Potensyal ng Soccsksargen Region tinututukan ng BSP
Nakatutok ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Soccsksargen Region dahil sa potensyal nito sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Ayon sa report ni PIA-12 Information Officer Danilo Doguiles, Ito ang kinumpirma ni BSP Monetary Board Member Felipe Medalla kahapon kasabay ng kanilang pagbibigay parangal sa tatlong stakeholder sa rehiyon.
Ani Medalla, ang Soccsksargen ay nakapag-ambag ng 3.5 porsiyento sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Ang Rehiyon Dose rin umano ang ikapitong may pinakamalaking kontribusyon sa GDP ng bansa.
Tinukoy ni Medalla ang mining at quarrying at konstruksyon bilang mga sektor na may malalaking tulong sa pagpapalago ng ekonomiya sa rehiyon. Aniya, noong 2009, lumobo ng 33.4 porsiyento ang sektor ng pagmimina at quarrying samantalang tumaas naman ng 19.1 porsiyento ang sa konstruksyon sa parehong panahon.
Dagdag pa ni Medalla, mayroon din umanong “sound financial environment” ang banking sector sa Rehiyon.
Ang Soccsksargen ay kinabibilangan ng mga lalawigan ng Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat at North Cotabato at mga lungsod ng Heneral Santos, Koronadal, Tacurong, Kidapawan, at Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento