Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sagupaan ng NPA at Militar sa Makilala posibleng may kinalaman sa nalalapit na anibersaryo ng NPA

(Makilala, North Cotabato/March 28, 2012) ---Nagkasagupa ang mahigit kumulang sa dalawampung mga armadong miyembro ng New People’s Army o NPA at ang tropa ng militar sa may Sitio Kapatagan, Brgy. Luayon, Makilala, North Cotabato kahapon ng tanghali.


Ayon kay 6th Division Public Affairs Chief Col. Prudencio Asto nangyari ang engkwentro habang nagsasagawa ng combat patrol operations ang tropa ng militar sa lugar.

Umabot sa dalawampung minuto ang palitan ng putok sa dalawang panig, kungsaan agad namang umatras ang mga kalaban na pinamumunuan ni alias Bunso ng guerilla front 72 papunta sa Kapatagan Proper at Sitio Luayon ng nabanggit na lugar.

Sinabi pa ng opisyal na ang nasabing bakbakn ay nagresulta sa di matukoy na casualties sa panig ng NPA habang wala namang nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang clearing operations ng mga sundalo sa erya.

Una dito, naniniwala si Asto na pakitang gilas lamang umano ito ng mga makakaliwang grupo dahil sa papalapit na 43rd Anniversary ng Communist Party of the Philippines o CPP-NPA sa Marso a-29. (Rhodz Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento