Written by: Jimmy Sta. Cruz
AMAS, Kidapawan City (June 7, 2014) – Pitong mga indibidwal
na kinabibilangan ng agricultural entrepreneur, high value crop farmer,
sugarcane farmer small animal raiser at agricultural scientist at isang
kooperatiba ang namayagpag sa awarding ng Dept. of Agriculture Gawad Saka Award
2014 regional level na ginanap sa Koronadal City noong May 30, 2014.
Ang mga pinarangalan bilang winners ng Gawad
Saka Award 2014 regional level ay sina Jerry John M. Taray ng Kibudtungan,
Carmen,bilang Outstanding Agricultural Entreprenuer – small scale category),
Ella D. Pobre ng Lower Dado, Alamada – Outstanding High Value Crop farmer,
Girlie C. Adug ng Marbel, Matalam – Outstanding Sugarcane farmer, Jayson Roy P.
Ancheta ng Kibudok, Matalam- Outstanding Young farmer, Paquito A. Laquihon ng
New Panay Aleosan – Outstanding Animal Raiser at Ariston D. Calvo, Ph,D. ng
Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST Arakan) – bilang
Oustanding Agricultural Scientist.
Wagi rin ang Don Bosco Multi-Purpose
Cooperative – Bios Dynamis ng M’lang Cotabato bilang Outstanding Organic
farmers organization.
Ayon kay Office of the Provincial
Agriculturist Engr. Elly Mangliwan, ipinakita ng naturang mga magsasaka ang
kanilang husay at mga best practices sa larangan ng agrikultura na nagpaangat
sa kanilang kabuhayan at komunidad.
Matapos namang magwagi sa regional level ay
pasok na raw ang mga outstanding farmers ng Cotabato sa national level ng Gawad
Saka awards na gaganapin sa Metro Manila ngayongn buwan ng Hunyo.
Ang Gawad Saka Awards ng DA ay taunang
ginagawa upang bigyan ng recognition ang mga mahuhusay o outstanding farmers sa
bansa at ito ay may tatlong levels - ang provincial, regional at national.
Tumanggap ng mga certificates, trophies at
iba pang incentives ang mga nagwagi mula sa Cotabato province.
Malaki naman ang pag-asa na makakasungkit ng
national awards ang mga outstanding farmers ng Cotabato, ayon pa kay Engr.
Mangliwan.
Ito ay dahil sa galing at husay ng output at
products ng mga magsasaka tulad na lamang ng Tree Life Coco Sugar ni Jerry
Taray at black rice naman ng Don Bosco Bios Dynamis.
Ang mga naturang produkto ay pinarangalan na
ng mga international award giving bodies sa Europa at itinampok rin sa Biofach
Organic Foods Trade Fair na ginanap sa Nuremberg, Germany noong Pebrero, 2014. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento