Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga kumakalat na balitang may aswang sa bayan ng Kabacan, pinabulaanan ng Kabacan PNP at Kabacan TMU

Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 29, 2015) ---Hindi naniniwala ang pamunuan ng Kabacan PNP at Kabacan TMU sa balitang kumakalat na mayroong aswang  sa bayan.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, ang OIC Chief ng Kabacan PNP at Kabacan TMU head Ret. Col Antonio Peralta sa isinagawang panayam ng programang Unlad Kabacan, pakana lamang umano ito ng mga masasamang loob lalo-lalong na ng mga kawatan.


Parehong naniniwala ang dalawang opisyal na hindi totoong may aswang dahil sila mismo ay hindi pa nakakakita nito.

Ito makaraang may kumakalat na balitang meroong sumalakay na aswang sa isang purok sa Brgy. Poblacion ng bayan.

Wala naman umanong naireport na ganitong insidente ayon kay Cordero.


Binigyang diin ng mga opisyal na kahit anumang pakana ang gamitin ng mga masasamang loog para mambolabog ay hindi parin sila patitinag sa pagsugpo ng kriminalidad at paghuli sa mga masasamang loob sa bayan base na rin sa mandato ng LGU Kabacan sa pangunguna ni Myor Herlo P. Guzman Jr.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento