Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Metro kidapawan Water District nahaharap sa pribatisasyon

(Kidapawan City/March 28, 2012) ---Napipintong isasapribado ang Metro Kidapawan Water District o MKWD.

         
Ang pribatisasyon ng mga government-owned-and-controlled corporation tulad ng MKWD ay isa umano sa ipinangangalandakan ngayon ng PNoy administration, para bawas gastos at alalahanin sa pamahalaan.

Sa nasabing proseso, ibebenta ng gubyerno sa private firm ang kompanya, tulad ng MKWD.

Subalit ang nakaamba naman ang negatibong epekto nito sa mga ordinaryong mamamayan na siyang nangangailangan ng serbisyo ng tubig dahil din a umano maiiwasan ang pagsirit sa singil ng bayarin sa tubig.


Sinabi ni MKWD assistant general manager, Engineer Sandy Alqueza, ang MKWD ay maituturing na ‘threatened life support system’ dahil na rin sa planong pagsasapribado dito.

Kaugnay nito, nangangamba rin sa pagkawasak ang pinagkukuhanan ng suplay ng tubig sa bahagi’ng ito ng North Cotabato.

Kabilang sa mga tinukoy ni Alqueza ay ang banta sa pagto-troso, kaingin, at land conversion.

Giit pa ng opisyal na upang matiyak na protektado ang suplay ng tubig sa Kidapawan City at Makilala, naghigpit sila ngayon sa pagpasok ng mga Itinuturing nilang ‘illegal occupants’, lalo na sa Lapaan Dam.

Sinabi pa nito na may mga forest guards din ng MKWD na nagbabantay sa kabukiran. (Rhodz Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento