PSI Ronnie Cordero
|
Mark
Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ May 25,
2015) ---Ipinaliwanag ng pamunuan ng Kabacan PNP ang kanilang pagpapahintulot
sa mga BPAT na magbitbit ng armas.
Ayon kay PSI Ronnie Cordero sa
panayam ng DXVL News, ang BPAT umano ay unarmed o hindi dapat payagang
magkaroon ng armas na hahawakan nito.
Ngunit ang pagiging unarmed ng mga
BPAT sa bayan ng Kabacan ay hindi umano tugma lalo nat ang mga masasamang loob
na nagbabalak gumawa ng masama ay meroong mga armas.
Upang mas maging epektibo umano ang
mga ito sa pagpapatupad ng batas sa ibat-ibang mga barangay sa bayan ay
pinayagan ang mga itong magbitbit ng armas basta gagamitin lang ito sa pagsugpo
ng kriminalidad at pagpapanatili ng kaayusan.
Ang BPAT ay katuwang ng Kabacan PNP
at LGU sa pagpapatupad ng batas o law enforcement sa bayan.
Nabatid mula sa opisyal na patuloy
ngayon ang kanilang ginagawang Enhancement Capability Seminar sa mga ito upang
mas mabigyan ng kaalaman hinggil sa kanilang ginagampanang tungkulin.
Sa katunayan ay abot na sa 7 mga
barangay sa bayan ang kanilang natapos na mabahigan ng nasabing seminar ayon
narin sa mandato ni Mayor Herlo P. Guzman Jr..
0 comments:
Mag-post ng isang Komento