(Kabacan, North Cotabato/ April 16, 2014)
---Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na nakahanda
ang kanilang pasilidad sa transmission ng kuryente ngayong Semana Santa.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni NGCP,
Regional Corporate Communications & Public Affairs Officer for Mindanao
Milfrance Capulong dahil ito rin ang mandato ng kanilang kompanya bilang power
transmission provider and system operator.
Sa kabila nito, aminado naman ang opisyal na
posibleng makakaranas pa rin ng power interruption sa kuryente ang mga
taga-Mindanao dahil sa mahigit 100MW ang kulang na kuryente sa Grid batay sa
pagtaya hanggang sa katapusan ng buwan.
Sinabi ni Capulong, na umaabot sa 1,362MW
ang peak demand ng Mindanao sa kasalukuyan habang abot lamang sa 1,264MW ang
supply ng kuryente.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento