Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspected Drug courier patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Matalam, North Cotabato

Rhoderick Beñez

(Matalam, North Cotabato/ May 29, 2015) ---Patay ang isang lalaki na di pa nakilala makaraang pagbabarilin sa National Highway ng Kabacan-Matalam road, partikular sa Purok Quiapo, Poblacion, Matalam, Cotabato alas 7:15 kagabi.

Ayon kay SPO1 Froilan Gravidez, ng Matalam PNP ang biktima ay may taas 5’3, nakasuot ng long sleeves shirt na kulay asul, naka-maong pants at rubber shoes.

Pag-aarmas sa mga BPAT sa bayan ng Kabacan, Ipinaliwanag ng PNP

PSI Ronnie Cordero
Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 25, 2015) ---Ipinaliwanag ng pamunuan ng Kabacan PNP ang kanilang pagpapahintulot sa mga BPAT na magbitbit ng armas.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero sa panayam ng DXVL News, ang BPAT umano ay unarmed o hindi dapat payagang magkaroon ng armas na hahawakan nito.

Ngunit ang pagiging unarmed ng mga BPAT sa bayan ng Kabacan ay hindi umano tugma lalo nat ang mga masasamang loob na nagbabalak gumawa ng masama ay meroong mga armas.

Mga kumakalat na balitang may aswang sa bayan ng Kabacan, pinabulaanan ng Kabacan PNP at Kabacan TMU

Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 29, 2015) ---Hindi naniniwala ang pamunuan ng Kabacan PNP at Kabacan TMU sa balitang kumakalat na mayroong aswang  sa bayan.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, ang OIC Chief ng Kabacan PNP at Kabacan TMU head Ret. Col Antonio Peralta sa isinagawang panayam ng programang Unlad Kabacan, pakana lamang umano ito ng mga masasamang loob lalo-lalong na ng mga kawatan.

LTO-Kabacan District, ipinaliwanag ang hindi pa nila pag-release ng bagong plaka ng motorsiklo

Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 25, 2015) ---Bigo pa ring maipamahagi ng Land Transportation Office o LTO ang mga bagong plaka sa mga nagrenew sa buong bansa.

Ayon kay LTO Kabacan District Head Ansary Sumpingan sa panayam ng DXVL News, ito ay sa kadahilanang bigo pa itong maibahagi ng kanilang manufacturer.

Hindi rin sila makapagbibigay ng timeline kung kailan ito maibibigay dahil maging ang manufacturer mismo ay wala ring ibinigay na timeline sa kanila.

Prime mover, dumiretso sa kanal: 1 patay, 1 sugatan

Mark Anthony Pispis

(Makilala, North Cotabato/ May 25, 2015) ---Patay on-the-spot ang isang driver habang sugatan naman ang helper nito matapos na dumiretso sa open canal ang minamaneho nitong Prime Mover sa bahagi ng National High Way sa Brgy. Bulatukan sa bayan ng Makilala, North Cotabato dakung alas 12:00 noong Biyernes ng hating gabi.

Kinilala ng Makilala PNP ang nasawi na isang Richard Gorgonio, 20 anyos, binata, ang drayber ng nasabing truck at residente bayan ng Maco sa lalawigan ng Compostella Valley.

Habang sugatan naman ang helper nito na kinilalang si Carlito Agustines, 32 anyos, at resident eng Brgy. Nueva Vida, Mlang, North Cotabato na sa kasalukyan ay nagpapagaling sa isang bahay pagamutan sa bayan ng Makilala.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na umano tinatahak ng Prime Mover Cargo Truck, may plakang LDY 560, ang daan papuntang Davao City mula sa lalawigan ng Maguindanao nang pagsapit nito sa kurbadang bahagi ng nasabing lugar at mawalan ito ng preno at tuluyan nang dumiretso sa opencanal malapit lugar.

Patay on-the-spot ang drayber nito habang isinugod naman sa pinakamalapit na bahay pagamutan ang helper nito.



1 kalaboso sa droga

Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ May 25, 2015) ---Kalaboso ngayon ang isang lalaki matapos na mahulhang nagdadala ng illegal na druga sa Purok Kapayapaan, Zamora St. Brgy. Poblacion Kaqbacan Cotabato dakung alas 7:15 noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP ang suspek na isang Ernesto Gorion Y Elabaso Jr. 37 anyos, walang trabaho at residente ng nasabing lugar.