Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Malnutrition sa 2 bayan sa North Cotabato; pinangangambahan

(President Roxas/Arakan, North Cotabato/March 31, 2012) ---Namonitor ang may 155 na mga bata buhat sa dalawang mga bayan sa North Cotabato ang sinasabing may ‘severe acute malnourished’ o yaong may matinding pangangailangan sa nutrisyon.


Ito ang napag-alaman mula sa head ng program-nutrition Philippine Mission ng Accion Contra Famine o Action Against Hunger Dr. Oscar Fudalan, isang humanitarian NGO.

Aniya sa bilang na ito: 99 ang mula sa 22 mga barangay sa bayan ng Arakan; at 56 mula sa 18 mga barangay sa bayan ng President Roxas na sumailalim ngayon sa matinding gamutan dalawang buwan na ang nakakraan.


Ayon kay Fudalan, ang mga batang nabibilang sa kategoryang ito ay mataas ang panganib na sila’y magkasakit at mamatay, kaya’t sa lalong madaling panahon dapat sila ay maipagamot.

Kaugnay nito, nakipag-partner na ang ACF sa mga rural health unit ng President Roxas at Arakan LGU para maisakatuparan ang nasabing hakbang.

Kasama sa gamutan ang pagbibigay sa mga pasyente ng libreng Vitamin A; pagkaing mayaman sa protina, mineral; at iba pang mga sangkap na mahalaga sa ‘growth and development’ ng isang bata.
         
Layon ng programa, ayon kay Dr. Fudalan na matugunan ang malnutrisyon sa bahagi’ng ito ng North Cotabato.

May ‘severe acute malnutrition’ o S-A-M ang isang bata kung mababa ang timbang nito at mabagal ang mental development.

Batay sa pinakahuling data ng mga otoridad, nabatid na marami pa sa mga lugar sa Mindanao ang mataas din ang kaso ng malnutrisyon at sa katunayan ang malnutrisyon ang isa sa mga sanhi ng kamatayan ng mga Kabataan sa bansa. (Rhodz Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento