Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Prayer rally sa pagkamatay ni Vice mayor Dulay isinigawa, pagkondena sa mga pumatay binigyang diin

(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2013) ---Justice for Vice mayor Dulay, ito ang tema ng isinigawang Prayer Rally  kaninang umaga sa Municipal plaza dito sa bayan ng kabacan.


Ang prayer rally ay nagsimula eksakto alas siyete a kinse ng umaga na simulan ng isang parada na dumaan sa national highway papuntang USM avenue na kung saan pansamantalang huminto ang parada at nagbigay katahimikan sa harapan ng Allan’s Bookstore para mag alay ng dasal  kung saan eksaktong binaril ang dating opisyal.

Alas otso I medya naman ng umaga ng pormal na simulan ang programa para sa prayer rally.Nagbigay naman ng maikling mensahe sina Mayor George B. Tan ng Kabacan, Acting vice mayor  na si Jonathan Tabara, Councilor David Jon V. Saure at Mr. Toto Calamaan (KALGEA President) na parehong binigyang diin ang pagkodena sa mga  pumatay  sa dating vice mayor.

Nagtaguyod naman ng dasal at panalangin sina Rev. Pastor Saure ng UCCP, Rev. Father Emer Boy Tayco ng IFI, Professor. Sultan Ali Makakena-USM professor at Reverend Pastor Jose Solomon ng King’s Highway Assembly of God.

Lumahok naman sa nasabing prayer rally ang lahat ng sectors dito sa bayan ng Kabacan, St.Lukes Institute, At Kabacan National High School.

Nagtapos naman prayer rally sa Community singing , pagsisindi ng mga kandila at pagpapalipad ng mga lobo. (Chriss Corpuz , DXVL NEWS)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento