Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rally sa harap ng USM, magtatagal ng limang araw –ayon sa mga organizer ng grupo

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2013) ---Nanguna sa isang peace rally kahapon ng umaga dito sa bayan ng Kabacan ang Multi-Sectoral Stakeholders’ Group ng University of Southern Mindanao o USM na kumukuwestyun sa re-appointment ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije bilang presidente ng unibersidad.


Ayon kay Atty. Abu Khalid Pagapak, spokesperson ng grupo, layon ng kanilang protesta ang iparating sa Malakanyang at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan, partikular sa Commission on Higher Education, ang pagkadismaya nila sa muling pag-upo ng Pangulo.

Kaugnay nito, inalok naman sila ngayon ng pamunuan ng University of Southern Mindanao ng konsultasyon at diyalogo pero ayaw nila ng nasabing negosasyon sa halip ay hayaan lang muna ang kanilang grupo na ilahad ang kanilang sintimiento sa nasabing isyu na bagay namang pinaunlakan ng administrasyon ng USM.

Magtatagal pa umano hanggang sa araw ng Biyernes ang nasabing rally na ayon sa report, ay suportado ng ilang civil society organizations, kabilang na rito ang Watch Cotabato, MASIPAG na organisasyon ng mga magsasaka, at ng USM Associates in Community Extension Services. 
Bagama’t may permit ang mga ito, nagiging sagabal na umano sila sa pag-usad ng trapiko ito dahil sa nahaharangan ang USM Main gate dahilan kung bakit binabantayan na ito ngayon ng Kabacan PNP at mailagay sa tamang lugar ang mga raliyesta.
Nang subukan ng himpilang ito na kunin ang pahayag ng lider ng grupo para ma-i-ere ang kanilang panawagan sa administrasyon ng USM, ayaw umano nilang magbigay ng kahit anumang kumento hinggil dito.

Ito dahil sa hindi umano sila naniniwala sa himpilang ito at sa halip ay pinagsabihan pa ang isa sa mga personnel ng DXVL na biased umano ang himpilan.

Pero nilinaw naman ng pamunuan ng DXVL Radyo ng bayan na sa bawat balitang aming nilalabas, patas ang ginagawa naming presentasyon, batay na rin sa itinakdang batayan ng Kapisanan ng mga Broadkaster Code. (Rhoderick Beñez)


1 komento: