Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

46 na adult Literacy-Numeracy learners ng barangay Kilagasan nagtapos na

(Kabacan, North Cotabato/ April 25, 2014) ---Nagtapos ang apatnaput anim na adult Literacy-Numeracy learners ng barangay Kilagasan, Kabacan, Cotabato, particular sa Sitio Nasag at Sitio Kumpra, kaninang alas 10:00 ng umaga.

Naging panauhing pandangal nila si Mr. Junmar Gonzales, population program officer ng probinsiya ng Cotabato, sinabi pa nito na may basbas pa umano ni Gov. Lala Talino Mendoza ang kaniyang pagpunta doon.

Seguridad para sa pagsisimula ngayong araw ng Summer Peace Kids Camp, tiniyak ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2014) ---Pormal ng magsisimula ngayong araw ang Summer Peace Kids dito sa bayan ng Kabacan na gagawin sa Kabacan Pilot Central Elementary School.

Kaugnay nito, tiniyak ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang seguridad sa paligid ng venue na pagdadausan ng nasabing aktibidad.

Katunayan may security plan na umano silang inilatag kasama na ang militar, ang mga Barangay Peace Keeping Action Team (BPAT) at mga tanod.

(Update) Personal Grudge, nakikitang dahilan sa pagpatay sa mag-ama sa Pisan, Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2014) ---Personal Grudge ang sinusundang anggulo ng Kabacan PNP sa nangyaring pagpatay sa mag-ama kasama na ang dalawang taong gulang na bata sa Sitio Cueva, Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato nitong nakaraang linggo.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP.

Aniya agad naman nilang nahuli ang dalawang suspek matapos na ituro ng misis ng biktima.

37-anyos na lalaki, patay makaraang barilin ng kainuman sa Libungan, NCot

(Libungan, North Cotabato/ April 24, 2014) ---Patay ang 37-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng mismong kainuman nito sa nangyaring krimen sa Sitio Tumpok, Poblacion, Libungan, North Cotabato alas 9:20 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInps. Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP ang biktima na si Kamad Masaya, 37, residente ng Tinimbakan, Banisilan habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Kadil Alimaw Pananggalan, 65, may asawa at residente ng Sitio Tumpok.

North Cotabato Highway Patrol Group, pinasinungalingan ang umano’y pagtanggap ng lagay ng ilang mga tauhan nila

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2014) ---Pinabulaanan ng pamunuan ng North Cotabato Highway Patrol Group ang mga ulat ng umano’y pagtanggap ng lagay ng ilan sa mga highway patrol personnel.

Sinabi ni North Cotabato Highway Patrol Group Head Inspector Gerry Galan na hindi sila tumatanggap ng anumang padulas at katunayan kung may mga nilalabag na batas trapiko ang mga motorist agad nilang pina-iimpound ang nasabing mga sasakyan.

Public Hearing hinggil sa franchising and regulatory code sa mga tricycle for hire sa Kabacan, Isinagawa!

(Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2014) ---Bagama’t hindi korom ang nangyaring Public hearing hinggil sa franchising and regulatory code para sa mga tricycle for hire sa Kabacan, itinuloy pa rin ang naturang aktibidad kahapon.

Ito ayon kay Vice Mayor Myra Dulay Bade dahil sa una na itong na-i-schedule.

Ilan sa mga mga drivers at operator ng mga tricycle at tricycab di alam ang naturang public hearing.

Grants and Donations ng VM at konsehal sa Kabacan, tinanggal na rin!

(Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2014) ---Tanggal na ang grants and donations ng Vice-Mayor at mga konsehal sa Kabacan.     

Ito ang sinabi kahapon sa DXVL News ni Kabacan Vice Mayor Myra Dulay Bade matapos ang circular na inilabas ng Commission on Audit.

Pag-inum ng alak may malaking epekto sa pagkakabalisa ng isang tao –ayon sa isinagawang research ng estudyante ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2014) ---May malaking kaugnayan umano ang pag-inom ng alak sa pagiging balisa ng isang tao.

Ito ang lumabas sa isang pag-aaral na isinagawa ng Department of Psychology ng College of Arts and Sciences dito sa University of Southern Mindanao.

11 na mga suspected MERS-Cov, namonitor sa Rehiyon 12; ilan sa kanila isinailalim na sa Quarantine

(Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2014) ---Patuloy na binabantayan ngayon ng Department of Health o DOH 12 ang labin isang mga pinaniniwalang suspected carrier ng Middle East Respiratory Syndrome – Corona Virus (MERS-CoV).

Ito ayon kay DOH 12 Health and Education Promotion Officer Jenny Ventura sa panayam sa kanya ng DXVL News Radyo ng Bayan kahapon.

‘Listahanan’ database malaking tulong sa social services and support programs ng Distrito Uno

Written by: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ April 22, 2014) ---Magiging malaking tulong umano ang data base na inilabas ng Department of Social Welfare and Development o DSWD XII sa social services and support programs ng Unang Distrito ng North Cotabato.

Ito ang inihayag ng opisina ni Rep. Jesus Sacdalan matapos matanggap mula sa DSWD XII ang Listahanan data base na mas kilala dati sa tawag na National Household Targeting System for Poverty Reduction o NHTS- PR.

Health Facility Enhancement Program, sinimulan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2014) ---Iba’t-ibang mga health facility enhancement program ang ipinapatupad ngayon ng Rural Health Unit ng Kabacan.

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu Jr., ang nasabing programa ay pinonduhan ng DOH na nagkakahalaga ng abot sa P2 Milyong piso.

21-anyos na lalaki, panibagong biktima ng agaw motorsiklo sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2014) ---Hinigpitan na ang seguridad ngayon sa paligid ng USM Housing matapos na mabiktima ang isang 21-anyos na binata ng agaw motorsiklo kamakalawa ng gabi.

Sa report, kinilala ang biktima na si Jaymbo Mangansakan, 21, residente ng nasabing lugar.

Malakas na ipu-ipo, nanalasa sa isang barangay sa Kabacan, NCot!

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2014) ---Winasak ng malakas na ipu-ipo ang bahay ng Pamilya Samillano makaraang manalasa ito sa Barangay Bannawag, Kabacan, Cotabato sa pagitan ng alas 3:00 at alas 4:00 ng hapon nitong linggo.

Sa panayam ng DXVL News kay Kabacan Incident Quick Response Team Henztien Perez binuhat ng malakas na ipu-ipo ang bahay ni Robert Samillano at ibinagsak sa mga palayan.

Rehiyon 12, negatibo sa MERS-Cov ---DOH 12

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2014) ---Negatibo sa anumang Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV) ang Rehiyon 12 sa ngayon.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni DOH 12 Health and Education Promotion Officer Jenny Ventura.
Aniya, walang MERS-Cov na sakit ang naitala sa Rehiyon 12 taliwas sa unang naiulat na may nag positibo umano sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Samantala ngayong araw naman, ipapalabas ang swab test sa mga isinailalim at ino-obserbahan sa naturang sakit.

Resulta ng mga pumasa sa CHED Tulong Dunong scholarship program ilalabas sa Mayo

Written by: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ April 22, 2014) ---Nais ipaalam ng tanggapan ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan sa mga aplikante ng scholarship program sa Distrito Uno na kailangang hintayin ang resulta ng gagawing screening at ranking process ng Commission on Higher Education o CHED Regional Office XII.

Ito umano advise ng pamunuan ng CHED XII sa lahat ng mga aplikante ng Tulong Dunong Student Financial Assistance.

Mga Parokyano ng Holy Cross sa Mlang, NCot, dumagsa kahit maulan!

(Mlang, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Kahit inulan tuloy tuloy pa rin ang pagdating ng mga mananampalatayang katoliko sa Holy Cross shrine ng Nueva Vida M’lang Cotabato.

Ito’y matapos bumuhos ang malakas na ulan bandang alas 5 ng hapon kahapon dahilan para maging maputik ang daan paakyat ng bundok.

Bagamat marami ang naglakad, may mga iilan pa ring motorista ang sumubok marating ang tuktok ng shrine gamit ang kanilang mga sasakyan.

Mag-ama, patay sa nangyaring pamamaril sa Kabacan, Cotabato; 2 suspek, arestado

(Kabacan, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Patay ang mag-ama sa nangyaring pamamaril sa Sitio Cueva, Barangay Pisan, Kabacan, Cotabato alas 11:30 ng gabi nitong Miyerkules.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Randy Tero, 27, may asawa, magsasaka habang patay din ang kanyang anak na si Jefrel Tero, 2-taong gulang na bata kapwa residente ng nasabing lugar.

1 patay matapos tangayin ang motorsiklo sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Hindi na umabot ng mahal na araw ang isang 23-anyos na magsasaka makaraang barilin at agawan ng motorsiklo sa may National Highway, partikular sa harap ng Matalam Central Elementary School, Matalam, Cotabato alas 2:30 ng madaling araw nitong Huwebes Santo.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang napaslang na si Jayson Pascua, 23 at residente ng barangay Osias, Kabacan, Cotabato.

Batay sa report, ipinarada nina Pascua at Ermelyn Pretty Joy Rivera De Vera, 20, College Student at residente ng Katidtuan, Kabacan ang kanilang motorsiklo ng biglang nilapitan ito ng dalawang di pa nakilalang mga salarin.

Banana Plantation worker at 19-anyos, utas sa magkahiwalay na pananaksak sa North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang Banana Plantation worker ng kainuman nito sa nangyaring krimen sa Bagontapay bayan ng Mlang, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Loven Jay Seduco at residente ng nasabing lugar.

2 menor de edad, biktima ng salvaging noong Easter Sunday

(Mlang, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang mga menor de edad matapos na matagpuan ang mga bangkay ng mga ito sa Purok Saranay, Barangay New Rizal, bayan ng Mlang, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Sunny Leoncito, hepe ng Mlang PNP ang mga biktima na sina Christian Dave Billeza, 15 residente ng Barangay Tawan-tawan at Ruben Loranya, 15 taga Riverside, Poblacion kapwa mula sa nabanggit na bayan.

3 Tulak droga, tiklo sa magkahiwalay na operasyon sa NCot!

(Carmen, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang 27-anyos na Ginang makaraang maaresto sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad sa Purok 1, Poblacion, Carmen, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Carmen PNP ang suspek na si Zuraida Zamora Kamanto residente ng nasabing lugar.
Nakuha mula sa kanya ang apat na plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu, apat na piraso ng 100 piso bills.

“Grupong Muscuvado” sasabak sa Aliwan Fiesta 2014 sa Pasay City

MATALAM, Cotabato (Apr. 19) – Dala ang matinding deteminasyon at pag-asa, tumulak patungong Pasay City noong Sabado ang “Grupong Muscovado” ng Matalam High School upang lumahok sa isa sa pinakamalaking fiesta sa bansa – ang Aliwan Fiesta.

Kabilang sa “Grupong Muscovado” ang mahigit 100 contingents na binubuo ng mga cultural street dancers, drummers, trainers, mga guro at iba pang support group na sa loob ng mahigit dalawang buwan ay sumailalim sa masinsinang pagsasanay.

WFPP namahagi ng mga post-harvest facilities sa mga farmers coop at PO’s sa Cot.

Written by: JIMMY STA. CRUZ

AMAS, Kidapawan City (Apr. 19) – Abot sa 33 mga kooperatiba ng mga magsasaka at mga Peoples Organizations sa lalawigan ng Cotabato ang nabiyayaan ng mga post harvest facilities mula sa World Food Program Philippines o WFPP noong April 15, 2014.

Kabilang ang 28 Collapsible Dryer Cases, 18 Self Verifying Cocoon at 10 Grain Safe 2 sa mga ipinamigay ng WFPP sa mga magsasakang mula sa tatlong distrito ng Cotabato.