Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1-2 oras na rotational curtailment, aasahan sa service area ng COTELCO

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2014) ---Aasahan ang 1 hanggang 2 oras na Rotational Brownout sa service area na sakop ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco dahil pa rin sa kakulangan sa supply ng kuryente.

Ito ang sinabi kahapon ni Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Sinabi ng opisyal na nito pa umanong nakaraang linggo nila sinimulan ang pagpapatupad ng load curtailment makaraang nag-out sa Grid ang 200Megawatts na STEAG.

Maliban sa problema sa dalawang 100megawatts ng STEAG, isang unit din ng Therma Marine na 50megawaats ang hindi rin gumagana sa ngayon dahilan para magpatupad ang cotelco ng isa hanggang dalawang oras na power interruption.

Kaugnay nito, patuloy naman ang ginagawang pagkumpuni sa dalawang STEAG na nasira at posibleng ngayong lingo ay maibabalik sa grid ang serbisyo ng isang STEAG na nag-gegenerate ng kuryente na isang coal-fired power plant na nakatayo ngayon sa Misamis Oriental. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento