Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Corn Husk Utilization and Market Promotion Training, Isinagawa sa Arakan, Cotabato

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ October 18, 2014) ---Upang mapakinabangan ang patapon ng balat ng mais, nagsagawa kamakailan ng training on Corn Husk Utilization and Market Promotion sa Poblacion, Arakan, Cotabato para sa 25 Rural Improvement Club members at women’s group na pinangunahan nina Ms. Leonila Anit, ang Provincial RIC Coordinator kasama si Gabriel Nasiluan ng Office of the Provincial Agriculturist.

Ang training na ito ay pinondohan ng Department of Agriculture Regional Field Office 12 sa pamumuno ni Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan.

Provincial Abaca Development Program Isinusulong ng OPA

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ October 18, 2014) ---Bilang bahagi ng Abaca Development Program ng lalawigan ng Cotabato, isinagawa kamakailan (10/8/14) ang training tungkol sa Abaca Production, Harvesting, Processing, and Fiber Classification ng OPA Environment and Natural Resource Division personnel para sa 31 magsasaka sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City.

Sa training na ito itinuro sa mga kalahok ang makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagtatanim ng abaca upang pakinabangan ito ng husto kasama na rito ang tamang pagharvest at processing ng abaca fiber. Sa huling bahagi ay itinuro naman sa mga kalahok ang wastong pag-classify ng fiber mula sa naharvest na abaca.

5 huli sa illegal na droga sa Central Mindanao

(North Cotabato/ October 18, 2014) --- Kalaboso ngayon ang lima katao makaraang mahuli sa magkakahiwalay na drug bust bust operation sa Maguindanao at North Cotabato kamakalawa.

Nanguna sa nasabing operasyon ang Phillippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM.

Sa bisa ng warrant of Arrest, hinalughog ng otoridad ang bahay nina Abdul Salam Indak “alias” Samipakan sa bahagi ng Talayan, Maguindanao kungsaan nakuha mula sa posisyon nito ang 15 gramo ng shabu.

P3M halaga ng heavy equipment, sinunog ng mga NPA

by: Rhoderick Beñez

(Magpet, Cotabato/ October 18, 2014) ---Sinilaban ng mga pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army o NPA ang isang pay loader na nakaparada sa Brgy. Binay, Magpet, North Cotabato.

Sa panayam ng kahapon ng DXVL News Radyo ng Bayan kay Col. Nilo Vinluan ang Commanding Officer ng 57th IB na sinunog ng mga ito ang bagong heavy equipment ng isang construction supply na nag-aayos ng mga kalsada sa lugar.

Lifestyle check sa mga kapulisan, isasagawa

By: Christine Limos

(Kabacan, Cotabato/ October 18, 2014) ---Nakatakdang isagawa ang lifestyle check sa lahat ng opisyal ng kapulisan upang maimbestigahan ang mga tiwaling pulis na nasasangkot umano sa mga ilegal na gawain tulad ng kidnapping, holdap, ilegal na droga at iba pang ilegal na raket.

Sa isang kalatas na ipinahayag ni PSI Jojet Nicolas, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na makikipag-ugnayan ang PNP sa DILG at NAPOLCOM sa pamamagitan ni DILG Secretary Mar Roxas sa BIR at Ombudsman upang matukoy ang mga pulis na may di maipaliwanag na yaman dahil sa mga ilegal na aktibidad.

Pikit PNP, may bagong ng hepe

By: Rhoderick Beñez

(Pikit, Cotabato/ October 17, 2014) ---Kinumpirma ngayong umaga sa DXVL News ni PSI Jojet Nicolas, CPPO spokesperson na may bago ng chief of Police ang Pikit PNP.

Itinalaga bilang bagong hepe ng Pikit PNP ang Deputy Chief of Police ng Matalam PNP na si P/Insp. Sindato Karim.

Menor de edad, tiklo sa pagdadala ng di lisensiyadong armas sa Tulunan, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis
(Tulunan, North Cotabato/ October 17, 2014) ---Arestado ang isang 17-anyos na lalaki makaraang mahuling nagdadala ng baril sa bahagi ng Pampublikong Pamilihan ng Tulunan, Cotabato alas 9:50 kaninang umaga.
Kinilala ni Police Senior Inspector Ronie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang suspek na si Arman Duco Malit, 17 anyos, binata at residente ng Sitio Saban, Brgy. Maybula, Tulunan, Cotabato.

USM may bagong 17 mga CPA

By: Mark Anthony Pispis

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 17, 2014) ---Abot langit ang tuwa at pasasalamat ng 17 accountancy graduates na galing sa College of Business Development and Economic Management na nakapasa sa katatapos na Certified Public Accountants Board Examination ngayong buwan ng Oktobre.

Kabilang sa mga pumasa sina Analy Ayop, Clarisse Evangelista, Gracedyl Fernandez, Jonalyn Garcia, Elvin Gutoman, Reinzon James Juanitez, pati rin sina Earl Bryan Limas, Fehllyn Marie Mapulong, Cristine Makiputin, Angelyn Narisma, Charlie Ryan Pada, Regina Paguntalan, Mindy May Pascua, Allyn Jane Ranoco, Rodibee Rojo, Zandra Mae Salikula at Marjorie Benimento.

Bus Inspector, pinabulagta!

(Kidapawan City/ October 17, 2014) ---Patay ang isang Line Inspector ng Weena Bus Company makaraang pagbabarilin sa National Highway ng Brgy. Balindog, Kidapawan City ala 1:20 ngayong hapon lamang.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Arturo Valdivieso, nasa tamang edad at residente ng Toril, Davao City.

Limang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng nasabing biktima mula sa di pa mabatid na uri ng armas.


Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente upang mabatid ang

Bagong Fault Line sa Makilala, pinag-aaralan na ng PHIVOLCS

By: Mark Anthony Pispis

(Kidapawan City/ October 17, 2014) ---Ginagawan na umano ng pag aaral ng mga eksperto mula Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa Manila ang bagong nakitang Fault Line sa Makilala na patungong Sultan Kudarat.

Ayon kay Engineer Hermes Daquipa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Kidapawan, ginawan na umano ng unang paraan ng mga scientist at mga geologist na experto mula sa PHIVOLCS Manila upang malaman ang traces ng fault system na kahit hindi sila tumutungo sa lugar ay meroon umano silang ginagawang table mapping.

Health summit, isinagawa sa Kidapawan City

By: Christine Limos

(Kidapawan City/ October 17, 2014) ---Isinagawa kamakailan sa Kidapawan City ang Health Summit na nagalalayong tukuyin angmga nakaka-alarmang sakit sa lingsod.

Mismong si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang nanguna sa nasabing programa.

Mga talentadong Pigcawayanon bumida sa Pigcawayan Got Talent Season 4

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, Cotabato/ October 17, 2014) ---Muling ipinakita ng mga Pigcawayanon na may mga talento silang dapat makita ng buong bayan.

Kaya nitong October 13 ay nagpakitang gilas ang iba’t- ibang grupo ng mananayaw at mang- aawit sa grand finals ng Pigcawayan Got Talent Season 4 na idinaos sa Pigcawayan Municipal Open Grounds.

4.4 magnitude na lindol, tumama sa Kidapawan City walang kinalaman sa nagdaang pagyanig

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 17, 2014) ---Niyanig ng 4.4 magnitune na lindol ang Kidapawan city alas 2:20 kahapon ng hapon.

Ayon kay  Engineer Hermes Daquipa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Kidapawan sa panayam ng DXVL News, naitala ang mga pagyanig kahapon na naramdaman ng tao sa Kidapawan, Mlang at Tulunan na may Intensity 2, at Makilala na may Intensity 3.

Mga benepisyaryo ng GIP at TUPAD programs ng DOLE tumanggap na ng kanilang sahod

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, Cotabato/ October 17, 2014) ---Sa pamamagitan ng money transfer service provider na MLhuiller ay nakakuha na ng kanilang sahod ang mga benepisyaryo ng dalawang programa ng Department of Labor and Employment o DOLE sa Distrito Uno ng North Cotabato.

Oktubre a-5 nang mag- claim ng stipend para sa buwan ng Agosto ang mga kabataang sumasailalim sa Government Internship Program o GIP.

Dahil sa illegal na aktibidad sa lugar, isang barangay sa Kidapawan City, isailalim sa census

(Kidapawan City/ October 17, 2014) ---Upang maprotektahan ang mga residente laban sa iligal na gawain planu ngayon ng mga barangay officials sa Barangay Sudapin, Kidapawan city na muling ipa-census ang mga residente ng Muslim village, sa Sitio Pinantao ng nasabing barangay.

Bukod sa nabanggit layon nito na makuha ang eksaktong bilang at makilala ang mga lehitimong residente sa lugar, ayon kay Kapitan John Carl Sibug.

Pagpapasabog sa isang barangay sa Magpet, patuloy na inaalam ng mga otoridad

(Magpet, Cotabato/ October 17, 2014) ---Bagama’t walang nasaktan, patuloy ngayong inaalam ng mga kapulisan at militar kung anung grupo ang nasa likod ng pagpapasabog sa sa isang lumang basketball court sa tabi ng dating Barangay hall ng Balete, Magpet, North Cotabato alas 8:00 kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Philippine Army's 57th Infantry Battalion commander Col. Nilo Vinluan, 44mm grenade projectile ang pinasabog sa nasabing lugar.

Incident Record Form o IRF ng PNP, inilunsad na!

(Kabacan, Cotabato/ October 17, 2014) ---Inilunsad na ng Pambansang Pulisiya ang bagong Incident Record Form o IRF.

Ayon kay P01 Harris Abu, Assistant Police Community Relation Officer ng PNP Kabacan sa panayam ng DXVL News kahapon.

Kidapawan City, niyanig ng 4.4 Magnitude na lindol

By: Rhoderick Beñez

(Kidapawan City/ October 16, 2014) ---Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang Kidapawan City alas 2:20 ngayong hapon lamang.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology natukoy ang lokasyon ng pagyanig sa 06.89°N, 124.97°E - 019 km S 44° W of KIDAPAWAN CITY.

Mag-asawang NPA, sumuko sa gobyerno

(Magpet, North Cotabato/ October 16, 2014) ---Hindi na makayanan ng mag-asawa ang hirap at pagod sa pagtatago sa kabundukan kaya nagdesisyon ang mga ito na sumuko sa pamahalaan sa bayan ng Magpet, kamakalawa.

Kinilala ni 57th Infantry Battalion commanding Officer Col. Nilo Vinluan ang mga sumuko na sina Marco Engay, 39-anyos at Gina Calimpitan, 34 kasama ang kanilang menor de edad na anak.

Asset ng PNP Maguindanao, huli sa pagdadala ng armas

(Tulunan, Cotabato/ October 16, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng sinasabing asset ng Paglas PNP sa lalawigan ng Maguindanao makaraang mahuli sa isinagawang highway check ng mga otoridad sa National Highway ng Bual, Tulunan, Cotabato alas 11:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang nahuli na si Kaliga Usman Kamsa, 21-anyos, may asawa at residente ng Paglas, Maguindanao.

Semestral Break sa USM, sa susunod na linggo na!

By: Mark Anthony Pispis

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 16, 2014) ---Matapos ang isang semestre ng pag-aaral at final term examination ay makakapagpahinga na rin ang mga mag aaral ng University of Southern Mindanao sa panukalang ipinalabas ng Office of Vice President for Academic Affairs sa sembreak na magsiimula sa October a-20 hanggang 26 nitong taon.

Ayon kay USM Director for Instruction Abubakar Murray sa panayam ng DXVL News, magsisimula umano ang enrolment para sa 2nd semester sa darating na Octobre a-27

Barangay Health Workers’ Day Celebration, isinagawa sa bayan ng Kabacan

By: Sarah Jane Corpuz Guerrero

(Kabacan, Cotabato/ October 16, 2014) ---Kaisa ng mga magigiting na Barangay Health Workers ang Lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pagsusulong ng isang maayos at malusog na pamayanan. Sa mensaheng pinaabot ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr., kaninang umaga sa isinagawang selebrasyon, kanyang binigyang diin ang hindi matawarang kontribusyon ng mga BHWs sa pangangalaga sa kalusugan ng mamamayang Kabakenyos. 

Kanyang ibinahagi ang kanyang aktwal na karanasan sa Barangay Tamped na kung saan kanyang nakita kung papaanong naghihirap at kumakayod ang mga BHWs mahatid lamang ang serbisyong para sa mga tao. Kaya naman sa selebrasyon ng kanilang mahalagang araw, pinasinayaan niya ang nasabing okasyon.

Year End Bonus ng mga guro, posibleng maipapamahagi na bago ang Nobyembre a-15 ---Supt. Obas

(Amas, Kidapawan City/ October 16, 2015) ---Tiniyak ng pamunuan ng Department of Education Cotabato Division na kanilang ilalabas ang Year End Bonus ng mga guro at kawani ng Kagawaran bago ang Nobyermbre a-15.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Supt. Omar Obas mg Cotabato Division kasabay ng selebrasyon ng global Hand Washing day kahapon.

Global Hand washing Day Celebration ng Cotabato Province Schools Division, isasagawa sa Midsayap, Cotabato

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 16, 2014) ---Gaganapin ang selebrasyon ng DepED Cotabato Division ang Commemoration ng Global Hand Washing day sa Midsayap, Cotabato ngayong darating na October 30, 2014.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas kasabay ng Global Handwashing day celebration kahapon.

Annual Investment Plan ng LGU Kabacan para sa 2015, aprubado na ng MDC ng LGU

By: Sarah Jane Corpuz Guerrero

(Kabacan, Cotabato/ October 16, 2014) ---Sa katatapos na regular na pagpupulong ng mga miyembro ng Municipal Development Council ng Kabacan kanina, aprubado na ang Annual Investment Plan ng Lokal na Pamahalaan ng Kabacan para sa taong 2015. 

Ang nasabing AIP ay nagkakahalaga sa Php 34,059,752.00 o 20% sa kabuoang Internal Revenue Allotment o IRA ng Munisipyo ng Kabacan na nagkakahalaga sa Php 170, 298,760 para sa taong 2015. 


Ang 20% ay ang tinatawag nilang Economic Development Fund.

Naging mainit ang talakayan at diskusyon sa nasabing pagpupulong lalo pa at naging kritikal ang mga miyembro ng nasabing konseho. 

Isang naging talakayan kanina ay ang paghahanap ng mga miyembro ng MDC para sa status ng implementation at accomplishments ng Annual Investment Plan ng taong 2014. 

Sundalo, patay sa agaw-motorsiklo sa Pikit, Cotabato

(Pikit, Cotabato/ October 15, 2014) ---Agaw motorsiklo ang nakikitang dahilan ng mga otoridad sa pagbaril patay sa isang sundalo sa bayan ng Pikit, Cotabato alas 11:30 kahapon ng tanghali.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo at binabaybay ang daan ng brgy. Ginatilan ng ratratin ng di pa nakilalang suspek at tinangay ang sasakyan nito.

3 sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Antipas, Cotabato

(Antipas, Cotabato/ October 15, 2014) ---Sa ospital ang bagsak ng tatlo katao makaraang masangkot sa nangyaring vehicular accident sa brgy. Pontevedra, Antipas, Cotabato alas 2:15 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang mga biktima na sina Clinton Matinog, 35-anyos, residente ng Malatab, Antipas, drayber ng Honda TMX motorcycle; Edward Encarnacion, drayber ng motorstar motorcycle at ang angkas nitong kinilalang si Josephine Golmatico.

1 sa tatlong sugatan sa UCCP Pikit Blast, pumanaw na!

(Pikit, Cotabato/ October 15, 2014) ---Matapos ang pakikipaglaban kay kamatayan, tuluyan na ring pumanaw si Virgie Manolid, isa sa tatlong nasugatan sa pagpapasabog ng M79 sa USCCP Church sa bayan ng Pikit, Cotabato nitong nakaraang linggo.

Ayon sa report, tuluyan ng binawian ng buhay ang 63-anyos na Ginang habang ginagamot sa Kidapawan Doctors Hospital kahapon ng tanghali.

ASLPC buo pa rin ang loob sa kabila ng mabagal na paggulong ng hustisya sa pinaslang na italyanong pari

(Kabacan, Cotabato/ October 15, 2014) ---Mabagal man ang pag-usad ng hustisya sa pinaslang na italyanong pari sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan, matatag at buo pa rin ang loob ng grupong Apo Sandawa Lumadnung Panaghiusa sa Cotabato (ASLPC) na makakamit nito ang hustisya sa tamang panahon.

Ito ayon kay Norma Capuyan, tagapangulo ng ASLPC hindi nila ramdam ang pagod sa paghahanap ng katarungan kay Father Fausto Tentorio dahil ipinakita umano ng pinaslang na misyonaryo ang walang kapagurang paglilingkod nito sa mga lumad at magsasaka habang nabubuhay pa ito.

Wanted Person, tiklo sa North Cotabato

(Pigcawayan, North Cotabato/ October 15, 2014) ---Naaresto ang isang wanted person sa isinagawang joint operation ng Regional Public Safety Batallion 12 at Pigcawayan PNP sa Poblacion 3, Pigcawayan, North Cotabato alas 2:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ang suspek na si Reini Jay Demonteverde Toledo, 28, anyos, may asawa at residente ng Brgy. Central Panatan ng nasabing bayan.

Mahigit 300,000 na mga bata at sanggol sa Cotabato sumailalim sa MRV-OPV ng IPHO nitong Setyembre

by: Jimmy sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (Oct 15) – Abot sa 318,982 na mga maliliit na bata at sanggol ang nabigyan ng Measles Rubella Vaccine at Oral Polio Vaccine o MRV-OPV sa buong lalawigan ng Cotabato nitong nakalipas na Setyembre 1-30, 2014 kung saan isinagawa ang mass immunization campaign sa buong bansa.

Ayon kay Dr. Eva Rabaya, Head ng Integrated Provincial Health Office o IPHO, mula sa bilang na 318,982 ay abot sa 149,214 (95.49%) ng eligible population na 156,257 ang mga batang nagkakaedad ng 9-59 months ang nabigyan ng MRV habang 169,768 (92.60%) ng eligible

Pagtutulungan ng bawat isa, iginiit ng bagong 602nd Brigade Commander

By: Mark Anthony Pispis

(Carmen, North Cotabato/ October 15, 2014) ---Iginiit ni 602nd Brigade Commander Col. Noel Clement na ang partisipasyon ng taong bayan ay napakalaking tulong sa pagpapatupad ng peace and order sa probinsiya lalo na sa mga nangyaring mga pamomomba.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa eksklusibong panayam ng DXVL news kahapon.

Reklamo ng isang Tricycle Driver, agad na tinugunan ng TMU office sa Bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, cotabato/ October 15, 2014) ---Idinulog ng isang tricycle driver sa DXVL ang kanyang reklamo tungkol sa sitwasyon ng daloy ng trapiko sa Sunset Drive Kabacan Cotabato partikular sa harap ng DDC academy kahapon.

Anya napakahirap umanong daanan ang nasabing lugar kapag rush hour na kung saan ay nakukuha umano ng mga nakaparking na mga sasakyan ang isang lane ng daan na nagdudulot naman ng di nila pagkakakita sa kanilang mga nakakasalubong na tricycle at tris

Magsasaka, nahulihan ng baril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, Cotabato/ October 14, 2014) ---Nahaharap sa kasong paglabag sa illegal possession of firearms ang isang 38-anyos na magsasaka makaraang mahulihan ng baril sa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 8:30 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nahuli na si Reynaldo Torres, residente ng Brgy. Malamote ng bayang ito.

Suspek sa pag-carnap ng Commuter Van sa Carmen, patuloy na tinutugis!

By: Mark Anthony Pispis

(Pikit, Cotabato/ October 14, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan ng Pikit PNP para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga responsable sa pagkarnap ng isang Toyota Hi-ace Commuter Van na narekober sa Brgy. Bago-Inged Pikit Cotabato noong Oktubre a-10 alas 5:30 ng hapon.

Ayon kay Police Inspector Mautin Pangandigan, Hepe ng Pikit PNP, nakikipag-ugnayan sila nayon sa mga residente na malapit sa Rio Grande de Mindanao na posibleng nakakita at

CPPO, naka full alert matapos ang serye ng pagpapasabog sa lalawigan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 14, 2014) ---Inilagay na sa full alert status ngayon ng Cotabato Police Provincial Office ang kanilang alerto matapos ang ilang sunod-sunod na pagpapasabog sa probinsiya.

Ito ang sinabi sa DXVL News Radyo ng Bayan ni PSI Jojet Nicolas, an tagapagsalita ng CPPO.
Kaugnay nito, patuloy ngayon ang ginagawa nilang malalimang pagsisiyasat sa magkahiwalay na pagpapasabog sa lalalwigan.

Ilang mga grupo ng simbahan magsasagawa ng candle lighting sa Kabacan re: Pikit Blast

(Kabacan, Cotabato/ October 14, 2014) ---Pangungunhan ng Karapatan North Cotabato, ilang mga progresibo at militanteng grupo kasama na ang iba’t-ibang mga dominasyon ng simbahan ang candle lighting na gagagwin sa National Highway ng Kabacan alas 4:00 mamayang hapon.

Ayon kay Karapatan North Cotabato General Secretary Jay Apiag, bahagi ito ng kanilang pag kondena sa nangyaring pagpapasabog sa UCCP Church sa bayan ng Pikit kungsaan dalawa ang naiulat na namatay.

Rootcrops Production Program, Isinusulong ng OPA

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ October 14, 2014) ---Bilang bahagi ng RootCrops Production Program ng lalawigan ng Cotabato, nagsagawa kamakailan (10/1-2/14) ng Lecture on Rootcrops Production and Management, Its Health Benefits and Food Processing ang Office of the Provincial Agriculturist Crops Division sa Malangag, Antipas sa pangunguna ni Mr. Gabriel Nasiluan.

Ito ay nilahukan ng 35 Rural Improvement Club members na tinuruan ng tamang pagtatanim ng cassava at pagpo-proseso nito bilang alternative food crop sa cereals.

Estudyante, inutas

(Pikit, Cotabato/ October 13, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 19-anyos na College Student makaraang pagbabarilin sa Brgy. Takepan, Pikit, Cotabato alas 12:00 kahapon ng tanghali.

Sa report ng Pikit PNP kinilala ang biktima na si Michael Deocampo isang graduating Automotive student ng ILINK College of Science & Technology na binawian na rin ng buhay bandang alas 5:00 kahapon ng hapon.

Magsasaka, uminom ng lason

(Matalam, North Cotabato/ October 13, 2014) ---Pinaniniwalaang matinding problema sa buhay kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 56-anyos na lolo makaraang uminom ng lason at natagpuang wala ng buhay sa Brgy. Kilada, Matalam, Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Antonio Tagay, 56-anyos, magsasaka, may asawa at residente Purok rang-ayan, Brgy. Lower Paatan, Kabacan, Cotabato.

Launching ng European Union Peace Journalism Awards sa Cotabato City, naging matagumpay

Mark Anthony Pispis

(Cotabato City/ October 13, 2014) ---Bagamat naantala dahil sa sama ng panahon ang pagdating ng mga delagado ng Europian Union, matagumpay paring naisagawa ang launching ng European Union Peace Journalism Awards sa Cotabato City oktobre a-10 noong biyernes.

Ang European Union Peace Journalism Awards ay ang kampanya at patimpalak para sa lahat ng mga journalist at mga campus journalist sa buong bansa ng magtatapos sa darating na Mayo ng taung 2015.

Kinarnap na Commuter Van, Narekober sa Pikit, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Pikit, Cotabato/ October 13, 2014) ---Wala nang nagawa pa ang mga hinihinalang carnaper kundi abandonahin ang isang pinaniniwalaang kinarnap na Commuter Van matapos tugisin ng mga otoridad sa sa bahagi ng River Bank ng Rio Grande de Mindanao River sa Brgy. Bago-Inged, Pikit, Cotabato alas 5:30 ng hapun Okrobre a-10 nong biyernes.

Ayon sa report ng Pikit PNP, nakatanggap umano sila report na meroong naiispatang suspected na kinarnap Commuter Van sa bahagi ng Brgy. Talitay, Pikit, Cotabato.

EU delegation ng Pilipinas, bumisita sa Kabacan para sa Best Practices ng brgy. Pedtad

By: Sarah Jane Guerrero                                                        

(Kabacan, cotabato/ October 13, 2014) ---Mainit ang naging pagsalubong at pagtanggap ng mga miyembro ng  Ciento Trenta Pedtad Farmers & Fisherfolks Association, BLGU ng Pedtad at LGU Kabacan sa mga bisita na kinabibilangan ng European Union delegation, World Food Programme team, Provincial Government, Department of Agriculture, BFAR  at national/local  media practioners kamakalawa ng umaga, Sabado, ika –labing isa ng Oktubre, taong 2014.

Ang nasabing pagbisita ay kaugnay sa ibinahaging programang pangkabuhayan o “Enhancing the Resilience of Internally Displaced Persons in Central Mindanao by Strengthening Livelihoods noong March 14, 2012.”

Mga sasakyang pagmamay ari ng isang Negosyante, napinsala sa pagsabog ng IED sa Libungan, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Libungan, cotabato/ October 13, 2014) ---Nabulabog ang mga mamamayan sa nangyaring pagsabog ng isang Improvised Explosive Device sa Singayao St. Poblacion, Libungan Cotabato alas 9:00 ng gabi Okrobre a-10 nong biyernes.

Ayon sa report ng Libungan PNP, isang Ten-Wheller Winged Van na may plakang RLC-185 at isang L200 FB Van na may plakang LHD-303, na pawang pagmamay ari ni Jackei Ondoy, may asawa, negosyante at residente ng nasabing barangay ang napinsala sa naturang pagsabog.

BISE-PRESIDENTE BINAY, NAKIPAGBOODLE FIGHT SA PAMILIHAN NG BAYAN NG KABACAN!

By: Sarah Jane Guerrero

(Kabacan, Cotabato/ October 9, 2014) ---“Palengke, ang pinakamalapit na lugar sa puso ko”. Ito ang pahayag ni Vice-president Jejomar C. Binay, Sr. sa mga kabakenyos, noong October 9, 2014 sa kanyang pagbisita sa bayan ng Kabacan, mismong sa pampublikong pamilihian ng bayan na kung saan ginanap ang programa. 


Ayon pa sa kanyang mensahe, sa palengke umano siya unang natuto sa buhay simula nang mamatay ang kanyang grade school teacher na ina at sa palengke umano din niya nakita ang totoong masang Pilipino.

Mahigit dalawang libong mga tao ang dumagsa at nakisalo sa Bise-presidente sa isinagawang boodle fight na ginanap lampas ala una ng hapon noong October 9, 2014. 

Shooting incident sa Kabacan, Cotabato, 3 sugatan

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 13, 2014) ---Patuloy pa ngayong nagpapagaling ang 3 katao matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga suspek sa Purok 7, BLISS site, Brgy. Katidtuan Kabacan, Cotabato alas 6:30 ng gabi Okrobre a-10 nong biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Hermis Detarino, 44 anyos at Leah Mae Detarino, 21 anyos, mag asawa na pawang mga residente ng nasabing barangay at isang Rohito Holog, bayaw ng mag asawa, 19 anyos, binata at residente ng Carmen, Cotabato.

Mahinang daloy ng tubig sa linya ng Kabacan Water District, ipinaliwanag ng General Manager

(Kabacan, Cotabato/ October 11, 2014) ---Patuloy pa ang ginagawang pagkukumpuni ng pump station number 2 ng Kabacan Water District sa Purok Masagana, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ito ang nagging paliwanag ni KWD General Manager Ferdie Mar Balungay sa DXVL News kahapon kaya nagkakaroon ng mahina at minsan ay pagkawala ng daloy ng tubig.

2 sugatan sa strafing incident sa Kabacan

(Kabacan, Cotabato/ October 11, 2014) ---Dalawa ang naiulat na nasugatan sa nangyaring strafing incident sa Bliss, Katidtuan, Kabacan, Cotabato kagabi.

Mismong si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang agad na nagpaabot ng tulong sa mga bayarin sa ospital ng mga biktima.

Gov. Lala, inatasan ang otoridad na magsagawa ng malalimang imbestigasyons a serye ng pagpapasabog sa probinsiya

(Kabacan, Cotabato/ October 11, 2014) ---Inatasan na ngayon ni Cotabato Gov. Lala Taliño Mendoza ang mga kapulisan na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa mga nangyayaring pagpapasabog sa lalawigan at hulihin ang mga salarin dito.

Sa kanyang official facebook account sinabi ni Mendoza na ikulong at kasuhan ang mga responsable sa mga nangyayaring pamomomba sa probinsiya.

Suspicious Bag, nakita sa harap ng USM Presidential Cottage

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 11, 2014) ---Negatibo sa pampasabog ang suspicious bag na naiwan sa harap ng USM Presidential Cottage sa University of Southern Mindanao Main Campus, kagabi.

Ayon sa ulat, pinasabog ang nasabing bag ng mga EOD Team na pag-mamay-ari ng isang dating janitor ng CBDEM  na naiwan nito sa nasabing lugar dahilan kung bakit nabulabog ang ilang mga residente ng pagsabog nito.

Emergency MPOC, ipinatawag ng alkalde ng Pikit re: UCCP Blast

(Pikit, Cotabato/ October 10, 2014) ---Gagawin ngayong araw ang isang emergency peace and order council meeting sa bayan ng Pikit kasama ng pulisiya at sundalo na pangungunahan ni Mayor Muhyryn Sultan-Casi upang pag-usapan at alamin ang update sa nanagyraing pagpapasabog ng UCCP Church sa nasabing bayan.

Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam ng DXVL News ngayong umaga.

Dating terminal sa Kidapawan City, nasunog!

(Kidapawan City/ October 10, 2014) ---Patuloy na inaalam ngayon ng Kidapawan City Bureau of Fire kung magkano ang danyos sa nangyaring sunog kagabi sa old terminal ng lungsod.

Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga kay Fire Captain Darwin Custodio, ang city fire Marshall ng Kidapawan city na pasado alas 7:00 kagabi ng itawag sa kanila na may sunog sa nasabing lugar.

Pagbisita ni VP Binay sa Kabacan, inaabangan na!

(Kabacan, Cotabato/ October 9, 2014) ---Bantay sarado na ngayon ang bayan ng Kabacan kaugnay sa pagbisita ni Vice President Jejomar Binay.

Kasama ng kapulisan, mga BPAT ay nakaalerto na rin sa paligid ng bayan lalo sa sa merkado publiko kungsaan idadaos ang budol fight.

18 mga barangay sa Kabacan, tinukoy na flood prone areas –MDRRMC

Rhoderick Beñez

(Kabacan, Cotabato/ October 9, 2014) ---Pinaalalahanan ngayon ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ang mga mamamayan ng Kabacan na maging handa sa mga posibleng maranasan na namang pagbaha.

Ayon Kay Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council
Head David Don Saure sa panayam ng DXVL, 18 mga barangay sa bayan ng Kabacan ang flood prone areas na patuloy na binabantayan ng ahensiya at 8 barangay direktang tatamaan sa panahon ng pagbabaha.

Ginang, ninakawan sa Midsayap, Cotabato

(Midsayap, cotabato/ October 9, 2014) ---Abot sa mahigit limampung libong pisong halaga ang natangay ng tatlong mga kalalakihan sa isang babae sa Poblacion 1, Midsayap, North Cotabato.

Ayon ka Midsayap PNP chief of Police Supt. Reynante Delos Santos, bitbit ng biktimang si Erlinda Torino, 44 anyos taga brgy. Malamote sa bayan ng Midsayap ang 54 thousand pesos para i-deposit sana sa banko.

Drayber, patay sa riding tandem

(Alamada, Cotabato/ October 9, 2014) ---Patay ang isang driver matapos pagbabarilin ng riding tandem habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa Alamada, North Cotabato.

Base sa Inisyal na imbestigasyon ng Alamada PNP sa pangunguna ni Chief of police Inspector Jofrey Todenyo, isang land cruiser na may license plate XVA-168 ang minamaneho ni Andi Ampusong Pascan, 38-anyos, taga-brgy randayin Alamada, North Cotabato.

Manager ng GSIS Kidapawan City, inireklamo sa hindi magandang trato nito sa kawani ng LGU Kabacan

(Kabacan, cotabato/ October 9, 2014) ---Inireklamo ng isang kawani ng LGU Kabacan ang hindi magandang trato ng mismong Government Service Insurance System o GSIS Kidapawan City Manager.

Ayon kay Liaison Officer Marissa Galay, araw ng Miyerkules ng magsumite ito ng mga dokumento para mag-avail ng calamity loan sa GSIS ng sinabihan ito ng Manager na si Sonia Gutierrez na hindi umano totoo na nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Kabacan.

Otoridad may lead ng sinusundan sa pagpapasabog ng UCCP Church sa Pikit, Cotabato

(Pikit, Cotabato/ October 9, 2014) ---May lead ng sinusundan ang mga otoridad sa mga responsable sa pagpapasabog sa simbahan ng United Church of Christ in the Philippines o UCCP sa Vidal Cabañog St., Poblacion, Pikit, Cotabato alas 7:40 Miyerkules ng gabi.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Jojet Nicolas, ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office kungsaan isang witness ngayon ang hawak nila na sinasabing namukhaan nito ang isa sa mga sakay ng motorsiklo na nagpakawala ng M79 sa nasabing simbahan.

4 na motorsiklo, huli sa isinagawang Oplan Sita sa Bayan ng Kabacan

(Kabacan, Cotabato/ October 9, 2014) ---Huli ang 4 na motorsiklo sa isinagawang Oplan Sita at Oplan Kapkap Bakal ng Kabacan PNP Traffic Divission Kahapon sa bayan ng Kabacan kahapon.

Ayon kay Police Superintendent Jordine Maribojo, Hepe ng Kabacan PNP na mismong nanguna sa isainagawang operasyon kahapon, ang mga motorsiklong ito ay mga walang Plate No. at Open Pipe ang tambutso.

Isang Hand Grenade, narekober sa harap ng bahay ng CFCST Pres

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 9, 2014) ---Nagdulot ng takot sa mga nakatira sa isang pamamahay nang iniwan ang isang Granada sa harapan mismo ng bahay ni CFCST President Dr. Samsudin Mulao sa Barangay Kayaga, Kabacan North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Superintendent Jordine Maribojo, Hepe ng Kabacan PNP, isang Sarah May Gonsang umano ang nakakita sa nasabing granada alas 5:45 am ng umaga at agad namang

Mga sundalong nag-inspeksiyon sa sasakyang ng rape suspek sa Pikit, hindi kilala si Andy Montawal

(Pikit, Cotabato/ October 8, 2014) ---Aminado si Philippine Army's 6th Infantry Division spokesperson Col. Dickson Hermoso na hindi kilala ng mga sundalo si Andi Montawal habang iniinspeksyon ang sinasakyan nito sa Pikit, North Cotabato noong nakaraang linggo.

Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na ang pamilya Montawal ang may-ari ng sinasakyan ni Andi nang ito ay maharang sa bayan ng Pikit noong nakaraang linggo, ayon kay Hermoso.

Ilang mga barangay ng Kabacan, benepisyaryo ng PAMANA Program

(Kabacan, Cotabato/ October 8, 2014) ---Mabibigyan ng proyektong pang-kaunlaran hinggil sa pag-papaunlad sa pagsasaka ang Brgy. Nangaan dito sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Municipal Agriculturist Sasong Pakkal na ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng abot sa mahigit kumulang sa P3 Milyong piso.

Cotabato PCDO, makiisa sa Cooperative Month ngayong Oktubre

Jimmy Sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (Oct 1) – Handang handa na ang Provincial Cooperatives Development Office o PCDO ng Cotabato sa pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong Oktubre.

Ayon kay Dr. Samuel Aquino, Head ng Cotabato PCDO, isa sa mga aktbidad na ito ay ang pagkakaroon nila ng 30-minute radio program na naglalayong ipabatid ang layunin ng PCDO at ang mga hakbang na ginagawa nito para umunlad ang mga kooperatiba sa Cotabato.

Simbahan ng UCCP sa Pikit, Cotabato; pinasabugan; 2 patay, 3 grabe!

(Pikit, Cotabato/ October 8, 2014) ---Dalawa ang naiulat na nasawi habang tatlo naman ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pasabugan ng di pa nakilalang mga suspek ang isang sangay ng simbahan ng United Church of Christ in the Philippines o UCCP sa Vidal Cabañog St., Poblacion, Pikit, Cotabato alas 7:40 kagabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Felomina Ferolin, 54-anyos, nurse; Gina Cabilona, 39-anyos, guro na tinamaan sa mukha kungsaan tanggal umano ang mga mata nito; habang nasa

Pagdiriwang kaugnay sa Selebrasyon ng Cooperative Month ditto sa bayan ng Kabacan, gagawin ngayong araw

(Kabacan, Cotabato/ October 8, 2014) ---Gaganapin dito sa bayan ng Kabacan ang pagdiriwang sa selebrasyon ng Cooperative Month na may temang “Kooperatiba Maasahan sa Pagsulong sa Kabuhayan at Kapayapaan” ngayong araw.

Ayon kay Kabacan Municipal Cooperative Officer Dominador Bisnar na ang highlight ng naturang selebrasyon ay ang tree growing activity ngayong araw na gagawin sa Dump Site sa Brgy. Malanduage na lalahokan ng iilang Municipal Cooperative Development Council

Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ng Kabacan, nagpapaalala sa mga mamamayan na maging handa sa anumang oras bunga ng mga nararanasang pag ulan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 8, 2014) ---Pinapaalalahanan ngayon ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ang mga mamamayan ng Kabacan na maging handa sa mga posibleng maranasan na namang pagbaha.

Ayon Kay Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council
Head David Don Saure sa panayam ng DXVL, 18 mga barangay sa bayan ng Kabacan ang flood prone areas at 8 barangay direktang tatamaan sa panahon ng pagbabaha.

Halos di mahulugan ng karayom ang USM quadrangle sa pagtatapos ng Pasiklaban 2014 kagabi

Mark Anthony Pispis

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 2, 2014) ---Punong-puno ng mga studyante at iba pang mga indibidwal, at may mga magpapamilya pa sa USM Quadrangle kagabi na siyang nagpasigla lalo sa pagtatapos ng prestihiyosong student week sa USM kaalinsabay ng 62nd Founding Anniversary ng pamantasan.

Nagpakitang gilas dinsa harap ng libu-libong manood ang youtube sensation na si Jhong Madaliday ng bandang Bai Matabai Plang o BMP.

Mga pamilyang nagsilikas bunga ng girian ng dalawang grupo sa Pikit North Cotabato, hindi pa rin nakakabalik sa kani-kanilang mga tahanan

(Pikit, Cotabato/ October 7, 2014) ---Hindi pa tuluyang makabalik sa kanikanilang mga tahanan ang mga pamilya na nagsilikas bunga ng nagpapatuloy pa rin na tensiyon ng dalawang armadong grupo sa Brgy. Bulol Pikit, North Cotabato hanggang kahapon.

Ito ayon kay Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Head Tahira Kaladtungan sa panayam ng DXVL sa Periodiko Express kahapon.

4 katao, Sugatan sa Vehicular Accident sa Kidapawan City, patuloy na nagpapagaling

Mark Anthony Pispis

(Kidapawan city/ October 8, 2014) ---Kasalukuyan ngayong nagpapagaling ang apat kataong sugatan kasama ang drayber sa nangyaring vehicular accident sa waiting shed sa Brgy. Mateo, Kidapawan City nitong Biyernes.

Ayon sa mga residente na nakakita sa pangyayari na nakapanayam ng DXVL Team, nawalan umano ng kontrol ang drayber ng isang Ford Ranger na for resistration ang plaka na pagmamay ari ng isang Joselito Mercado na Contractor ng JARGON Construction habang

Nanay, kinuryente ng sariling anak sa Midsayap, Cotabato; patay

(Midsayap, Cotabato/ October 6, 2014) ---Patay ang isang nanay makaraang kuryentehin ng sariling anak nito na pinaniniwalaang may deperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Bulanan, bayan ng Midsayap, Cotabato kamakalawa.

Ayon sa report nagsasampay ang biktimang si Susan Sinoy, 49 anyos nang idikit ng kanyang anak na si Jobert Sinoy ang isang live wire sa sampayan nito at nakuryente.

Pagdiriwang ng Eid Ul Adha sa bayan ng Kabacan, naging mapayapa

(Kabacan, Cotabato/ October 6, 2014) ---Naging matiwasay at tahimik sa kabuuan ang isinagawang pagdiriwang ng Eid Ul Adha sa bayan ng Kabacan kungsaan isinagawa ang congressional prayer sa Kabacan Pilot Central Elementary School nitong Sabado.

Abot sa mahigit sa tatlong libung mga mananampalatayang Islam ang nakiisa sa sambayang o pagsamba mula sa iba’t-ibang lugar ng bayan.

Pagkakatakas ng Dating Vice Mayor na sinasabing suspek sa rape sa isinagawang Checkpoint sa Pikit, Cotabato; dapat paiimbestigahan

(Pikit, Cotabato/ October 6, 2014) ---Umaapela ngayon ng malalimang imbestigasyon ang grupo ng mga mamamahayag at ilang mga concern citizen sa gobyerno na paimbestigahan ang pagkaka-alpas ng isang dating opisyal na sinasabing wanted sa kasong rape.

Kinilala ang suspek na si Andy Montawal, dating vice mayor ng bayan ng Datu Montawal sa probinsya ng Maguindanao.