Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Mayor George Tan handang magbigay ng P200K cash reward para sa sinumang makapag-turo sa bumaril kay VM Pol Dulay


(Kabacan, North Cotabato/ January 14, 2013) ---Handang magbigay si Kabacan Mayor George Tan ng Cash reward na P200,000 para sa sinumang makapagturo sa bumaril kay Kabacan Vice Mayor Policronio Dulay, kasunod na rin ng pagtitiyak ng alkalde na gagawin nito ang lahat ng hakbang para mahuli ang responsable kasabay ng pangako sa pamilya nito na hindi siya hihinto hanggang sa hindi mahuli ang suspek sa pamamaslang sa opisyal.

Una na ring sinabi ng opisyal na nabigla siya ng malaman nito ang sinapit sa alkalde kungsaan di nito lubos maisip na may gagawa sa kanya ng ganito, gayung para sa opisyal ay napakabait na tao ang bise alkalde.

Aniya, parang nawalan na umano ng isang parte ng katawan ang punong ehekutibo, dahil sa malaking kawalan para sa kanya ang pagkawala ng alkalde.

Kaugnay nito, malaki ang paniniwala ni Tan na Pulitika ang motibo sa pamamaslang sa kanyang bise alkalde dahil sa alam nitong mabuting tao ang opisyal at malinis ang kanyang puso.
Naging maganda rin ang kanilang samahan sa ilang taon nila sa pulitika at bilang alagad rin sa gobyerno.

Kaya naman nagpalabas na ng deriktiba si Tan sa mga opisyal ng PNP na pag-aralang mabuti at wag hihinto hanggang sa mahuli ang salarin.

Sa kabila ng mga negatibong espekulasyon sa pagkamatay ni Vice Dulay, hindi naman ito ngayon binibigyang pansin ng alkalde sa halip ay pinagtutununan nito ang mga hakbang na dapat gawin at ginagawa nito ang lahat ng legal na proseso kungsaan lahat ay naglulukso pa sa ngayon. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento