(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2014)
---Ipinaliwanag ng treasurer’s Office ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang
paniningil ng Rural Health Unit sa mga nagpapa-check up sa Health Center.
Ayon sa Treasurer’s Office ng LGU Kabacan
may basehan ang kanilang paniningil ng P90 sa mga pasyenteng magpapa-check up
batay naman ito sa inaprubahang Revenue Code ng Sangguniang Bayan ng Kabacan.
Ayon kay Municipal treasurer Prescilla
Quiñones na nagpapatupad lamang sila ng nasabing batas partikular na ang
section 41 ng panukalang revenue code ng LGU Kabacan hinggil sa Reforestation,
Conservation and Environmental Protection Fee kungsaan P50.00 ang ipinapataw na
bayad sa sinumang indibidwal, establisiemento at kalakal sa bawat transaksiyon
na gagawin sa LGU Kabacan.
Ibigsabihin nito, hindi lamang sa health
services magdadagdag ng P50 kundi sa anumang transaksiyon na gagawin sa LGU.
Bukod dito, may sinisingil pa ang LGU ng
dagdag na Education Support Program Fee o ESPF at Farmers Subsidy Fee o FSF na
abot sa P30.00.
Layon nito na makalikom ng pondo upang
magamit sa pagmamantina sa kapaligiran, sa pagsasaka at tulong sa edukasiyon. Anila,
may official receipt o OR namang ibinibigay ang LGU sa bawat binabayaran ng mga
kliyente.
Samantala, narito ang breakdown ng P90 na
binabayaran sa Rural Health Unit: sa Check up P10, Education Support Program
Fee o ESPF at Farmers Subsidy Fee o FSF P30 at Reforestation, Conservation and
Environmental Protection Fee na P50.00 kaya umaabot ng P90 ang babayaran ng
bawat isang pasyente.
Pero sinabi naman ni administrative Officer
Cecilia Facurib na mas mura pa rin ito
kaysa pribadong hospital kungsaan may konsultasyon na at may libreng gamot pa
kaysa magbigay lang ng donasyon na di naman alam kungsaan napupunta.
Ayon naman kay Municipal Officer Dr. Sofronio
Edu Jr., hindi bumababa ng 30 pasyente ang nagpapa-check-up sa RHU araw-araw,
kaya umaabot nang libu-libu ang nakokolekta ng Treasurer’s Office.
Sa 30 bilang na ito na magbabayad ng P90 sa
loob ng isang taon, makakalikom ang LGU Kabacan ng abot sa P712,800
kulang-kulang isang milyon, ayon pa kay Dr. Edu.
Kaya hamon naman ni Dr. Edu sa mamamayan ng
Kabacan na bantayan din ng mga ito kung napupunta sa tamang paggastahan ang
pera ng taong bayan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento