Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Apat katao sugatan sa 2 magkahiwalay na aksidente sa National Highway sa North Cotabato

(Kidapawan City/March 27, 2012) ---Sugatan ang tatlo katao, dalawa sa kanila teenager, nang sumalpok ang multi-cab sa isang Pajero sa national highway, particular sa Barangay Kisante, Makilala, alas-1230 ng tanghali, kahapon.


Ang mga biktima ng vehicular accident ay edad disi-siete, katorse, at isang sampung taong gulang, pawang mga residente ng bayan ng Makilala at sakay ng multi-cab.

Ayon sa report, binabaybay ng Suzuki multi-cab na may plakang   MVZ 427 at minamaneho ng isang Julian Palgan, 47, ang national highway, particular sa may Old Bulatucan, nang aksidenteng mabunggo nito ang hulihang bahagi ng Pajero na may plakang JCB 703 na minamaneho naman ng isang Ulysses Ilajas, 36, at empleyado ng Philpos Fertilizer.


Tatlo sa sakay ng multi-cab sugatan sa aksidente na agad isinugod sa Makilala Medical Specialist Hospital sa Poblacion.

Samantala biktima naman ng hit-and-run ang 28-taong gulang na si Floramie Siladan na taga-Magpet, North Cotabato kamakalawa sa Kidapawan City.

Patawid umano sa kabilang daan ang biktima nang biglang mabundol ng rumaragasang motorsiklo sa national highway.

Sa halip tulungan ang biktima, iniwan siya’ng nakahandusay sa kalsada ng driver ng motorsiklo.

Dahil sa bilis ng mga pangyayari, ‘di na nakuha ng biktima ng plate card number ng  nakabundol sa kanya.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento