Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Alkalde ng Kabacan, pinakikilos na ang TWG, para tutukan ang mga pagbabaha sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2014) ---Iginiit ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na may binalangkas na itong Comprehensive Drainage Plan para matugunan itong mga pagbabaha sa bayan ng Kabacan.

Ginawa ng alkalde ang pahayag matapos na inireklamo ng ilang mga residente ng Purok Masagana ang matagal ng problema sa baha sa kanilang lugar tuwing bumubuhos ang malakas na ulan sa Poblacion.

Ayon kay Mayor Guzman pinakikilos na rin nito ang kanyang Technical Working Group na nakatutok sa pangmatagalang solusyon hinggil sa pagbabaha sa Kabacan.

Aminado ang punong ehekutibo na hindi simpleng usapin lamang itong pagbabaha sa bayan bagkus ay kanilang pinag-aaralan kung paanu ito matutugunan at anung drainage ang gagawin.

Sinabi ng opisyal na hindi gumagawa ng proyekto ang Pamahalaang Lokal for compliance lamang na matanggal ang baha kundi pang matagalang solusyon na maibsan ito kung di man tuluyang masolusyunan.

“Sa ngayon patuloy ang topography survey na ginagawa ng TWG katulong ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na inatasan dito para tingnan kung anung mga lugar ang bolnerable sa pagbabaha” wika pa ng alkalde.

Samantala inihayag ng opisyal na may nakalaang P2.3M para sa pagsasaayos ng drainage system ng Kabacan.


Kabilang sa gagawing major repair ay ang gagawing butas sa National Highway na didiritso sa Purok Krislam papuntang Magatos batay sa inisyal na pag-aaral na ginagawa ngayon ng TWG. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento