Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Grupong Gabriela Youth sa North Cotabato, dismayado sa pagtatapos ng International Women’s Month

(Kabacan, North Cotabato/March 31, 2012) ---Dismayado ang progresibong grupo ng mga kabataang kababaihan sa pagtatapos ng makasaysayang paggunita sa pandaigdigang buwan ng mga kababaihan.

Mariing ipinahayag ng grupo ang kanilang mahigpit na pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon sa sunod-sunod na pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at presyong petrolyo nitong mga nagdaang linggo.   

Magtatapos na diumano ang paggunita sa makasaysayang Pandaigdigang buwan ng mga kababaihan subalit lumalala ang krisis at kahirapan ang kinakaharap ng mga kababaihan maging ang sambayanan sa kasalukuyan.

Panukalang pagsa-pribado ng MKWD, tinututulan ng mga kababaihan sa North Cotabato

(Kidapawan City/March 31, 2012) ---Kasabay ng pagtatapos ng selebrasyon ng Women’s Month ngayong buwan ay isinisigaw din ng mga kababaihan sa North Cotabato ang kanilang posisyon na pagtutol sa plano ng gubyerno na isapribado ang Metro Kidapawan Water District o MKWD.

Ayon sa grupo higit na kawawa ang mga water concessionaire kung nasa kamay na ng private sector ang naturang government-owned and controlled corporation.

Malnutrition sa 2 bayan sa North Cotabato; pinangangambahan

(President Roxas/Arakan, North Cotabato/March 31, 2012) ---Namonitor ang may 155 na mga bata buhat sa dalawang mga bayan sa North Cotabato ang sinasabing may ‘severe acute malnourished’ o yaong may matinding pangangailangan sa nutrisyon.

Ito ang napag-alaman mula sa head ng program-nutrition Philippine Mission ng Accion Contra Famine o Action Against Hunger Dr. Oscar Fudalan, isang humanitarian NGO.

Aniya sa bilang na ito: 99 ang mula sa 22 mga barangay sa bayan ng Arakan; at 56 mula sa 18 mga barangay sa bayan ng President Roxas na sumailalim ngayon sa matinding gamutan dalawang buwan na ang nakakraan.

Pagpatay sa 3 katao sa North Cotabato, itinanggi ng MILF

(M’lang, North Cotabato/March 31, 2012) ---Inihayag ng isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na nakabase sa Datu Montawal, Maguindanao na wala silang kinalaman sa pangingidnap at pagpatay sa tatlong magbobote-bakal na taga-M’lang, North Cotabato.

Mismong si Kumander Bhutto ng MILF ang tumanggi sa nasabing akusasyon matapos na possible umanong ginamit lang ng mga suspect ang pangalan niya para ipahid sa kanya ang krimen.

Nabatid sa report na si Kumander Bhutto ay nakausap mismo ni M’lang Mayor Joselito Pinol.

(Update) 1 patay, 1 pa sugatan sa bakbakan ng Army at NPA sa North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/March 30, 2012) ---Patay ang isa katao habang sugatan ang isa pa makaraang magka-engkwentro ang tropa ng gubyerno at mga rebeldeng komunista sa Sitio Bantaan, Barangay Bagumbayan, Magpet, North Cotabato, kahapon.

Batay sa report abot na sa 30 mga pamilya ang nagsilikas matapos na maipit sa nasabing bakbakan.

Nabatid na isang miyembro ng New Peoples’ Army (NPA) ang patay sa naturang enkwentro na agd namang binitbit ng mga NPA ang kasama nila’ng namatay.

Tindahan ng agri supply sa Kabacan, North Cotabato ni-raid ng CIDT

(Kabacan, North Cotabato/March 29, 2012) ---Abot  sa 157 na mga sako ng abono na may brand name Amigo Planters ang kinumpiska ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato sa isang malaking agri-vet supply center dito sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, alas 5:00 ngayong hapon lamang.

Ibinatay ng CIDT ang kanilang operasyon sa search warrant na inisyu noong March 28 ng Regional Trial Court branch 24 na nakabase sa Metro Manila.

CIDG Major Elmer Guevarra
Sa panayam ng DXVL News kay CIDG Major Elmer Guevarra nabatid na ang laman ng nasabing mga abono at pestisidyo ay hinaluan umano ng asin na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.

Maging ang CIDG, aminado na biktima ng nasabing sindikato ang may-ari ng LS Agri-Trade na nasa Aglipay St., Poblacion, Kabacan na si Ginoong Hector Simplicio, aniya dumarating lang sa kanya ang naturang mga stocks mula sa kanyang mga supplier at ibinibenta niya sa kanyang mga parokyano.

Panibagong engkwentro ng NPA at militar sa North Cotabato nagresulta sa pagkakasugat ng 1 Sundalo

(Magpet, North Cotabato/March 29, 2012) ---Nagpapatuloy ngayon ang palitan ng putok sa pagitan ng militar at mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa lalawigan ng Cotabato .

Ayon kay 6th Infantry Division Public Affairs Chief Colonel Prudencio Asto, nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng 57th Infantry Battalion Philippine Army sa Sitio Bantaan Barangay Bagumbayan Magpet, North Cotabato, nang makasagupa nito ang tinatayang 30 NPA na pawang armado ng matataas na uri ng armas.

(Update) Grupong responsable sa panununog sa mahigit sa 20 mga bahay sa Carmen, North Cotabato; sasampahan ng kaso

(Carmen, North Cotabato/March 29, 2012) ---Hindi mangingiming magsasampa ng kaso ang Carmen PNP sa mga grupong responsable sa panununog sa may dalawampu’t dalawang mga bahay sa Brgy. Tonganon, Carmen, North Cotabato.

Ito ayon kay P/Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP sakaling may mag-surface witness nito sa kanila matapos ang nangyaring labanan ng MNLF at MILF sa lugar.

Bagama’t humupa na ang girian sa dalawang naglalabang grupo, sinabi naman ng opisyal na may dalawang tropa ng military ang idineploy sa erya mula sa 7IB at 38IB na siyang titiyak sa seguridad sa Sitio 5 ng brgy Tonganon.

Jobs Fair gagawin ngayong araw sa USM, Kabacan, Cotabato

(USM, Kabacan, North Cotabato/March 29, 2012) ---Magandang balita para sa mga naghahanap ng trabaho, dahil gagawin ngayong araw dito sa University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato ang job fair na itinakda ng  Department of Labor and Employment  12  sa  iba’t -ibang bahagi ng  rehiyon bago magtapos ang buwan ng Marso.

Magsisimula ang jobs fair alas 7:00 ngayong umaga na gagawin sa USM gymnasium.

Ang nasabing job fair ay sa pakikipagtulungan ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao at ng  Public Employment Service Office. 

Isa patay, isa pa sugatan sugatan matapos masaksak sa loob ng videoke house sa Kidapawan City

(Kidapawan City/March 29, 2012) ---Hindi na umabot ng kuaresma ang isang customer ng videoke bar sa Kidapawan City, habang sugatan ang isa pa, nang saksakin ng ‘di kilalang mga lalaki, bandang alas-6 kamakalawa ng gabi.
         
Kinilala ang napatay na si Eulogio Inutan Monsalaud, 19, habang sugatan ang 29-taong gulang na si Rodel Calambroso Butil, kapwa mga residente ng Barangay Sikitan, Kidapawan City.
         
Ayon sa report ni Sr. Insp. Sunny Leoncito, hepe ng anti-vice and investigation division ng Kidapawan City PNP, namatay si Monsalaud habang ginagamot sa Kidapawan Doctors Hospital sa lungsod, habang nananatili sa naturang ospital si Butil.

Dagdag na automated teller machines ng Land Bank hiniling na itayo sa bayan ng Kabacan, N Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/March 28, 2012) ---Hiniling ng Municipal Peace and Order Council o MPOC ang paglalagay ng dagdag na automated teller machines ng Land Bank sa Kabacan, North Cotabato.
         
Ito ay para maiwasan ang mahabang pila kapag panahon ng release ng cash grants sa libu-libong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa naturang bayan.
         
Sa ngayon, abot sa limang libo ang mga grantee ng 4Ps sa Kabacan.
         
Ang ilang mga benepisyaryo ng 4Ps na mula sa mga bayan ng Pikit at Carmen ay sa bayan ng Kabacan pa nagpupunta para lang kunin ang kanilang cash grants.

Pagpapatuloy ng Mlang Airport Project, maituturing na bahagi ng government peace process initiatives- Cong. Sacdalan

Cong. Jesus Sacdalan

(Midsayap, North Cotabato/March 28, 2012) ---Ipinaliwanag ni North Cotabato First District representative Jesus “Susing” Sacdalan na ang pagpapatuloy ng Mlang airport project ay bahagi ng kanyang pagsisikap bilang chairperson ng house special committee on peace reconciliation and unity at hindi dahil sa kung anu pa mang rason o kadahilanan.

Ayon sa opisyal, ninanais niyang kasama ang iba pang local and national officials na matapos ang nasimulang proyekto dahil nakikita niyang malaking tulong ang Mlang Airport para sa economic development ng North Cotabato at mga kalapit lalawigan.

Una nang sinabi ni Cong. Sacdalan na maglalaan ang Department of Transportation and

Metro kidapawan Water District nahaharap sa pribatisasyon

(Kidapawan City/March 28, 2012) ---Napipintong isasapribado ang Metro Kidapawan Water District o MKWD.
         
Ang pribatisasyon ng mga government-owned-and-controlled corporation tulad ng MKWD ay isa umano sa ipinangangalandakan ngayon ng PNoy administration, para bawas gastos at alalahanin sa pamahalaan.

Sa nasabing proseso, ibebenta ng gubyerno sa private firm ang kompanya, tulad ng MKWD.

Subalit ang nakaamba naman ang negatibong epekto nito sa mga ordinaryong mamamayan na siyang nangangailangan ng serbisyo ng tubig dahil din a umano maiiwasan ang pagsirit sa singil ng bayarin sa tubig.

Cotabato Media Shooters Association (CMSA) binuo

(North Cotabato/March 28, 2012) ---Dahil sa umiinit na banta sa buhay ng mga mamahayag sa bansa binuo ang Cotabato Media Shooters Association sa pagtitipon ng mga print at Broadcast Media sa lungsod ng Kidapawan.

Gary Fuerzas, President CMSA
Umupo bilang Presidente ng Cotabato Media Shooters Association (CMSA) si Garry Fuerzas Area NewsChief  ng Bombo Radyo at Chairman ng Committee to Protect Journalists ng National Union of Journalists of the Philippines.

Vice-President for Radio si Erwin Cabilbigan ng DXMY RMN Cotabato City.

Vice President for Tv si Carlo Agamon ng TV-5 at DXND NDBC Kidapawan City,Philippine Daily Enquirer

Pagpapabatid sa mga karapatan ng mga kababaihan; isinusulong sa probinsiya ng North Cotabato

(Amas, Kidapawan city/March 28, 2012) ---Mismong hinamon rin ng mga babaeng mambabatas ng probinsiya ng North Cotabato ang kanilang sarili kung papaanu pa nila mapaintindi sa Barangay lebel o “grassroot level” ang karapatan ng bawat kababaihan.

Ito ayon kay Board Member Shirlyn “Neneng” Macasarte sa isang press conference na isinagawa kahapon bilang culmination program ng Women’s Month Celebration.

Aniya, malaking hamon umano sa kanila ang nasabing usapin bukod pa sa pagpanday ng mga batas na may kinalaman sa pag-eempower ng mga kababihan sa probinsiya ng North Cotabato.

Sa kabilang dako, bagama’t tumangging ihayag ni Board Member Airyn Pagal, ang may hawak ng Committee on Women and Health sa Sangguniang Panlalawigan kung ilang porsiento ng mga

Sagupaan ng NPA at Militar sa Makilala posibleng may kinalaman sa nalalapit na anibersaryo ng NPA

(Makilala, North Cotabato/March 28, 2012) ---Nagkasagupa ang mahigit kumulang sa dalawampung mga armadong miyembro ng New People’s Army o NPA at ang tropa ng militar sa may Sitio Kapatagan, Brgy. Luayon, Makilala, North Cotabato kahapon ng tanghali.

Ayon kay 6th Division Public Affairs Chief Col. Prudencio Asto nangyari ang engkwentro habang nagsasagawa ng combat patrol operations ang tropa ng militar sa lugar.

Umabot sa dalawampung minuto ang palitan ng putok sa dalawang panig, kungsaan agad namang umatras ang mga kalaban na pinamumunuan ni alias Bunso ng guerilla front 72 papunta sa Kapatagan Proper at Sitio Luayon ng nabanggit na lugar.

Motorsiklo nasunog sa loob ng USM Main Campus

(USM, Kabacan, North Cotabato/March 28, 2012) ---Isang motorsiklo ang nasunog sa harap ng College of Human Ecology and Food Sciences partikular sa harap ng CHEFS Canteen dakong alas 5:00 kahapon ng hapon.

Batay sa report, faulty wiring umano ang dahilan ng pag-ignite ng apoy kungsaan mabilis namang kumalat matapos na madilaan ng apoy ang tangke ng tricycle.

Ayon sa report, agad naman umanong naapula ang sunog bagama’t natupok na umano ang buong sasakyan na minamaneho ng isang driver na taga-Sunset.

1 patay habang 1 kritikal sa nangyaring shooting incident sa Kabacan, Cotabato kagabi

(Kabacan, North Cotabato/March 28, 2012) ---Dead on arrival sa ospital ang isang Anwarrudin  Usman habang kritikal naman ang isa pang kasama nito na nakilalang si Abdul Patah Haron makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga suspetsado sa boundary ng brgy Katidtuan at Osias alas 8:00 kagabi.

Sa panayam ng DXVL News kay P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing mga biktima ay nasa edad 18-23 taong gulang bagama’t patuloy pang inaalam ang address ng mga ito.

Mlang Airport, pagsisikapang maipagpatuloy; karagdagang pondo ilalaan ng national government

(Midsayap, North Cotabato/March 27, 2012) ---Inihayag ni North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan na sinisikap ng national government na tapusin ang sinimulang rural airport na nakabase sa Brgy. Tawan- tawan, Mlang, North Cotabato.

Ayon sa panayam sa opisyal, may karagdagang 100 Milyong pisong pondo na ilalaan ang national government sa natukoy na proyekto, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Dagdag ni Cong. Sacdalan, magmumula umano ang karagdagang pondo sa Department of Transportation and Communication o DOTC. Upang maipagpatuloy ang proyekto, may commitment na si DOTC Secretary Mar Roxas na maghahanap ito ng additional funds mula sa kanyang departamento.

Militar at NPA nagkasagupaan sa Makilala, North cotabato

(Makilala, North Cotabato/March 27, 2012) ---Nagkasagupa ang may dalawampung mga kasapi ng New People’s Army o NPA at ang tropa ng militar sa Sitio Kapatagan, Brgy. Cabilao, Makilala, North Cotabato dakong alas 11:05 kaninang umaga.

Sa imporamasyon ipinarating sa DXVL ni 6th Infantry Division, Philippine Army Col. Prudencio Asto nangyari umano ang engkwentro ng dalawang grupo habang nagsasagawa ng combat patrol operations ang Bravo company ng 57th Infantry Battalion sa lugar.

Isyu hinggil sa Gender, Peace at community Development tinututukan ng mga USM-MBLP scholars

(USM, Kabacan, North Cotabato/March 27, 2012) ---Kamakailan lamang ay pormal na ipinakilala ang pitong mga Scholars ng University of Southern Mindanao- Mindanao Bridging Leadership Program o USM-MBLP sa katatapos na Acceptance Ceremony sa USM Hostel, Kabacan, Cotabato.

Ayon kay USM-MBLP Formator Marcos Monderin ang nasabing programa ay pinonduhan ng World Bank kungsaan katuwang ng USM sa pag-iimplementa ng programa ang Asian Institute Management.

Kaugnay nito ang mga napiling scholars ay nakatutok sa mga kasalukuyang mga isyu na kinakaharap partikular na ng mga taga-Mindanao na may kinalaman sa gender, peace at Community Development.

Mga negosyante sa North Cotabato, umalma na sa araw-araw na load curtailment; Cotelco, ipinatupad na ang rate adjustment

(Kabacan, North Cotabato/March 27, 2012) ---Nito pang nakaraang buwan ipinatupad na ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco ang power rate adjustment nila na .02 centavos sa mga residential consumers maliban pa dito sa mga high at low voltage consumers.

Ito ayon kay Cotelco spokesperson Vincent Lore Baguio matapos na maaprubahan ang RSEC-WR ng Energy Regulatory Commission.

Kaya naman kahit na araw-araw ay may load curtailment na ipinapatupad ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP may maramdaman pa rin increase sa kuryente ang mga consumers nito.

Apat katao sugatan sa 2 magkahiwalay na aksidente sa National Highway sa North Cotabato

(Kidapawan City/March 27, 2012) ---Sugatan ang tatlo katao, dalawa sa kanila teenager, nang sumalpok ang multi-cab sa isang Pajero sa national highway, particular sa Barangay Kisante, Makilala, alas-1230 ng tanghali, kahapon.

Ang mga biktima ng vehicular accident ay edad disi-siete, katorse, at isang sampung taong gulang, pawang mga residente ng bayan ng Makilala at sakay ng multi-cab.

Ayon sa report, binabaybay ng Suzuki multi-cab na may plakang   MVZ 427 at minamaneho ng isang Julian Palgan, 47, ang national highway, particular sa may Old Bulatucan, nang aksidenteng mabunggo nito ang hulihang bahagi ng Pajero na may plakang JCB 703 na minamaneho naman ng isang Ulysses Ilajas, 36, at empleyado ng Philpos Fertilizer.

4 days school week; ipapatupad sa USM sa susunod na pasukan

(USM, Kabacan, North Cotabato/March 26, 2012) ---Simula sa susunod na pasukan magiging apat na araw na lamang ang pasok ng mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao matapos na maaprubahan ang nasabing panukala sa katatapos na BOR.

Ito ang napag-alaman mula kay USM Pres Jess Antonio Derije sa ginawang pag-aaral ng special committee na binuo ng Pangulo bilang bench marking.

Aniya ang hakbang ay malaking tulong upang makatipid ang pamantasan partikular na sa paggamit ng kuryente.

Malaking tulong din umano ito upang mas maraming panahon na igugugol sa pamilya dahil gagawing non-working day ang araw ng Biyernes, dahil ayon sa Pangulo ang Biyernes ay mahalagang araw sa mga kapatid na Muslim upang sila ay magsambayang.

Kaso’ng administratibo na isinampa kontra sa ilang mga opisyal ng isang kooperatiba sa Kidapawan City dinismis ng Cooperative Development Authority

(Kidapawan City/March 26, 2012) ---Sa paniwalang wala sila’ng quasi-judicial powers para resolbahin ang kasong administratibo na isinampa ng mga natanggal na miyembro ng Central Mindanao Construction-Multi-Purpose Cooperative o CMC-MPC kontra sa kanilang mga opisyal, nag-isyu kamakaylan ng CERTIFICATE OF NON-RESOLUTION ang Cooperative Development Authority o CDA patungkol dito.
         
Isa pang sinasabing dahilan ng CDA kaya dinismis nito ang kaso ay ang tinatawag na ‘forum shopping.’
         
Ito ay dahil nalaman ng CDA na maliban pa sa CDA ay nagsampa ng reklamong kriminal sa Ombudsman Mindanao ang mga complainants.

Daan-daang mga pamilya nagsilikas dahil sa engkwentro ng dalawang grupo sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato.March 25, 2012) ---Bagama’t humupa na ang engkwentro sa pagitan ng dalawang naglalabang grupo na MILF at MNLF sa Putok 5, Sitio Maputi, Brgy. Tonganon sa bayan ng Carmen, North Cotabato, tiniyak naman ngayon ni Lt. Aries Dela Cuadra ng 7IB, Philippine Army na nasa ligtan na kalagayan ang may 166 na mga pamilyang na silikas dahil sa nangyaring kaguluhan sa lugar.                  
                                                      
Ito ang sinabi ngayong umaga sa DXVL ng opisyal, aniya 1.5kilometro ang layo ng engkwentro sa pagitan ng grupo nina Kumander Karim ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Kumander Teo ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Tonganon proper.      

Pagbuo at pagre-activate ng CVO sa bayan ng Kabacan; iginigiit sa katatapos na MPOC meeting

(Kabacan, North Cotabato/March 26, 2012) ---Ipinanukala ni Engr. Cedric Mantawil, kasapi ng MPOC ng Kabacan LGU ang pagbuo ng Task Force CVO upang tututok sa pagbabantay sa lahat ng mga sulok ng Kabacan, partikular na sa mga checkpoint na naka-assign sa mga barangay.

Ito upang ma-mobilize ang mga Civilian Volunteer’s Organization ng bayan, na siya ring iginigiit ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP sa isinagawang Municipal Peace and Order council Meeting na isinagawa sa LGU Conference Hall, nitong Biyernes ng hapon.

Kaugnay nito, hinikaya’t ni councilor Edmundo Apuhin na siya’ng chairman ng committee on Peace and Order ng Sanggunian na dapat ay pangungunahan ng ABC Pres ang pag-reactivate at pagbuo ng Task Force CVO sa bayan.

Seguridad sa paligid ng Midsayap PNP; hinigpitan habang nagpapatuloy ang marathon hearing ni “Lastikman”


(Midsayap, North Cotabato/March 26, 2012) ---Hindi pa batid kung kailan maibabalik sa Cotabato Provincial Jail si Datucan Samad alyas “Lastikman” habang nagpapatuloy ngayong linggo ang marathon hearing nito sa kanyang kaso sa bayan ng Midsayap.

Nakatakdang magpalabas kasi ng court order si RTC Branch 18 Judge George Jabido hinggil sa paglilipat kay Lastikman sa Bicutan, Taguig city, sa kalakhang Maynila.

Frustrated homicide suspek, arestado ng mga otoridad sa North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/March 26, 2012) ---Nanguna ang Operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato sa pag-aresto sa isang mag-sasakang may kinakaharap ng kasong frustrated homicide sa isang brgy sa bayan ng Matalam, nitong Biyernes.

Kinilala ni CIDT-North Cotabato Provincial Director, Chief Inspector Elmer Guevarra ang suspek na si Judith Rocillo, 41 at residente ng brgy. Estado, Matalam.

Kasama ni Rocillo ang asawa nitong si Danilo, 32 taong gulang na sumuko sa mga otoridad.

Ninakaw na motorsiklo; narekober ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/March 26, 2012) ---Narekober ng mga otoridad dito sa bayan ng Kabacan ang isang pinaniniwalaang ninakaw na motorsiklo mula sa bayan ng Makilala.

Ito matapos na positibong itinuro ni Datu Giama Plang, 24 at residente ng Palmes Boarding House, Poblacion, Kabacan na ang muffler na nakalagay sa nasabing motorsiklo ay tanda na sa kanya ang nasabing motor.

Ang nasabing nakaw na motorsiklo ay nakita sa likod ng Petron gasoline station na nasa harap ng Kabacan Pilot Elementary School habang inaayos sa isang repair shop sa lugar.