Vice Mayor Policronio Javier Dulay |
Isasagawa ang prayer rally sa araw ng Huwebes, Enero a-17 alas 7:00 ng
umaga na magsisimula sa Municipal Plaza.
Ito para kondenahin na rin ng grupo ang brutal na pagpatay noong hapon ng
Biyernes sa bise alkalde ng bayan.
Isa ito sa mga napag-usapan sa isinagawang emergency Municipal Peace and
Order council meeting na isinagawa ng LGU kahapon ng hapon na pinamumunuan ni
Kabacan Mayor George Tan kasama ang committee on Peace and order.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP na
magbibigay sila ng siento por sientong imbestigasyon para tutukan at isagawa
ang malalimang imbestigasyon sa kaso ni Vice Mayor Dulay makaraang magbuo na
rin sila ng Task Force Dulay na tututok sa fact finding ng kaso.
Bukod dito, inatasan na rin ni Kabacan Mayor Tan, ang Kabacan PNP na
magsagawa ng training sa lahat ng mga security guards upang malaman ang dapat
gawin kung may mga kahalintulad na pangyayari.
Ito makaraang mabatid na malapit lamang sa erya ang isang security guard
ng isang establisiemento pero wala umanong nangahas para tulunan si Vice Dulay.
Kaya kabilang din sa napag-usapan ay ang kung papaanu isailalim sa
witness protection ang mga nais mag-witness sa nasabing kaso na mabigyan ng
pansin ng Department of Justice.
Kung matatandaan, nagpalabas na ng P200,000 ang punong ehekutibo sa
sinumang makapagturo sa responsable sa naturang krimen, bukod pa sa naisalang
din kahapon sa isang special ng session ng Sangguniang bayan ng Kabacan ang
pagpapalabas din ng intel fund na P200,000 bilang reward money sa nagbaril sa
bise alkalde.
Sa ngayon, pansamantalang uupo sa binakanteng posisyon ni Vice Mayor Pol
Dulay si Councilor Jonathan Tabara ang, 1st kagawad ng Sangguniang bayan,
batay sa rule of succession na nakasaad sa comelec habang niluluto pa ng DILG
ang nasabing proseso na pinamumunuan ni Municipal Interior and local government
operation officer Jasmin Musaid.
Samantala, si Kabacan Vice Mayor Policronio Javier Dulay Sr., ay
ipinanganak noong Pebrero 17, 1942 sa Kabacan, North Cotabato.
Namatay ito sa edad na 70.
Kinilala ang kanyang may bahay na si Florita Aricheta Dulay at biniyayaan
sila ng 5 mga anak, 2 lalaki at 3 babae.
Ang mga magulang ng bise alkalde ay sina Bernardino Campos Dulay at
Alberta Javier Dulay.
Nagtapos si Pol ng kanyang elementarya sa Katidtuan elementary School
taong 1956 at taong 1960 naka graduate siya sa high school sa MC Panabo Jr.
College at nakapag-aral sa MIT dating USM at nag-aral ng kanyang vocational sa
Davao Business School taong 1961 bago kumuha ng kursong Bachelor of Secondary
Education sa Quezon College of Southern Philippine at nagtapos taong 1986.
Naging patrolman ang opisyal bago naging PFC taong 1975 at naging kasapi
din siya ng Bureau of fire bago pumasok sa hanay ng Pambansang Pulisya ng
Pilipinas taong 1977.
Matapos itong magretiro sa serbisyo, pinasok ng opisyal ang pulitiko
taong 1998 na nahalal bilang konsehal ng bayan hanggang sa sunod-sunod na term
nito kungsaan naging 1st kagawad ito sa dalawang termino.
Dalawang termina na rin ngayon bilang bise alkalde at muli siyang
magpapa-re-elect ngayong midterm election bilang Vice Mayor ng Kabacan.
Nanging kasapi din siya ng Philippine Councilors League, Cotabato
Provincial Councilors federation, Municipal Chapter Councilor League at Knights
of Columbus C 7112.
Bilang tagapanday ng batas, marami siya’ng mga ordinansa at mga
resulosyon ang naaprubahan sa Sangguniang bukod pa sa mga seminars at worshops
din nitong sinalihan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento