Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seguridad sa paligid ng Midsayap PNP; hinigpitan habang nagpapatuloy ang marathon hearing ni “Lastikman”


(Midsayap, North Cotabato/March 26, 2012) ---Hindi pa batid kung kailan maibabalik sa Cotabato Provincial Jail si Datucan Samad alyas “Lastikman” habang nagpapatuloy ngayong linggo ang marathon hearing nito sa kanyang kaso sa bayan ng Midsayap.

Nakatakdang magpalabas kasi ng court order si RTC Branch 18 Judge George Jabido hinggil sa paglilipat kay Lastikman sa Bicutan, Taguig city, sa kalakhang Maynila.

Kaugnay nito, agad na hinigpitan ngayon ang seguridad sa paligid ng munisipyo ng Midsayap matapos na ipinakalat ang maraming tropa ng pulisya at militar sa lugar para tiyakin ang pagbantay upang di maitakas ang notorious na criminal sa probinsiya.

Ito matapos ang kumakalat na text message sa planu umanong patakasin ng mga armadong grupo ang suspek.

Si Kumander lastikman ay may kinakaharap na iba’t-ibang kaso kagaya ng kidnapping, extortion, carnapping, highway robbery hold-up, arson, bombing, cattle rustling, multiple murder at multiple frustrated murder.

Kung matatandaan nitong Pebrero a-20 lamang abot sa 50 mga armadong kalalakihan ang umataki sa kidapawan city jail upang itakas ang suspek na naging dahilan ng pagkamatay ng tatlo at pagkasugat ng 17 iba pa.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento