(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2014)
---Posibleng sa katapusan ng buwan ng Agosto ay magsasagawa na ng Public
Hearing ang Sangguniang Bayan ng Kabacan hinggil dagdag piso na singil sa
pamasahe ng mga tricycle.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Councilor
Herlo Guzman Sr. ang may ahawak ng committee on Transportation sa Sanggunian matapos
na maisalang na sa unang pagbasa sa konseho ang naturang panukala.
Ang petisyon letter ay ipinasa ng KULTODA
Kabacan sa konseho dahil na rin sa mataas na presyo ng gasoline, mataas na
halaga ng mga spare parts ng motor at ang Kabacan nalang ang hindi nagtaas sa
singil ng pamasahe.
Sakaling ma-amendahan na ang Ordinance No.
2008-008 ay magiging P8.00 na ang pamasahe sa mga tricycle sa lahat ng sulok sa
Poblacion.
Ang nasabing panukala ay dadaan pa sa 2nd
at Reading reading bago tuluyang maipatupad ito, ayon sa lokal na mambabatas. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento