing negosasyon sa halip ay hayaan lang muna ang kanilang grupo na ilahad ang kanilang sintimiento sa nasabing isyu na bagay namang pinaunlakan ng administrasyon ng USM.

39-anyos na magsasaka, patay sa pamamaril sa bayan ng Carmen, North Cotabato


(Carmen, North Cotabato/ January 14, 2012) ---Patay ang isang 39-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang salarin sa Sitio Malugasa, Carmen, North Cotabato alas 10:30 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ni P/CInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Jessie Palencia, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Eskwelanhan sa North Cotabato; nilooban


(Carmen, North Cotabato/ January 14, 2013) ---Pinasok ng mga di pa matukoy na salarin ang Carmen Central Elementary School noong Sabado sa di malamang oras.

Ayon sa report ng Pulisya, nabatid na limang classrooms ng eskwelahan ang pinasok at tinangay ng mga magnanakaw ang dalawang ceiling fan at isa pang lapel ng sound system, ito sa Principal ng nasabing paaralan na si Enrique Pacarat Obena, 49-anyos.

Task Force Dulay, binuo para sundan ang kasong pagpatay kay Vice Mayor Pol Dulay


(Kabacan, North Cotabato/ January 14, 2013) ---Binuo na ng Kabacan PNP sa koordinasyon ng Criminal Investigation and Detection Group  o CIDG sa pamamagitan ng Regional PNP 12 ang Task Force Dulay para tutukan ang nangyaring pagpaslang kay Kabacan Vice Mayor Policronio Dulay.

Sinabi ni P/Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP na ang nangyari kay Vice Mayor Dulay ay pasok sa standard operating procedure ng PNP na magbuo agad ng task force ego bastat’t elected official ang napatay.

Ito makaraang magsagawa ng case conference ang mga otoridad ng gabi ng Biyernes nu’ng mangyari ang insedente.

Kabacan Mayor George Tan handang magbigay ng P200K cash reward para sa sinumang makapag-turo sa bumaril kay VM Pol Dulay


(Kabacan, North Cotabato/ January 14, 2013) ---Handang magbigay si Kabacan Mayor George Tan ng Cash reward na P200,000 para sa sinumang makapagturo sa bumaril kay Kabacan Vice Mayor Policronio Dulay, kasunod na rin ng pagtitiyak ng alkalde na gagawin nito ang lahat ng hakbang para mahuli ang responsable kasabay ng pangako sa pamilya nito na hindi siya hihinto hanggang sa hindi mahuli ang suspek sa pamamaslang sa opisyal.

Una na ring sinabi ng opisyal na nabigla siya ng malaman nito ang sinapit sa alkalde kungsaan di nito lubos maisip na may gagawa sa kanya ng ganito, gayung para sa opisyal ay napakabait na tao ang bise alkalde.

Incognito, nasungkit ang unang gantimpala sa Lantaw 2013


(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 14, 2013) ---Ginanap na ang taonang Lantaw short film festival sa Usm gymnasium nung nakaraang ika-labing isa ng enero taong kasalukuyan.

Ang naganap na short film festival ay nilahukan ng apat na short films, una na dito ang “incognito” na nagging 1st best short film, best director, best sound scoring,  best poster at nag.uwi ng best actress at best actor.