(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2014) ---Patuloy
ngayon ang ginagawang trainer’s training on cacao production na pinangunahan ng
USM extension sa pakikipagtulungan ng Philippine Coconut Authority simula noong
May 26.
Ito ayon kay USM Extension Director Dr. Elizabeth Molina
na lingguhan ang nasabing aktibidad na magtatapos ngayong June 27 2014.
Nilahukan ito ng ibat-ibang partisipante na mga
Philippine Coconut Authority technicians na nanggaling sa ibat-ibang rehiyon ng
Pilipinas na isinasagawa sa USM hostel.
Dagdag pa ni Molina na tinututukan ngayon ng naturang
programa ang produksiyon ng Cacao technology dahil sa economic value nito sa
mga magsasaka.
Maraming pwedeng mapagkakakitaan na produkto na gawa sa
cacao, pwedeng itong gawing jam at marmalade, feeds na pagkain ng mga hayop,
ang husk nito ay pwedeng gawing inumin tulad ng soft at hard drinks.
Kabilang sa mga tagapagsalita sa nasabing training ay
ang ilang mga professor ng University of Southern Mindanao na kinabibilangan
nina Dr. Ariston Calvo, Dr. Purificacion Kahatian, at Dr. Naomi Tangonan at
marami pang iba para magbigay kaalaman sa mga partisipante hinggil sa nasabing
trainor’s training seminar. Rhoderick
Beñez with report from Vanessa Jane Reyes
0 comments:
Mag-post ng isang Komento