Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Parokyano ng Holy Cross sa Mlang, NCot, dumagsa kahit maulan!

(Mlang, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Kahit inulan tuloy tuloy pa rin ang pagdating ng mga mananampalatayang katoliko sa Holy Cross shrine ng Nueva Vida M’lang Cotabato.

Ito’y matapos bumuhos ang malakas na ulan bandang alas 5 ng hapon kahapon dahilan para maging maputik ang daan paakyat ng bundok.

Bagamat marami ang naglakad, may mga iilan pa ring motorista ang sumubok marating ang tuktok ng shrine gamit ang kanilang mga sasakyan.


Pagdating sa unang istasyon ng krus, mapapansin na agad ang dami ng mga nagbebenta sa gilid ng kalsada kung saan halos doble na ang presyo kumpara sa baba. 

May mga tindahan din sa mga susunod na istasyon maging sa pinakatuktok ng bundok kung saan triple naman ang presyohan ng mga bilihin. 

Ayon sa mga nagbebenta, mahirap daw kasi ang pag akyat sa mga paninda kaya’t nagtaas sila ng presyo, bagay na sinasang ayunan naman ng mga mamimili.

Samantala, nagkalat naman  ang mga tents sa paligid ng shrine na halos wala ng mapaglagyan ang iba, meron ding nagtitiis na lamang sa mga talhib makaupo lamang. 

Naghanda naman ang pamunuan ng shrine ng llibreng film viewing para sa lahat. Meron ding nakaantabay na medical team at mga nagpapatrolyang mga pulis para sa seguridad ng mga deboto. 

Mahigpit namang ipinagbabawal sa shrine ang pagdadala ng mga lighters o posporo na pwedeng maging sanhi ng sunog dahil na rin sa pinaliligiran ng talahib ang bundok. 

Bawal din ang mga alak, sigarilyo maging ang mga damit ng mga babae ay meron ding limitasyon.

Magtatagal ang ganitong sitwasyon hanggang mamayang tanghali  ayon sa isang deboto na taon taong dumadayo sa shrine upang makapag nilay nilay at makapag penitensiya bilang kabayaran sa kanyang mga kasalanan. 

Magkakaroon din ng parada ang mga deboto ngayong umaga bilang pag alala sa sinakripisyong buhay ni Hesu Kristo dahil sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. (RON PADOJINOG, DXVL NEWS)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento