Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao arestado sa pagdadala ng baril at illegal na droga sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang ma-aresto dahil sa pagdadala ng armas at illegal na droga sa ginawang highway check ng mga elemento ng Kabacan PNP sa National Highway, partikular sa Community Police Assistance Center o COMPAC sa brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 2:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga naaresto na sina Rey Ganitan, 30-anyos, residente ng Magsaysay, Davao del Sur na nahulihan ng dalawang pakete ng shabu.

Samantala, kinilala naman ang isa pang kasama nito na si Randy Juguilon, 34-anyos, may asawa at residente rin ng nabanggit na lugar.

Nakuha mula kay Juguilon ang isang kalibre .45 na pistol, 1 magazine at pitong mga bala.

Ang nasabing grupo ay kabilang sa patuloy na mina-manhunt ng Kabacan PNP.

Malaki ang paniniwala ni Supt. Maribojo na ang dalawang suspek ay sangkot sa Organized Crime Group na aktibong gun for hire at mga tulak droga bukod pa sa responsable ang mga ito sa gawaing carnapping at pang-hohold-up partikular na dito sa bayan ng Kabacan at mga kalapit bayan sa probinsiya.

Sa ngayon kalaboso at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang dalawa sa Kabacan lock up cell habang inihahanda na ang karampatang kasong isasampa laban sa mga ito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento