Written by: JIMMY STA. CRUZ
AMAS, Kidapawan City (Apr. 19) – Abot sa 33 mga
kooperatiba ng mga magsasaka at mga Peoples Organizations sa lalawigan ng
Cotabato ang nabiyayaan ng mga post harvest facilities mula sa World Food
Program Philippines o WFPP noong April 15, 2014.
Kabilang ang 28
Collapsible Dryer Cases, 18 Self Verifying Cocoon at 10 Grain Safe 2 sa mga
ipinamigay ng WFPP sa mga magsasakang mula sa tatlong distrito ng Cotabato.
Ayon kay Allan R.
Matullano, Focal Person ng Protracted Relief and Recovery Operations – Project
Management Office (PRRO-PMO) ng WFPP na nakabase sa kapitolyo, ang mga
ipinamahaging pasilidad ay lubhang mahalaga sa produksiyon ng bigas at mais.
Maliban sa
distribusyon ng post-harvest facilities, tinuruan din ang mga benepisyaryo sa
wastong paggamit ng mga pasilidad para masiguro na mapakikinabangan ito.
Dumalo sa turn-over
ceremony si WFPP Security Officer Dipayan Bhatta Charya na nanguna sa
distribusyon at nagbigay pa ng power point presentation tungkol sa maayos na
produksiyon ng pagkain ng mga magsasaka at pag-iwas sa pagsasayang ng pagkain.
Si Cot. 1st
District Board Member Kelly Antao ang kumatawan kay Cot. Governor Emmylou “Lala”
J. Taliño-Mendoza sa aktibidad.
Sa kanyang mensahe,
sinabi ni Antao na pinasasalamatan ng provincial government ang proyekto ng
WFPP dahil mapapaangat nito ang kalagayan ng mga magsasaka sa lalawigan.
Sinabi ni Antao na
maraming mga mahuhusay ng proyekto ang WFPP na nakatulong ng malaki sa sektor
ng agrikultura at sa produksiyon ng pagkain.
Dumalo rin sa
turn-over sina Provincial Agriculturist Engr, Eliseo Mangliwan, Dr. Samuel
Aquino, Head ng Provincial Cooperatives Development Office at Alamada Mayor Virginia
Concepcion.
Pinuri ng mga ito
ang WFPP sa patuloy na pakikipagtulungan sa Provincial Government of Cotabato
para maisulong pang lalo ang kapakanan ng sektor ng mga magsasaka. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)
Cotabato 1st
District Board Member Kelly Antao represented Cotabato Gov. Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza during the turn-over ceremony where he highlighted the impact of
the programs and projects of the WFPP in helping the farmers and uplifting
their living conditions.
“The partnership
between our farmers and the WFPP is a significant part of our endeavor to
improve the lives of our constituents”, Antao said in his message.
Aside from BM Antao,
other provincial officials who attended the turn-over were Provincial Agriculturist
Engr. Eliseo Mangliwan, Provincial Cooperatives Development Head Dr. Samuel
Aquino and Alamada Mayor Virginia Concepcion.
All of them lauded
the WFPP for its continued support to the farmers and for implementing
essential programs that improves farmers’ lives and strengthen food stability. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center with
reports from ROVILLE ANN SOTTO and VENES BACARAT)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento