(Makilala, North
Cotabato/March 27, 2012) ---Nagkasagupa ang may dalawampung mga kasapi ng New
People’s Army o NPA at ang tropa ng militar sa Sitio Kapatagan, Brgy. Cabilao,
Makilala, North Cotabato dakong alas 11:05 kaninang umaga.
Sa imporamasyon
ipinarating sa DXVL ni 6th Infantry Division, Philippine Army Col.
Prudencio Asto nangyari umano ang engkwentro ng dalawang grupo habang nagsasagawa
ng combat patrol operations ang Bravo company ng 57th Infantry
Battalion sa lugar.
Sinabi ng opisyal na
wala naman umanong may naitalang casualties sa nasabing labanan na nagpapatuloy
hanggang sa mga oras na ito.
Una dito, inamin ng
opisyal na ang nasabing hakbang diumano ng mga makakaliwang grupo ay bilang
pagpapakitang gilis umano nila sa nalalapit na CPP-NPA anniversary ngayong
darating na Marso a-29.
Sa kabila nito,
sinabi ni Asto na maliban sa development Peace project na isinasagawa nila sa
erya, tinitiyak din nito na di masisira sila ng sinasabi nitong mga nawawala
ang landas bilang contingency plan nila sa lugar. (Rhodz Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento