Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panukalang pagsa-pribado ng MKWD, tinututulan ng mga kababaihan sa North Cotabato

(Kidapawan City/March 31, 2012) ---Kasabay ng pagtatapos ng selebrasyon ng Women’s Month ngayong buwan ay isinisigaw din ng mga kababaihan sa North Cotabato ang kanilang posisyon na pagtutol sa plano ng gubyerno na isapribado ang Metro Kidapawan Water District o MKWD.


Ayon sa grupo higit na kawawa ang mga water concessionaire kung nasa kamay na ng private sector ang naturang government-owned and controlled corporation.

Anila, kapag mga negosyante na umano ang may hawak ng MKWD, nagiging negosyo na ang tubig sa halip basic necessity ito na bagay namang inalmahan ng grupong Gabriela North Cotabato, Network of Women-North Cotabato at ang MKWD Women Employees Association.

Ibig sabihin, wala na sila’ng pakundangan sa pagpapataas sa presyo ng kada kubico ng tubig para lamang magkamal ng malaking kita.

Bilang tugon, sumulat ang grupo ng kanilang posisyon hinggil sa kanilang pagtutol.

Ang kanilang posisyon isinulat nila sa pamamagitan ng isang petisyon na isusumite nila sa opisina ni Pangulong Aquino, Senate President Juan Ponce Enrile, House Speaker at Congressman Sonny Belmonte, Congressman Teddy Casino ng Bayan Muna party-list, Gabriela party-list Rep. Luz Ilagan, Cotabato 2nd district Rep. Nancy Catamco, at Cotabato Governor Lala Mendoza.

Nakiusap ang grupo sa mga opisyal ng gubyerno na tratuhin na isang ‘basic necessity’ o batayang pangangailangan ang tubig na dapat panghawakan o pagmay-arian ng national government.
                   
Umaasa ang grupo ng kababaihan na tugunan ng positibo ng PNoy administration ang kanilang petisyon.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento