(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2014)
---Umaabot na ngayon sa 30 ang naitalang kaso ng measles sa walong mga lugar sa
bayan ng Kabacan.
Ito ayon kay Disease Surveillance
Coordinator Honey Joy Cabellon sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Ang naturang bilang ay kanilang namonitor sa
buwan lamang ng Hulyo ng kasalukuyang taon.
Ang barangay Simone ang may pinakamaraming
bilang na umaabot ng 16; Poblacion, Pedtad, Kayaga 3; Lower Paatan 2 at
tig-iisang kaso naman ang naitala sa mga barangay ng Salapungan, Bannawag at
Aringay.
Maliban dito, naitala naman sa Sitio Kweba
at Sitio Darusalam ng brgy. Pisan ang pitong kaso ng tigdas ngayong buwang ito
lamang.
Sa kabila ng lumulubong bilang na ito,
itinanggi ng pamunuan ng RHU na nagkaroon ng outbreak sa tigdas sa naturang mga
lugar, ito dahil sa hindi pa nasiyasat ang mga specimen na kanilang naipadala
sa IPHO-North Cotabato makaraang masama sa mga nasunog sa stockroom nila.
Sa ngayon, nakatakda ng magsagawa ng Mass
Immunization kontra measles ang RHU Kabacan sa mga barangay sa darating na buwan
ng Setyembre. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento