Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Motorsiklo ng habal-habal drayber tinangay ng mga carnaper sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 15, 2014) ---Tinangay ng isa sa mga pasahero ang motorsiklo ng isang habal-habal drayber sa nangyaring carnapping sa bahagi ng Brgy. Taculen, Matalam, North Cotabato alas 5:00 kahapon.

Sa report ni SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala nito ang biktima na si Elvin Curimao, 39-anyos residente ng Purok 3, Brgy. Kilada, bayan ng Matalam.

110 kaparehas, ikinakasal sa isinasagawang Kasalan ng Bayan

(Kabacan, North Cotabato/ August 15, 2014) ---Abot sa 110 kaparehas ang ikinasal sa isinagawang “Kasalan ng Bayan” bilang bahagi ng selebrasyon ng 67th Founding Anniversary ng Kabacan.

Sinabi sa DXVL ni Municipal Registrar Officer Gandy Mamaluba na kakaiba ang Kasalan ng bayan sa ngayon dahil ito ay isinagawa ng mas maaga ngayong taon.

1st HPG Funshoot, isasagawa ngayong araw

(Kabacan, North cotabato/ August 15, 2014) ---Gagawin ngayong araw ang 1st Herlo P. Guzman Fun Shoot sa PCC Shooting Range na nasa USM Compound, Kabacan, Cotabato.

Sa panayam kay MENRO Officer Jerry Laoagan bukas ang naturang aktibidad sa mga non-shooters kungsaan kanilang iniimbitahan ang lahat ng mga bgry. Opisyal kasama na dito ang mga tanod na sumali sa kauna-unahang fun shoot na ito.

30 kaso ng measles, namonitor ng RHU sa Kabacan; outbreak sa sakit na tigdas, hindi pa kumpirmado!

(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2014) ---Umaabot na ngayon sa 30 ang naitalang kaso ng measles sa walong mga lugar sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ang naturang bilang ay kanilang namonitor sa buwan lamang ng Hulyo ng kasalukuyang taon.

Dagdag na piso sa singil ng pamasahe ng mga tricycle, nakapasa na sa unang pagbasa sa SB

(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2014) ---Posibleng sa katapusan ng buwan ng Agosto ay magsasagawa na ng Public Hearing ang Sangguniang Bayan ng Kabacan hinggil dagdag piso na singil sa pamasahe ng mga tricycle.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Councilor Herlo Guzman Sr. ang may ahawak ng committee on Transportation sa Sanggunian matapos na maisalang na sa unang pagbasa sa konseho ang naturang panukala.

Bahay ng bumbero sa Arakan, North Cotabato nilooban; libu-libung halaga ng pera at mga alahas, nalimas!

(Arakan, North Cotabato/ August 14, 2014) ---Abot sa humugit kumulang sa P80,000.00 ang nalimas ng mga suspek makaraang pasukin ng mga ito ang bahay ng isang kasapi ng Bureau of Fire ng Arakan sa Poblacion, Arakan, Cotabato alas 5:30 ng madaling araw kahapon.

Sa report na ipinadala sa DXVL News ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang biktima na si FO1 Isagani Mendoza, nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.

USM, may pasok sa Agosto 18

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2014) ---Hindi magpatupad ng Holiday ang University of Southern Mindanao sa Agosto a-18, araw ng Kabacan.

Ito ang ginawang paglilinaw ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Treasurer’s Office ng LGU Kabacan, idenepensa ang paniningil ng RHU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2014) ---Ipinaliwanag ng treasurer’s Office ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang paniningil ng Rural Health Unit sa mga nagpapa-check up sa Health Center.

Ayon sa Treasurer’s Office ng LGU Kabacan may basehan ang kanilang paniningil ng P90 sa mga pasyenteng magpapa-check up batay naman ito sa inaprubahang Revenue Code ng Sangguniang Bayan ng Kabacan.

Security Plan sa paistahan ng Kabacan, Kasado na!

By: Sarah Jane Guerrero

Unlad Kabacan! Yes mga ka-Unlad, isinagawa nga kaninang umaga ang final coordinative conference ng AFP, PNP-Municipal Police Station ng Kabacan, BPAT at ng Traffic Management Unit, August 12, 2014, para sa Kapagayan 2014 Festival ng Kabacan. 

Naging basehan  ng diskusyon ng nasabing conference ang Security Plan at dito ay nabigyaang diin ang pagpapalawig at pagpapalakas pa ng security operations sa bayan ng Kabacan bago at sa araw ng Kapistahan.

2 estudyante sa NorCot, nag-uwi ng medalya sa int'l competitions

(North Cotabato/ August 13, 2014) ---Nag-uwi ng karangalan para sa bansa ang dalawang estudyante sa North Cotabato na nakipagtagisan ng galing sa Singapore.

Nasungkit ni Sophia Helen Gador, Grade 4 pupil ng Midsayap Pilot Elementary School (MPES) ang tansong medalya sa katatapos na International Mathematics Competition (IMC) sa Singapore kamakailan.

Bloodletting Activity kaugnay sa pagbubukas ng kapiestahan ng Kabacan, isasagawa ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2014) ---Magsasagawa ng Bloodletting activity ang Rural Health Unit ng Kabacan sa pakikipagtulungan ng Health Emergency Management Program bilang bahagi ng 67th Founding Anniversary ng Kabacan na gagawin sa Kabacan Pilot Central Elementary School, Kabacan, Cotabato alas 8:00 ng umaga hanggang alas 2:00 mamayang hapon.

Sinabi sa DXVL News ni Health Emergency Management Coordinator Honey Joy Cabellon na inaanyayahan ang lahat na hindi pa naka-donate ng dugo na magtungo lamang sa nasabing lugar.

34-anyos na magsasaka, pinagbabaril sa loob ng USM Main Campus, gunman at kasama nitong riding tandem, tiklo

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng tatlo katao na sinasabing responsable sa nangyaring pamamaril sa isang 34-anyos na magsasaka sa bisinidad ng USM Hospital na nasa loob ng USM Main Campus, Kabacan, Cotabato pasado ala 1:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Haron Adil Kasan, may asawa at residente ng brgy. Pisan, Kabacan kungsaan sugatan ng pagbabarilin ng suspek.

Agosto 18, ideneklara bilang Special Non-working Day sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2014) ---Sa pagtalima sa ika-67th Founding Anniversary ng Bayan ng Kabacan, inilabas na ang nilagdaang Executive Order # 13-2014 ni Mayor Herlo P. Guzman Jr, na nagsasaad na ang August 18, 2014  ay isang SPECIAL NON-WORKING DAY sa bayan ng Kabacan.

Ibig sabihin mga Ka-unlad, ang Executive Order na ito ay magiging basehan ng ano mang institusyon na hindi sila magtatrabaho sa August 18, 2014 sapagkat lalahok at makikiisa sila sa selebrasyon. 

Calamity Seeds Assistance ng North Cotabato, Patuloy na Isinasagawa

(Amas, Kidapawan City/ August 12, 2014) ---Umaabot na sa mahigit tatlong libong sako ng certified palay seeds na may katumbas na halaga na P4,574,400.00 ang naipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist para sa mga nasalanta ng kalamidad na mga palayan sa lalawigan. 

Ito ay bilang ayuda sa mga magsasakang labis na naapektuhan ng mga pagbaha at iba pang kadahilanan mula noong nakaraang taon hanggang Hulyo nitong taon.

Pagtuturno ng mga tricycle at trisikad sa ilang lugar sa Poblacion ng Kabacan, illegal ---TMU

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2014) ---Iginiit ng pamunuan ng Traffic Management Unit ng Kabacan na illegal ang pag-tuturno ng ilang mga tricycle at trisikad sa bayan.

Ito ang sinabi ni TMU Head Ret. Col. Antonio Peralta sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na ireklamo ng ilang mga public commuters ang diumano’y mga turnuhan ng mga sikad at tricycle sa ilang mga Purok sa Poblacion, particular na rin dito ang sa Purok Miracle.

1-2 oras na rotational curtailment, aasahan sa service area ng COTELCO

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2014) ---Aasahan ang 1 hanggang 2 oras na Rotational Brownout sa service area na sakop ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco dahil pa rin sa kakulangan sa supply ng kuryente.

Ito ang sinabi kahapon ni Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Mga BPAT ng Matalam, North Cotabato; isinailalim sa Anti-Criminality Action Plan (LACAP)

(Matalam, North Cotabato/ August 11, 2014) ---Sumailalim sa tatlong araw na Anti-Criminality Action Plan (LACAP) ang mga Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT sa bayan ng Matalam, North Cotabato na nagsimula noong Huwebes Agosto a-7 at nagtapos nitong Sabado.

Sa isang kalatas na ipinadala sa DXVL News, sinabi ni PCInsp. Elias Diosma Colonio, hepe ng Matalam PNP na layon ng nasabing aktibidad na sanayin ang mga kasapi ng BPAT upang maging epektibo sa kanilang tungkulin at responsibilidad.

Nakaw na motorsiklo, narekober ng mga kapulisan sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ August 11, 2014) ---Isang nakaw na motorsiklo ang narekober ng mga otoridad sa brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 10:40 ng umaga nitong Sabado.

sa report ng Kabacan PNP narekober nila ang nasabing sasakyan sa tulong ng mga elemento ng kapulisan kasama ang pinagsanib na pwersa na elemento ng RPSB 12, mga tropa ng sundalo kasama ang brgy. Kapitan ng Kayaga.

Suspek na responsableng sa panghohold-up sa isang establisiemento sa Kabacan, patuloy na tinutugis ng Kapulisan

(Kabacan, North Cotabato/ August 11, 2014) ---Patuloy ngayong pinaghahanap ng mga kapulisan ang suspek na responsable sa panghohold-up sa Pritong Manok establishment sa may bahagi ng USM avenue, Kabacan, Cotabato alas 7:30 ng gabi nitong Sabado.

Sa ulat na nakarating sa Kabacan PNP, isang di pa nakilalang suspek ang pumasok sa nasabing establisiemento ng mga oras na iyon at nagdeklara ng hold-up, ayon pa kay SP01 Kenneth Garbin ang case investigator ng Kabacan PNP.

3 patay, 6 grabe sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Pres. Roxas, North Cotabato

(Pres. Roxas, North Cotabato/ August 11, 2014) ---Tatlo ang naiulat na namatay habang anim naman ang nasa malubhang kondisyon makaraang masangkot sa aksidente ang dalawang motorsiko sa bahagi ng Brgy. Labuo, Pres. Roxas, Cotabato alas 9:30 ng gabi nitong Sabado.

Sa ulat ni Cotabato Police Provincial Office (CPPO) Spokesperson PSI Jojet Nicolas na kinilala ang mga nasawi na sina Filimon Tayco, PhilJohn Jabonillo at Ryan Mendoza, drayber at residente ng brgy. Kamarahan ng nasabing lugar.