(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 18,
2013) ---Itutuloy pa rin ng mga raliyesta ang kanilang gagawing kilos protesta
sa araw ng Lunes sa kabila ng di pa tiyak kung mabibigyan ang mga ito ng
renewal ng kanilang permit.
Tatawagin nilang Mass Movement ang nasabing
aktibidad, ayon sa isa sa mga tagapagsalita ng kampo ng mga raliyesta na si USG
Senator Kathleen Costes, isang estudyante ng Political Science buhat sa College
of Arts and Sciences sa kanyang naging pahayag sa isang bayad na programa sa
DXVL Radyo ng Bayan kanina.
Sa dokumentong binasa ni Costes sa DXVL
Radyo ng Bayan, inisa-isa nito ang mga dahilan kung bakit nais nilang pababain
sa puwesto si re-appointed USM President Dr. Jesus Antonio G. Derije.
Kabilang sa mga asunto ay ang umano’y
paglabag ng Presidente sa RA 3019 o mas kilala sa tawag na Anti-graft and
corrupt practices act, at RA 7613 o Incompetence, Grave Abuse of Authority,
Dishonesty, Conduct Prejudicial to Service.
Ito ay nag-ugat sa mga umano’y maanomalyang
pagbili ng mga kagamitan para sa pamantasan.
Una sa listahan ay ang pagbili ng isang
X-Ray machine na gagamitin ng USM Hospital noong June 4, 2012.
Ayon sa kopya ng
kasong isinampa, kinukwestyon ng mga ito ang pagkakapanalo ng kumpanyang ONE
MEDICAL CORPORATION na nagkakahalaga ng 3 million pesos.
Pinagtatakhan kasi ng
mga ito kung bakit ang naturang kumpanya ang nanalo sa bidding gayong ang
lowest bidder ay ang INSTRUMIX SUPPLIER INCORPORATED na ang halaga ay 1.9
million pesos. Kung pagbabatayan umano ay makpareho naman ang specifications ng
mga ito.
Pangalawa, ang pagbili ng unibersidad nitong
February 2012 ng isng unit ng reconditioned o surplus dump truck na
nagkakahalaga ng P690,000.00 na i-tsi-narge sa Special Trust Fund ng FUND 164 na nakalaan lamang sa maintenance
ang other operating expenses at capital outlays sa unibersidad at maging
pagbabayad ng fringe benefits o authorized allowances ng mga guro at
estudyante.
Bukod sa mali umano ang pinanggalingan ng
pondo, hindi rin ito dumaan sa bidding process.
Nagkaroon din umano ng
re-alignment ng pondo at natuklasan na ang naturang pondo umano na ipinambili
ng dumptruck ay ipambibili sana ng isang school bus.
Pangatlo sa mga ito ay ang pagbili ng TOYOTA
FORTUNER, na nagkakahalaga ng
P1,468,100.00 na galing din sa Trust Fund ng Fund 164 na malinaw na
paglabag sa COA Circular 200-02. Bukod ditto, hindi rin daw ito dumaan sa
bidding process.
Kabilang din sa mga sinasabing may anomalya
pa ay ang pagbili ng Mitsubishi 4x4 backhoe loader na nagkakahalaga ng
P1,475,000.00 na kinuha umano sa FUND 164 o tuition fees ng mga estudyante ng
USM Kidapawan City Campus.
Maliban dito, marami pang mga anomaly ang
inihayag ni Costes buhat sa kopyang kanyang hawak na binasa sa himpilang ito.
Pero sa panig naman ng Faculty Association,
sinabi ni USMFA Pres. Ronald Pascual na hanggang sa mga oras na ito ay wala pa
silang stand hinggil sa nasabing rally dahil aminado ang opisyal na hati ang
faculty sa sensitibong usapin ng Pamantasan.
Kaugnay nito, iginiit ng opisyal na nais na
nilang makabalik na sa klase ang mga mag-aaral ng USM sa araw ng Lunes, kahit
pa na itutuloy ang nasabing kilos protesta, basta’t ang mahalaga ay hindi ito
makakaperwisyo sa klase ng mga estudyante.
Sinabi naman ni Prof Pascual, nais din
nitong linawin ang pag-iinhibit sa kanyang nu’ng mangyari ang botohan sa
re-appointment ni USM Pres. Derije noong January 4 kung bakit di siya nakasama
sa nasabing botohan nang sa gayun ay may kahalintulad din umanong insedente na
dating nag-evaluate na regents pero nakasali naman sa pagboto sa re-appointment
ng mga nagdaang Pangulo ng USM.
Samantala, pag-aaralan pa umano ni Kabacan
Mayor George Tan kung aaprubahan nito ang pag-apela ng mga grupo ng mga
raliyesta para makakuha ng panibagong permit. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento