Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

7 mga indibidwal at 1 kooperatiba mula sa Cotabato wagi sa Gawad-Saka Award 2014 Regional Level

Written by: Jimmy Sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (June 7, 2014) – Pitong mga indibidwal na kinabibilangan ng agricultural entrepreneur, high value crop farmer, sugarcane farmer small animal raiser at agricultural scientist at isang kooperatiba ang namayagpag sa awarding ng Dept. of Agriculture Gawad Saka Award 2014 regional level na ginanap sa Koronadal City noong May 30, 2014.

Ang mga pinarangalan bilang winners ng Gawad Saka Award 2014 regional level ay sina Jerry John M. Taray ng Kibudtungan, Carmen,bilang Outstanding Agricultural Entreprenuer – small scale category), Ella D. Pobre ng Lower Dado, Alamada – Outstanding High Value Crop farmer, Girlie C. Adug ng Marbel, Matalam – Outstanding Sugarcane farmer, Jayson Roy P. Ancheta ng Kibudok, Matalam- Outstanding Young farmer, Paquito A. Laquihon ng New Panay Aleosan – Outstanding Animal Raiser at Ariston D. Calvo, Ph,D. ng Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST Arakan) – bilang Oustanding Agricultural Scientist.

Search for Centennial edifice at Centennial Cotabateño nagpapatuloy

written by: Jimmy Sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (June 6) – Tuloy-tuloy ang paghahanap ng mga entries para sa dalawang naglalakihang search kaugnay ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng lalawigan ng Cotabato.

Ayon kay Joselito Pareñas ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato at coordinator ng Search for Centennial Edifice at Heirlooms, mayroon ng 2 entries para sa pinakaluma o pinakamatagal na istruktura na naitayo sa Cotabato.

(Update) 3 nagpositibo sa Amoeba sa mga tinamaan ng diarrhea sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Tatlo ang nagpositibo sa amoeba mula sa apat na mga indibidual sa ginawang pagsusuri ng Rural Health Unit ng Kabacan makaraang isinugod sa Kabacan Polymedic hospital apat katao karamihan mga bata matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka buhat sa brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato.

Ito ang kinumpirma ngayong umaga sa DXVL News ni Disease Surviellance coordinator Honey Joy Cabellon.

2 katao arestado sa pagdadala ng baril at illegal na droga sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang ma-aresto dahil sa pagdadala ng armas at illegal na droga sa ginawang highway check ng mga elemento ng Kabacan PNP sa National Highway, partikular sa Community Police Assistance Center o COMPAC sa brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 2:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga naaresto na sina Rey Ganitan, 30-anyos, residente ng Magsaysay, Davao del Sur na nahulihan ng dalawang pakete ng shabu.

Mga residente binalaan ng wag barilin o patayin ang nakitang buwaya sa Kabacan -MENRO

(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Isang malaking buwaya ang nakita ng isang traysikel drayber sa hangganan ng Kabacan river partikular sa Kinudal, Matalam at brgy. Dagupan dito sa bayan ng Kabacan nitong Martes ng madaling araw.

Ito ayon kay Kapitan Raymundo Gracia punong barangay ng Dagupan.

Ayon sa opisyal agad umanong umiskapo ang nasabing buwaya ng makita ito ng ilang mga residente sa kanyang barangay.

Mga Colleges/Units ng USM, may bago ng mga Deans

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Pormal ng iniluklok kahapon sa iba’t-ibang mga kolehiyo dito sa University of Southern Mindanao ang mga bagong deans ng bawat colleges.

Ito ang napag-alaman kay USM Spokesperson at UPRIO Director Dr. Rommel Tangonan sa panayam sa kanya ng DXVL News.

5 katao, isinugod sa ospital dahil sa Diarrhea?

(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Limang mga indibidual ang naisugod dito sa Kabacan Polymedic Hospital matapos na makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagtatae matapos tamaan ng pinaniniwalaang LBM kahapon ng hapon.

Ang mga ito ay mga residente ng Purok Mesalay, brgy. Pisan dito sa bayan ng Kabacan.

Sa eksklusibong panayam  ngayong umaga ng DXVL News sa isang kasapi ng Karancho Kabacan chapter na si Dadtong Inedal miyembro po ng Medical Troops ng MILF karamihan sa mga biktima ng nasabing sakit ay mgabata kabilang na dito ang 5 at anim na buwang sanggol na hindi pa kinilala sa report.

Training hinggil sa Cacao production, isinagawa ng USM Extension

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang trainer’s training on cacao production na pinangunahan ng USM extension sa pakikipagtulungan ng Philippine Coconut Authority simula noong May 26.

Ito ayon kay USM Extension Director Dr. Elizabeth Molina na lingguhan ang nasabing aktibidad na magtatapos ngayong June 27 2014.

Depression at Matinding problema sa pamilya kaya preso sa loob ng Tulunan PNP lock up cell nagbigti

(Tulunan, North Cotabato/ June 5, 2014) ---Pinaniniwalaang matinding problema sa buhay at depression ang dahilan kung bakit kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 46-anyos na preso na nagbigti sa loob ng kulungan ng Tulunan PNP alas 5:30 kamakalawa ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP kinilala ang biktima na si Rodrigo Tabalina Tanallon, 46, may asawa at residente ng Purok, Brgy. Sibsib, Tulunan, Cotabato.

Suspek na bumaril sa security guard, tukoy na ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2014) ---Bagama’t tukoy na ng Kabacan PNP ang responsable sa pagpaslang sa isang security guard hindi muna ito idinetalye ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP upang hindi madiskaril ang nagpapatuloy  na hot pursuit operation nila.

Matatandaang bulagta ang 20-anyos na security guard na nagmomotorsiklo makaraang barilin ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng Sitio Basak, Barangay Kayaga ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Alkalde ng Kabacan, pinakikilos na ang TWG, para tutukan ang mga pagbabaha sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2014) ---Iginiit ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na may binalangkas na itong Comprehensive Drainage Plan para matugunan itong mga pagbabaha sa bayan ng Kabacan.

Ginawa ng alkalde ang pahayag matapos na inireklamo ng ilang mga residente ng Purok Masagana ang matagal ng problema sa baha sa kanilang lugar tuwing bumubuhos ang malakas na ulan sa Poblacion.

Election ng mga Deans, isasagawa ngayong araw sa USM, klase suspendido!

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2014) ---Bagama’t suspendido ang klase ngayong araw sa University of Southern Mindanao, iginiit pa rin ni USM Pres. Dr. Francisco Garcia na dapat ay dumalo pa rin ang mga estudyante, partikular na ang mga faculty at staff sa presentasyon ng mga kumakandidato sa pagka-dekano sa iba’t-ibang kolehiyo.

Ito ang naging paliwanag kahapon sa DXVL News ng pangulo matapos na humiling ng suspension of classes si Dr. Rosafe Hondrade ang chairperson ng election committee kay Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang na pagbigyan na mapakinggan ng mga estudyante at mga faculty ang mga balakin na programa at proyekto ng ihahalal na dean ng bawat kolehiyo.

46-anyos na preso, nagbigti sa loob ng Tulunan PNP Lock up Cell

(Tulunan, North Cotabato/ June 4, 2014) ---Pinaniniwalaang matinding problema sa buhay ang dahilan kung bakit kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 46-anyos na preso na nagbigti sa loob ng kulungan ng Tulunan PNP alas 5:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Rodrigo Tabalina Tanallon, 46, may asawa at residente ng Purok, Brgy. Sibsib, Tulunan, Cotabato.

Sekyu patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang hot pursuit operation ng Kabacan PNP para mahuli ang responsable sa pagbaril patay sa isang 20-anyos na security guard makaraang barilin habang sakay sa kanyang motorsiklo sa Sitio Basak, Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato alas 7:30 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Joey Abanilla Dignadice, 20-anyos at residente ng Ugalingan, Carmen, North Cotabato.

Sapilitang pag-papainum ng mga sundalo sa 7-anyos na bata sa Arakan, itinanggi

(Arakan, North Cotabato/ June 3, 2014) ---Pinabulaanan ng 57th IB, Philippine Army ang umano’y akusasyon ng grupo ng Karapatan North Cotabato hinggil sa diumano’y pag-papainom ng alak ng mga sundalo sa 7 taong gulang na bata na taga Datu Ladayun, Arakan, North Cotabato.

Ito ang ipinahayag ni Captain Manuel Gatuz ng 57th Infantry Battalion, Philippine Army sa magkahiwalay na panayam ng DXVL News.

4 kumpirmadong namatay sa pananalasa ng baha sa North Cotabato -PDRRMC

(Kabacan, North Cotabato/ June 3, 2014) ---Kinumpirma ng pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction Council na Apat-katao ang namatay habang sinalanta naman ang ilang mga barangay ng mga pagbabaha sa patuloy buhos ng ulan sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng North Cotabato kamakalawa.

Ito ang sinabi sa DXVL ni PDRRMC Officer Cynthia Ortega, unang nila­mon ng tubig-baha ang mag-utol na batang sina Shelron Jave Brania, 5; at Roneil Jeff Brania matapos matagpuan sa drainage malapit lamang sa kanilang bahay sa Barangay Tibao, bayan ng M’lang.

Mahigit 130 mga modified mufflers o tambutso, ipinasagasa sa pison ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2014) ---Abot sa 136 na mga open pipes o modified mufflers ang sinira sa pamamagitan ng pagpison na isinagawa sa harap ng munisipyo ng Kabacan kaninang umaga.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing mga tambutso ay mula sa mga nakumpiska nilang mga motorsiklo na may mga paglabag kaugnay sa open pipes na mahigpit na ipinagbabawal dito sa bayan.

29-anyos na babae, panibgaong biktima ng agaw motorsiklo

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2014) ---Dumulog sa himpilan ng Kabacan PNP ang isang 29-anyos na babae makaraang tangayin ng di pa nakilalang suspek ang motorsiklo nito sa bahagi ng brgy. Osias, Kabacan, Cotabato pasado alas 7:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, Chief of Police ng Kabacan PNP ang biktima na si Shiena Reniedo, 29-anyos, dalaga at residente ng Sinamar II ng bayang ito.

Seguridad sa pagbubukas ng klase sa Kabacan, tiniyak ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2014) ---Nakalatag na ang seguridad na ipinapatupad ngayon ng Kabacan PNP sa iba’t-ibang mga paaralan sa unang araw ng pasukan.

Ito ang tiniyak ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP kasabay ng pagdedeploy niya ng kanyang mga tauhan, kasama na ang militar at mga Barangay Peace Keeping Action team para sa augmentation sa lahat ng mga paaralan sa bayan.