Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspected Drug courier patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Matalam, North Cotabato

Rhoderick BeƱez

(Matalam, North Cotabato/ May 29, 2015) ---Patay ang isang lalaki na di pa nakilala makaraang pagbabarilin sa National Highway ng Kabacan-Matalam road, partikular sa Purok Quiapo, Poblacion, Matalam, Cotabato alas 7:15 kagabi.

Ayon kay SPO1 Froilan Gravidez, ng Matalam PNP ang biktima ay may taas 5’3, nakasuot ng long sleeves shirt na kulay asul, naka-maong pants at rubber shoes.

Sakay ang biktima sa kanyang motorcycle XR-200 kulay pula na may temporary plate number 1101-46899 ng mangyari ang pamamaril sa kanya.

Sinasabing galing sa Purok Krislam ng nasabing bayan ang biktima ng pagbabarilin ng di pa nakilalang mga suspek.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa ulo at binti nito na nagging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Narekober ng mga pulisya sa crime scene ang dalawang sachet ng shabu at ilang mga illegal drug paraphernalia’s.

Bukod dito, nakuha din sa pinangyarihan ng insidente ang isang .38 revolver na may anim na mga bala at bala ng .45 na pistol.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin ang pagkakakilanlan sa biktima.


Malaki naman ang paniniwala ng Matalam PNP na may kinalaman sa droga ang nasabing insidente.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento