By: Sarah Jane Guerrero
Unlad Kabacan! Yes mga ka-Unlad, isinagawa
nga kaninang umaga ang final coordinative conference ng AFP, PNP-Municipal
Police Station ng Kabacan, BPAT at ng Traffic Management Unit, August 12, 2014,
para sa Kapagayan 2014 Festival ng Kabacan.
Naging basehan ng diskusyon ng nasabing conference ang
Security Plan at dito ay nabigyaang diin ang pagpapalawig at pagpapalakas pa ng
security operations sa bayan ng Kabacan bago at sa araw ng Kapistahan.
Humigit kumulang dalawang-daan limampong mga
security personnel at kabilang na nga dito ang Traffic Management Unit
personnel, mga police, military at ang ating Force Mulyipliers o BPAT.
Inaasahan din na ang mga nabanggit na mga personnel ay magsasagawa ng Foot
Patrols, maitalaga sa mga checkpoints sa araw at gabi.
Si Chief of Police, Police Superintendent
Jordine Maribojo ang ground commander at assistant ground commander naman so
Retired Col. Antonio peralta. Samanatalang ang buong tropa naman ka-unlad rod
ay hahatiin sa tatlong sector at kada sector ay may nakatalagang kanilang
officer.
Ayon naman kay Mayor Herlo P. Guzman Jr,
mahalagang maisa-alang-alang umano ang seguridad ng nakakarami at ng publiko sa
napakahalagang araw ng Kabacan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento