(Arakan, North Cotabato/ June 3, 2014) ---Pinabulaanan
ng 57th IB, Philippine Army ang umano’y akusasyon ng grupo ng
Karapatan North Cotabato hinggil sa diumano’y pag-papainom ng alak ng mga
sundalo sa 7 taong gulang na bata na taga Datu Ladayun, Arakan, North Cotabato.
Ito ang ipinahayag ni Captain Manuel Gatuz
ng 57th Infantry Battalion, Philippine Army sa magkahiwalay na
panayam ng DXVL News.
Ang akusasyon ay ibinato ni North Cotabato
Karapatan Secretary Jay Apiag sa hanay ng mga sundalo batay sa kanilang
ginawang pag-interbyu sa bata.
Ayon kay Apiag, inalok umano ng mga sundalo
na nag-iinuman sa isang tindahan ng dalawang beses ang bata dahilan kung bakit na
lasing ito ng umuwi sa kanilang bahay.
Samantala, itinanggi naman ni 57th
IB Manuel Gatuz, ang akusasyon ito.
Aniya bago paman nangyari ang insedente ay
nanggaling na ang nasabing menor de edad sa isang tindahan na maka-inum na ito
ng tuba, isang inuming nakakalasing na mula sa Niyog.
Hinamon din ng opisyal ang nag-aakusa na
kausapin ang may ari ng tindahan para mapatunayan ang nasbaing alegasyon.
Naniniwala kasi si Gatuz na hindi dapat
ginagawa ito sa bata bagkus ay dapat na turuan ng magandang asal at dapat ay
nasa bahay na kung hapon. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento