Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seguridad sa Semana Santa sa Kabacan, plantsado na ng kapulisan; MPOC meeting naman gagawin ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ April 16, 2014) ---Ilang linggo bago ang paggunita ng mahal na araw at buong selebrasyon ng Semana Santa ay nakalatag na ang seguridad ng Kabacan PNP.

Ito ang tiniyak kahapon ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sa panayam sa kanya ng programang Periodiko Express ng DXVL News.

Aniya, may mga koordinasyon na sila sa mga aktibidad ng Simbahan partikular na ang Christ the King Parish na nasa Bonifacio St. ng Poblacion.

Kaugnay nito, nakabantay na rin ang mga elemento ng kapulisan, militar, mga volunteer na tanod at BPAT sa mga matataong lugar kagaya ng terminal at pamilihan.

Ito para tiyakin din ang seguridad ng mga bakasyunistang bibiyahe ngayong araw.

Sinabi ni Supt. Maribojo na naglagay na rin ng HELP DESK ang Kabacan sa mga natukoy na convergence area.

Pinasalamatan din nito ang komunidad, PNP at militar kasama ang suporta ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman Jr. sa pagpapanatili ng kaayusan sa bayan.

Samantala, gagawin naman ngayong umaga ang Municipal Peace and Order Council Meeting na dadaluhan ng lahat ng mga hepe ng tanggapan ng LGU Kabacan.

Sa naging pahayag ni Supt. Maribojo, dito ipipresinta ang Peace and Order Situation ng Kabacan mula Enero hanggang sa kasalukuyan.


Una ng sinabi ng opisyal na bumaba ang crime index ng Kabacan kung ihahambing ito sa kaparehong quarter ng nakaraang taon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento