Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Iba’t-ibang klase ng sasakyan huli ng Kabacan Traffic Police dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance 2009-010 o iligal parking

Naka-impound kaninang umaga sa Kabacan PNP ang humigit kumulang sa sampung klase ng mga sasakyan dahil sa paglabag sa Municipal ordinance 2009-010 o ang tinatawag na ilegal parking.

Ito ay ayon kay Kabacan Traffic Officer P03 Jeryl Vegafria kungsaan anim na mga multicab ang kanilang nahuli dahil sa di tamang lugar na pagkuha ng mga pasahero.

Ito rin ang kaso ng apat na mga Vans na nahuli nila.

Samantala, mahigit sa sampung mga tricycab din ang naka-impound kaninang umaga sa Kabacan PNP dahil sa iba’t-ibang violations kagaya ng pagmamaneho ng walang kaukulang dokumento at illegal parking sa National Highway partikular sa harap ng Rhoanas grill restaurant.

Karamihan sa mga ito naka parada kasi sa napakalaking signage na “No Parking” na makikita sa National Highway na siya namang mahigpit na ipinagbabawal ng mga otoridad.

Sinabi pa ni Vegafria na magiging sunod-sunod na ang gagawin nilang operasyon dahil sa marami pa rin sa mga tricycle operator ang di marunong sumunod sa mga batas na ipinapatupad.

    



Isa sugatan sa pamamaril sa Midsayap, Cotabato ; 1 naman patay sa agaw motorsiklo sa Mlang

Isa ang sugatan sa pamamaril ng mga rebelde sa bayan ng Midsayap.

Nakilala ang nasugatan na si Abdul Sugod, isang Brgy Tanod ng Brgy Mudseng sa bayan ng Midsayap.

Sinabi ni Midsayap Chief of Police, Supt Franklin Anito na habang nagpapastol ng kanyang alagang baka ang biktima sa Sitio Sudsuran, Brgy Mudseng, nang paputukan ito ng grupo ni Datutin Kudtig Ali at Siokan Musa, mga miembro umano ng MILF..

Tinamaan ang biktima sa gilid ng kanyang katawan na agad isinugod ng kanyang mga kamag-anak sa isang pagamutan sa bayan ng Midsayap, awayan sa lupa ang ugat sa pamamaril sa biktima.

Samantala, patay on the spot ang isang desi otso anyos na out of School Youth matapos pagbabarilin sa mukha, ulo at likod dakong alas 6:45 ng hapon kahapon sa Purok 10, brgy Bialong, Mlang, Cotabato.

Batay sa report na nakuha ng DXVL, nakilala ang biktima sa pangalang Rex Ian Platon, binata at residente ng brgy. Magallon ng nasabing bayan.

Agaw motorsiklo ang nakikitang motibo ng mga otoridad.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang manhunt operation ng Mlang PNP sa nasabing insedente para sa ikadarakip ng mga salarin at mapanagot sa batas ang responsableng may kagagawan ng insedente.

Organic vegetable production, isinusulong ng DA

Tinututukan ngayon ng Department of Agriculture ang pagsusulong ng organikong pagsasaka. Kasabay ito ng paghahatid impormasyon sa mga magsasaka sa mga kanayunan tungkol sa Agri-Pinoy program ng kasalukuyang gobyerno.

Bilang pagpapatuloy ng mga inisyatibo ng Department of Agriculture, nagsagawa ng Package of technology on Organic Vegetable Production sa bayan ng Alamada, North Cotabato, ito ay ayon sa report ni PPALMA News Stringer Roderick Bautista.

Dinaluhan ito ng mga magsasaka mula sa iba’t- ibang barangay ng bayan at mga agriculture technologists ng iba’t- ibang lokal na pamahalaan sa unang distrito ng North Cotabato.

Ayon kay Agricultural Training Instittute Engr. Danilo Viado, layunin ng nasabing seminar ang pagbibigay pansin sa kahalagahan ng organikong sistema ng pagsasaka.  Dagdag ni Viado, mas mainam at ligtas ang mga gulay na kakainin ng mga tao kung ito ay nagmula sa organic production.

Aminadao naman si Viado na hindi madaling kumbinsihin ang mga magsasakang nakasanayan na ang in-organikong pagsasaka o synthetic farming.

Ngunit positibo ang opisyal na sa pamamagitan ng puspusang information campaign ay hindi magtatagal ay unti- unti na ring babalik ang mga magsasaka sa organic farming.

ang natukoy na package of technology on organic vegetable production seminar ay pinangunahang isagawa ng DA Regional Office 12, ATI 12, pamahalaang lokal ng Alamada at ng tanggapan ni North Cotabato First District Cong. Jesus “Susing” Sacdalan.

Magkakaroon din ng nasabing pagsasanay sa teknolohiya ng organikong produksyon ng mga gulay ang mga magsasaka at vegetable growers sa bayan ng M’lang, North Cotabato sa mga susunod na linggo.



Potensyal ng  Soccsksargen  Region  tinututukan ng  BSP

Nakatutok  ngayon ang   Bangko Sentral ng  Pilipinas (BSP)  sa  Soccsksargen  Region dahil sa  potensyal  nito sa  pagpapalago ng  ekonomiya ng  bansa.

Ayon sa report ni PIA-12 Information Officer Danilo Doguiles, Ito ang  kinumpirma ni BSP Monetary Board  Member  Felipe Medalla kahapon kasabay  ng kanilang pagbibigay  parangal sa tatlong stakeholder  sa  rehiyon.

Ani Medalla,  ang Soccsksargen ay nakapag-ambag ng   3.5 porsiyento  sa  Gross Domestic  Product (GDP) ng bansa.  Ang  Rehiyon Dose rin umano ang ikapitong  may pinakamalaking kontribusyon sa  GDP ng  bansa.

Tinukoy ni Medalla ang  mining at   quarrying at  konstruksyon   bilang mga  sektor  na may  malalaking tulong sa pagpapalago ng ekonomiya sa  rehiyon. Aniya, noong  2009, lumobo ng   33.4 porsiyento ang sektor ng pagmimina at  quarrying samantalang  tumaas naman ng  19.1 porsiyento ang sa  konstruksyon sa parehong panahon.

Dagdag pa ni Medalla,  mayroon  din  umanong  “sound financial  environment” ang banking  sector  sa Rehiyon.

Ang Soccsksargen ay  kinabibilangan ng  mga lalawigan ng  Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat at  North Cotabato at mga lungsod ng  Heneral Santos, Koronadal, Tacurong, Kidapawan, at  Cotabato.



Dating congressman ng North Cotabato hinirang na consultant ng DA

HINIRANG ni Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala si dating North Cotabato 2nd District Congressman Bernardo F. Pinol, Jr bilang kanyang consultant epektibo nitong Setyembre a uno.

Sa report ni GMA-7 News stringer Willimore Magbanua pormal na namumpa si Pinol sa harap ni Alcala sa tanggapan ng Department of Agriculture nitong September 6 kasabay sa isinagawang meeting ng dalawa para pag usapan ang magiging papel ng dating mambabatas sa ahensiya.

Inatasan ni Sec. Alcala si Pinol na tulungan ang Department of Agriculture at tiyakin na maayos na naipapatupad ang ibat-ibang programa ng ahensiya sa buong bansa.

Tiwala si Sec. Alcala sa kakayahan ni Pinol dahil isa ito sa mga nagsulong ng pagpapalakas ng agrikultura sa kanayunan sa kanyang termino bilang mambabatas ng lalawigan ng North Cotabato.

Minsan narin kasing binansagan si Pinol sa Kamara bilang “Mr. Agriculture” dahil sa pagpapalakas nito ng pagtatanim ng rubber sa North Cotabato.

Sa panig naman ni Pinol sinabi nito na ipagpapatuloy niya ang mga programang nasimulan niya noong siya ay kongresista para naman mailagay sa ayos ang buhay ng mga mamayan ng Pilipinas.

Naniniwla si Pinol na sa pamamagitan ng tiwala sa kanya ni sec. Alcala magagampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin bilang consultant ng Department of Agriculture.

Malaki ang naging kontribusyon ni dating Congressman Pinol sa pagpapalago ng rubber industry sa North Cotabato, matapos nitong ipatupad ang programang “plant now pay later scheme” kung saan binibigyan ng rubber seedlings ang isang magsasaka.

Isa rin si Pinol sa may malaking kontribusyon kung bakit nahikayat ang mga mamamayan ng North Cotabato na magtanim ng rubber dahil maliban sa mataas ang presyo nito sa world market may segurado itong mapagbentahan sa merkado.

Organic vegetable production, isinusulong ng DA

Tinututukan ngayon ng Department of Agriculture ang pagsusulong ng organikong pagsasaka. Kasabay ito ng paghahatid impormasyon sa mga magsasaka sa mga kanayunan tungkol sa Agri-Pinoy program ng kasalukuyang gobyerno.

Bilang pagpapatuloy ng mga inisyatibo ng Department of Agriculture, nagsagawa ng Package of technology on Organic Vegetable Production sa bayan ng Alamada, North Cotabato.

Dinaluhan ito ng mga magsasaka mula sa iba’t- ibang barangay ng bayan at mga agriculture technologists ng iba’t- ibang lokal na pamahalaan sa unang distrito ng North Cotabato.

Ayon kay Agricultural Training Instittute Engr. Danilo Viado, layunin ng nasabing seminar ang pagbibigay pansin sa kahalagahan ng organikong sistema ng pagsasaka.  Dagdag ni Viado, mas mainam at ligtas ang mga gulay na kakainin ng mga tao kung ito ay nagmula sa organic production.

Aminadao naman si Viado na hindi madaling kumbinsihin ang mga magsasakang nakasanayan na ang in-organikong pagsasaka o synthetic farming.

Ngunit positibo ang opisyal na sa pamamagitan ng puspusang information campaign ay hindi magtatagal ay unti- unti na ring babalik ang mga magsasaka sa organic farming.

ang natukoy na package of technology on organic vegetable production seminar ay pinangunahang isagawa ng DA Regional Office 12, ATI 12, pamahalaang lokal ng Alamada at ng tanggapan ni North Cotabato First District Cong. Jesus “Susing” Sacdalan.

Magkakaroon din ng nasabing pagsasanay sa teknolohiya ng organikong produksyon ng mga gulay ang mga magsasaka at vegetable growers sa bayan ng M’lang, North Cotabato sa mga susunod na linggo. (with reports from Roderick Bautista)

Mga kahoy na umano ilegal na pinutol nakumpiska sa Pikit, North Cotabato

ABOT sa 10,000 na board feet ng mga pinutol na kahoy na ikinarga sa isang prime mover ang nakumpiska ng mga pulis sa may highway ng Pikit, North Cotabato, alas-330 ng hapon, kahapon.
        
Nanguna sa operasyon sina Supt. Alex Tagum, siya’ng hepe ng Cotabato Police Public Safety Office, at Insp. Joan Resurreccion, ang officer-in-charge ng Pikit municipal police station.
        
Kasama rin sa operasyon ang mga intelligence operatives sa North Cotabato.
        
Ayon kay Tagum, agad nila’ng nirespondehan ang lugar kung saan namataan ang pagkarga ng mga ilegal na pinutol na kahoy sa isang prime mover na umano pag-aari ng isang Amina Matua na taga-Pikit.
        
Nabatid na ang mga kahoy ay pag-aari ni Pikit municipal councilor Dindo Piang.
        
Nang hingan umano ng papeles nina Tagum ang driver at helper ng prime mover wala naman sila’ng maipakita.
        
At ang nakapagtataka umano, ang mga kahoy na mula sa mga hardwood specie tulad ng Lawaan ay itinago sa gitna ng prime mover at tinabunan ng mga kahoy mula sa mga fruit-bearing trees para ‘di mahalata.
        
AGAD inilagay sa kustodiya ng North Cotabato Provincial Police Office ang naturang mga kahoy.
        
Pero bandang alas-8 kagabi, dumating sa headquarters ng PNP ang mga tauhan ni councilor Piang, dala-dala na ang mga papeles na pirmado ng Community Environment and Natural Resources Office ng Pagalungan, Maguindanao.
        
Duda si Tagum sa naturang mga papeles kaya’t itutuloy nila ang pag-iimbestiga sa kaso at mananatili sa kaniang kustodiya ang naturang mga kahoy.

Inabandonang sasakyan, naglikha ng takot sa ilang mga residente ng Kabacan

Nagdulot ng takot sa ilang mga residente na nasa National Highway particular sa harap ng Caltex gasoline station sa Pobalcion, Kabacan ang inabandonang kotse na iniwan sa nasabing lugar buong araw kahapon.

Kaya naman, agad na inireport ito dakong alas 6:20 kagabi ng isang concern citizen sa mga pulisya ang nasabing sasakyan matapos na malamang buong araw na itong di binalikan ng may ari.

Sa panayam kay P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP na negatibo naman sa car bomb ang nasabing sasakyan na kulay berde at luma na matapos na makurdin ito ng mga pulisya kagabi.

Sa pagsisiyasat wala namang nakikitang kahinahinala sa loob ng sasakyan.

Samantala sa iba pang mga balita, mas lumawak pa ang suporta ng mga anti-mining advocates sa Davao del Sur.

Sa isinagawang Peoples’ Mining Bill forum noong Sabado, mahigit 200 katao ang naghayag ng kanilang pagsuporta sa panawagan ng Bayan Muna party-list na tutulan ang anumang plano’ng pagmimina sa mga kabundukan ng Davao del Sur.

Si Bayan Muna party-list Representative Teddy Casino ang siya’ng main speaker sa naturang forum.      
  
Si Casino rin ang may-akda ng Peoples’ Mining Bill 4315.

Isa rin sa mga naghayag ng suporta sa panukala ay si Digos City vice-mayor Reynaldo Hermosisima


Tutulak bukas papunta ng Pagadian city ang mahigit sa isang daang mag-aaral ng University of Southern Mindanao para dumalo sa tatlong araw na 20th Mindanao Business Conference na gagawin sa city commercial building simula bukas hanggang Setyembre a-nuebe na gagawin sa lungsod ng Pagadian.

Ayon kay Business Administration chair Herson Amolo ng College of Business Development and Management na nilalayon nitong ma-expose ang mga mag-aaral ng USM sa mundo ng business at posibleng magiging trabaho nila pagkatapos ng graduation.

Sinabi pa ni Amolo na ito’y isang taunang pagtitipon ng mga business ang industry leaders, mga mambabatas ng pamahalaan at iba pang mga stakeholders.

Nakatutok ang nasabing pagtitipon sa temang “One. Global. Mindanao. Making Private Public Partnerships Work”.

Suportado naman ni CBDEM Dean Gloria Gabronino ang nasabing hakbang para mabigyan ng opurtunidad ang mga mag-aaral ng USM na mahasa ang kanilang kaalaman at talento sa larangan ng pagnenegosyo.

Inaasahang magiging bisita doon sina Pres. Noynoy Aquino, Cong. Manny Pacquiao, US ambassador at marami pang ibang mga dignitaries.

MILF, isinapubliko na sa pamamagitan ng media ang pormal na pagbasura ng GRP Peace proposal

Matapos ang pormal na pagsapubliko sa pamamagitan ng media nang pagbasura ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng draft ng propose political package ng Government of the Philippines (GPH) panel na inihain sa usapang pangkapayaan na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia, umaasa pa rin ang dalawang panig na uusad pa ang pag-uusap hinggil dito.

Ito ang naging reaksiyon ni Mindanao People Peace Movement – Bangsamoro Secretariat Abdulkadir Abubakar sa pahayag ni MILF Chairman Al Haj Murad Ibrahim sa ginanap na press conference sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon ng umaga.
Naniniwala naman ang pamunuan ng MPPM nakung sakaling di matutuloy ang usapan ay posibleng magkakaroon na naman ng karahasan sa bahaging ito ng Mindanao na siyang ginagawan ngayon ng paraan ng dalawang grupo para maiwasan.
Sa naging pahayag ni Murad sa isang punong balitaan mula sa sa MILF Central Committee buhat sa Bangsamoro Homeland kahapon, sinabi nitong hindi  umano sagot ang otonomiya sa problema ng Bangsamoro sa Mindanao.
Anya, mga corrupt officials lamang umano ang nakikinabang dito at ginagawang gatasan lamang nila ang pagiging autonomy.
Para naman kay Abubakar, sinasabing tumiwalag sa grupo ng MILF si Ameril Umbra Kato dahil sa loob ng 15 taong pag-uusap ng dalawang panig ay wala pa ring nabuong kasunduan ang MILF at GPH.
Kaugnay nito sinabi ni Abubakar na di umano naniniwala si Kato na ang pag-uusap ng dalawang panig kamakailan sa Kuala Lumpur, Malaysia ay may magandang resulta, dahilan kung bakit nagpasya itong kumalas sa hanay ng MILF.
Nilinaw naman ni Murad na nagpapatuloy pa ang kanilang negosasyon kay Kumander Ameril Ombra Kato para bumalik sa MILF. (Rhoderick Beñez)

September 6, 2011

1st year Agriculture; panalo sa 20th Philippine Statistics Quiz-USM Eliminations; mga guro ng USM isasailalim sa performance rating ngayong linggo

(Kabacan, Cotabato Sept. 6, 2011) - Nakuha ni Michelle Ocenar, 1st year Agriculture ang 1st place sa katatapos na 20th Philippine Statistics Quiz-University of Southern Mindanao Eliminations na ginanap sa CAS Lobby kahapon ng hapon.

Ayon kay University Mathematics Society adviser Rowel Pataray Madio ang tatlong pasok sa elimination ng USM ay magiging kinatawan ng USM sa provincial level na inaalam pa kung saan lugar gagawin at kalian.

Nakuha naman ni Royette Posadas ng 1st year Bachelor of Science in chemistry ang pangalawang pwesto habang 3rd place naman ang 1-BSCE na si Yosseff Adam.

Target naman ng USM-UMS na makukuha nila ang 1st place sa Provincial level kungsaan ngayon pa lamang ay puspusan na ang kanilang paghahanda.

Samantala, anumang araw simula ngayong linggo ay isasailalim sa performance rating ang lahat ng mga guro ng University.

Ang taunang evaluation ay isinasagawa ng pamunuan ng tanggapan ng Human Resource Management and Development Office para i-assist ang performance ng mga guro mula na rin sa rating na ibibigay ng mga estudyante.

Ayon kay Education program specialist 1 Anita Gelacio ng HRMDO na isinagawa kahapon ng umaga sa administration skyroom ang briefing ng mga invigilators ng bawat college na silang mag-poproctor sa gagawing evaluation sa mga guro ng USM. (Rhoderick Beñez)

Grupong nangingidnap ng mga bata, wag ikaalarma ng Publiko –ayon kay PSSUPT Salinas

WALA UMANONG dapat ikabahala ang publiko sa kumakalat ng mga mensahe sa “text” nitong nakaraang mga araw na may kaugnayan sa mga grupong nangingidnap umano ng mga bata at pumapatay sa mga ito upang makuha ang mga mata at kidney ng mga batang kinikidnap.

Ayon kay Police Senior Supirentendent Cornelio Salinas, provincial director ng North Cotabato PNP, bagama’t kanila pa umanong biniberipika ang naturang report, wala naman umanong dapat ikaalarma ang mga magulang sa seguridad ng kanilang mga anak, dahil lagi naman umanong nakaantabay ang kapulisan upang isiguro ang siguridad ng publiko.

Una rito, may mga kumakalat kasi na text messages na may tatlong bata kahapon na mula sa bayan ng Sulop sa lalawigan ng Davao del Sur ang diumano’y kinidnap at pinatay ng nasabing grupo na ngayon ay nasa erya na ng Digos city at kinuha ang kanilang mga mata at kidney, ito ay batay sa text na kumakalat.

Sa imporamsyong natanggap ng DXVL Radyo ng bayan ngayong araw, isa sa tatlong bata ang narekober na at kinuhanan na ng nasabing organ, ayon sa report.

Ayon sa isang opisyal ng pulis na nakilalang si Maureen Palacio nagpadala ng mensahe, na pina-iingat nito lalo ang mga estudyante na wag lang basta-basta sumama sa mga di kilalang tao at iwasan na ang paglakwatsa des oras ng gabi.

Sa kabila nito, nanawagan din si Salinas na panatilihin pa rin ang pagiging mapagmatyag lalo na sa mga magulang at ireport agad sa kapulisan ang anumang impormasyon may kaugnayan sa kriminalidad. (RB)



Itinalaga ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza bilang bagong Deputy Governor to the Muslim Affairs si Edris Caandilibo bilang alter ego ng gobernador para maiugnay siya sa muslims community at maiparating din ang mga programa ng probinsiya sa pamamagitan ng bagong itinalagang deputy governor.

Ito ang sinabi ng gobernador matapos ang punong pambalitaan sa provincial Kapitol noong Huwebes.

Aminado ang opisyal na napakalaking probinsya ang North Cotabato kung kaya’t kailangan nitong magtalaga ng nasabing posisyon na tututok sa mga muslims community.

Giit pa ni Mendoza na ang pagtalaga kay Caandalibo ay isang political appointment dahil sa kagaya din nito si Caandalibo na maayos at magaling magtrabaho.

Si Caandalibo ay 47 taong gulang at dating baranggay kapitan ng Brgy. Nasabpian ng bayan ng Carmen.

Nabatid na ang probinsiya ay may populasyon na 35-40% na mga Muslim o katumbas ng 113 na barangay, ito ay para siguraduhing ang lahat ng mga issues at concern maging ng programa at proyekto ay maiparating sa mga ito.

Maliban rito, magtatalaga din ang gobernador ng deputy governor to the lumad matapos ang gagawing IP mandatory representation sa probinsiya. (Rhoderick Beñez, DXVL News)


September 5, 2011


Aksidenteng nabundol ng isang XRM 125 na minamaneho ni Frime Louie Maderas, 24 at residente ng Osias, Kabacan si Moutasser Sendat, 14, residente ng Nangaan ng bayan ito dakong ala una kahapon ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan Traffic police nabatid na habang binabaybay ng nasabing motorsiklo kasama ang backrider nitong si Rona Mae Darica, 23 mula sa Poblacion Kabacan ng makarating sa Crossing Malamote along National Highway, partikular sa crossing Malamote at Katidtuan ng aksidente nitong mabundol ang biktima.

Nagresulta ito ng pagkakasugat ni Sendat na mabilis namang isinugod sa Kabacan Medical specialist habang ang driver naman ng motorsiklo ay mabilis na dinala sa Polymedic Hospital.

Samantala sa iba pang mga balita, pinalaya na ng mga otoridad nitong Agosto a-31 si Dennis Badajos matapos inilagay sa Police protective Custody ng Kabacan PNP makaraang mahuli ito sa Tandang Sora St., Poblacion ng bayang ito noong Agosto a-30 dahil sa pagdadala umano nito ng pinaniniwalaang shabu.

Batay sa report negatibong shabu ang nakuhanan mula kay Badajos.

Ayon na rin ito sa release order na inisyu ni Associate prosecutor El Marie Ardina Napanan at inaprubahan ni Deputy provincial prosecutor Samuel Fajardo ang officer in-charge na may petsang August 31 na walang probable cause sa mga nakitang ebensiya mula sa kanya.

Sa forensic report ng Chemist walang nakikitang pangunahing sangkap ng shabu na methamphetamine hydrochloride ang nakita mula sa ebedensiya dahilan kung bakit pinalaya si Badajos.



Police Report: Libong halaga ng pera natangay ng mga hold-uper sa isang lending firm sa Kabacan, Cotabato; motorsiklo na pag-mamay-ari ng gobyerno ninakaw

Abot sa P22,070 ang natangay ng dalawang mga holdaper makaraang mahold-up ang isang KMBI lending firm na makikita sa Purok Kapayapaan, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:50 ng umaga noong Biyernes.

Batay sa report na nakasulat sa pulis blotter ng Kabacan PNP, nabatid mula kina Paz Aguilar Gramio, 48 taong gulang, taga-ingat yaman ng nasabing lending firm at Myrna Canto Aguilar, 48, may asawa at miyembro ng KMBI kapwa residente ng Kilagasan na batay sa salaysay ng mga ito pinasok ng dalawang salarin ang nasabing lending firm kungsaan isa sa mga suspect ay may dalang di matukoy na uri ng armas at agad nag deklara ng hold-up.

Matapos maisakatuparan ang masamang balakin at matangay ang nasabing halaga ng pera mabilis na tumakas ang dalawang hold-uper papuntang direksiyon ng Kabacan Public Market.

Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng Kabacan PNP subalit di na nila naabutan ang mga salarin.

Samantala, isang motorsiklo na pagmamay-ari ng gobyerno ang ninakaw dakong alas 6:35 ng gabi noong Biyernes habang nakaparada ito sa harap ng Tennis Court, Rizal Avenue, National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Sa report ng Kabacan PNP, nabatid mula kay Dionisio Nadela Aquino, 46, may asawa, empleyado ng pamahalaan at residente ng Purok Bukang Liwayway, Poblacion ng bayang ito.

Nang ipinarada lamang nito ang kulay pulang Honda XRM 110 na may red plate # SM-1292 sa nasabing lugar ng tangayin ng di kilalang magnanakaw.

Ito ang kauna-unahang kaso ng nakawan ng motorsiklo sa bayan batay sa report ng Kabacan PNP ngayong buwan ito ng Setyembre.