Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magkahiwalay na kaso ng nakaw motorsiklo sa Kabacan, naitala ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/ January 25, 2013) ---Tinangay ng di pa nakilalang salarin ang isang motorsiklo na nakaparada sa corner Matalam St., at USM Avenue, Kabacan ala 1:00 kahapon ng hapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang may ari ng nasabing sasakyan na si Rey Bernardino, 35, negosyante at residente ng Aglipay St., Poblacion ng bayang ito.

North Cotabato, negatibo sa sakit na Chikungunya Fever ---ayon sa DOH 12


(January 24, 2013) ---Bagama’t wala pang may naireport na nagpositibo sa sakit na chikungunya sa lalawigan ng North Cotabatao, pinapatutukan rin ito ngayon ng Department of Health Regional Office 12.

Ito ang sinabi ngayon hapon sa DXVL Radyo ng Bayan ni DOH 12 Health and Education Promotion Officer Jenny Ventura, kungsaan una ng inireport na may 12 kaso nito sa lalawigan ng Saranggani.

suspected IED, nagdulot ng takot sa mga pasahero ng bus sa Matalam


(Matalam, North Cotabato/ January 25, 2013) ---Naglikha ng tensiyon sa mga pasahero ng isang Weena Bus ang inabandonang bag na pinaniniwalaang naglalaman ng Improvised Explosive Device.

Sa panayam ng DXVL News kay SPO1 Foilan Gravidez ng Matalam PNP negatibo sa lamang bomba ang nasabing bag na naiwanan ng isang pasahero na naglalaman ng gamit sa bangko na isang unit component type custom rectifier alfa power supply device na nakabalot sa cellphone at packaging tape.

3 mga sundalo sugatan sa engkwentro sa Makilala, North Cotabato


(Makilala, North Cotabato/ January 23, 2013) ---Sugatan ang tatlong mga elemento ng militar na kasapi ng 57th Infantry Battalion makaraang magka-engwentro ang mga ito sa grupo ng mga rebelde sa Brgy. Cabilao, Makilala, North Cotabato alas 2:00 kahapon ng hapon.

Ayon kay 57th IB Commanding Officer Lt. Col. Noel dela Cruz nagkasagupa umano ang mga tauhan nito sa mga rebeldeng New People’s Army kungsaan nagtagal ng halos isang oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig.

Mahigit sa 2 libung mga pamilya; apektado ng mga pagbaha sa Kabacan, North Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ January 23, 2013) ---Sumampa na sa 2,556 na mga pamilya ang naapektuhan ng mga pagbaha sa bayan ng Kabacan, batay sa pinakahuling report kahapon ng Municipal Disaster Risk Reduction Council o MDRRMC.

Ayon kay Kabacan MDRRM Officer Dr. Cedric Mantawil sa pakikipag-ugnayan kay Municipal Social Welfare Officer Susan Macalipat abot na sa anim na mga brgy ang ngayon ay binaha dahil sa mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw dulot na rin ng sama ng panahon sa bahaging ito ng Mindanao.

Civil Service Commission ng North Cotabato; tumatanggap na ng aplikante para sa mga kukuha ng Career Service Exam


(Amas, Kidapawan City/ January 23, 2013) ---Umpisa ng tumatanggap ngayon ang Civil Service Commission field Office na nasa Provincial Capitol Compound, Amas, Kidapawan City ng mga aplikanteng kukuha ng Career Service Professional at subproffessional Examination.

Sa isang kalatas na pinadala ni Director II Glenda Foronda Lasaga sa DXVL Radyo ng Bayan na ang mga application forms ay maari ng makuha sa kanilang tanggapan.

January 24 araw ng bukas, deklaradong Muslim Legal Holiday


(Kabacan, North Cotabato/ January 23, 2013) ---Idineklarang Muslim Legal Holiday ang araw ng Huwebes, January 24 bukas kasabay ng Maulidun Nabi o kaarawan ni Propeta Muhammad.

Ito ay batay na rin sa Presidential Decree no. 1083 o Code of Muslim Personal Laws of the Philippines.

Ang Maulidin Nabi ay ang paggunita sa pagsilang ni Propeta Muhammad.

6 na barangay sa bayan ng Kabacan binaha; LGU-Kabacan namahagi na ng tulong


(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2013) ---Binaha ang anim na barangay sa bayan ng Kabacan makaraang bumuhos ang mga pag-ulan simula pa nitongmga nakaraang araw.

Ayon kay Kabacan Municipal Social Welfare Officer Susan Macalipat kabilang sa mga brgy na sinalanta ng baha ay ang mga sumusunod: Cuyapon, Kayaga partikular na sa Sitio Lumayong, Sitio Punol, Sitio Kalakat, Sitio Crossing Liton, Sitio Malabuaya, Sitio Kibales, Sitio Basak, at Sitio Damanyog.

Lalaki sugatan makaraang batuhin sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ January 22, 2013) ---Sugatan ang isang lalaki matapos na batuhin sa mismong bahay nito sa brgy. Dalapitan, Matalam, North Cotabato alas 2:00 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Deze Asidre Martinez,33-anyos at residente ng nabanggit na lugar habang nakilala naman ang suspek na si John Rope Jacquias, binata at tubong Matalam.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, nag-iinuman raw ang dalawa hanggang sa nagkapikunan at iuwi sa batuhan.

MSWDO Matalam, namahagi na ng tulong sa mga sinalanta ng flashflood


(Matalam, North Cotabato/ January 22, 2013) ---Namahagi na kahapon ng tulong ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO ng Matalam sa ilang mga residente na sinalanta ng nagdaang baha bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa bahaging ito ng Mindanao.

Ayon kay Matalam OIC MSWD Officer Marily Akmad, tinatayang aabot sa kabuuang 1,320 pamilya ang naapektohan sa nasabing pagbaha na dulot ng Intertropical Convergence Zone (ICTZ) kung saan nag-iwan ng maraming kasiraan sa ilang mga pananim ng mga magsasaka sa nasabing bayan.

High school student, itinuturong suspek sa pagbaril patay sa 26-anyos na guro sa Mlang, North Cot


(M’lang, North Cotabato/ January 22, 2013) ---Isang high school student ang itinuturong suspek sa pumaslang sa isang 26-anyos na guro ng M’lang, North Cotabato.

Ito ayon kay Mlang Mayor Joselito Pinol kungsaan sa murang edad ay humahawak na umano ng baril ang nasabing suspek kahit sa loob ng kanilang eskwelahan.

P13.5 M infrastructure projects, ipapatupad sa bayan ng Pikit


(Pikit, North Cotabato/ January 22, 2013) ---Nakatakdang ipatupad sa bayan ng Pikit, North Cotabato ang abot sa 13.5 milyong pisong proyektong pang- imprastraktura para sa taong 2013.

Ito ang nakasaad sa dokumentong inilabas ng opisina ng 1st Congressional District kung saan inilagak ang malaking bulto ng PDAF o priority development assistance fund sa pagsasaayos ng mga kalsada sa nasabing bayan.

Libu-libong ari-arian ang binaha sa isang brgy sa bayan ng Matalam


(Matalam, North Cotabato/ January 21, 2012) ---Tinatayang mahigit-kumulang sa P800,000 ang sinasabing kasiraan sa mga ari-arian at mga pananim ng mga resident sa isang brgy sa bayan ng Matalam.

Ito ang inireport ng Matalam PNP kungsaan apektado ng nasabing baha ang barangay Arakan nang nasabing bayan.

4 barangay ng Kabacan, apektado ng baha

(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Binaha ang apat barangay ng Kabacan matapos na bumuhos ang malakas na ulan nitongmga nakaraang araw.

Ayon sa ulat ng Municipal Welfare and Development Office kabilang sa mga barangay na sinalanta ng baha ay ang Cuyapon, Kayaga, Salapungan at Brgy. Pedtad.

Agad din namang rumesponde ang MSWD kasama ang Municipal Agriculture Office para magbigay tulong sa mga pangangailangan ng mga residente.

Tribung tag-pupo ng Dilangalen Elementary School; iniuwi ang kampoenato sa Junior Category sa Streetdancing ng Halad Festival


(Midsayap, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Matagumpay na naidaos ang Halad Street Dancing Competition ng Midsayap, North Cotabato noong Sabado ng umaga sa Notre Dame of Midsayap College, Soccer Field ngayong taon.

May tatlong kategorya ang nasabing patimpalak ito ay ang Midsayap-Based Junior’s Category, Midsayap-Based Senior’s Category at ang Open Category.

Pambato ng DPWH, iniuwi ang korona ng Mutya ng Midsayap 2013



(Midsayap, North Cotabato/January 21, 2013) ---Nasungkit ni Jeanneth Sedavia ang kandidata ng CWL, DPWH, Legion of Mary St. Anthony at Bankers Association ang Mutya ng Midsayap 2013 bilang highlight ng Halad festival na ginanap sa Bulwagang Genoveva Deles Jaranilla ng Notre Dame of Midsayap College sa bayan ng Midsayap.

Habang nakamit naman ni Mary Irish Jane Postrado ang pangalawang puwesto na kandidata ng Notre Dame of Midsayap College habang nasa pangatlong puwesto naman ang nakuha ni Alvy Jean Recian na kandidatang Department of Education.

Mga XRM na motor, muli na namang pinupunterya ng mga kawatan sa bayan ng Carmen, North Cotabato; isang tindahan nilooban din



(Carmen, North Cotabato/January 21, 2013) ---Ninakaw kahapon ng alas dos ng madaling araw ng mga di matukoy na salarin ang isang motosiklo na pagmamayari ni Glen Catulong Parsan, residente ng Leoncito Street  Poblacion Carmen North Cotabato.

Ayon kay Supt. Franklin Anito, ang bagong hepe ng Carmen PNP ang nasabing ninakaw na motorsiklo ay isang Honda XRM125 na may numero sa plaka na XV7949.

Bahay pinasok, motorsiklo natangay sa Kabacan, North Cotabato



(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Pinasok ng di pa nakilalang salarin ang isang bahay sa Brgy. Aringay, Kabacan ala 1:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, tinangay ng magnanakaw ang motorsiklo na pag-aari ng isang Bebelita Subagan, 34 anyos, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Prayer convocation, isasagawa sa USM ngayong umaga


(USM, Kabacan, North cotabato/ January 21, 2013) ---Balik klase na ang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao simula ngayong umaga, matapos na naabala ng ilang araw nitong nakalipas na linggo dahil sa nangyaring tensiyon gawa ng mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Kaugnay nito, isasagawa ngayong alas 7:00 ng uamag ang Pryaer convocation na pangungunahan ngmga administrative key officials ng Pamantasan sa University gymnasium.

Lalaki biktima ng pananambang sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Isang lalaki ang biktima ng pananambang sa Barangay Kibia, Matalam, North Cotabato Kahapon.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Gilbert Hepte Cortez, trentay-tres anyos, may asawa at residente ng Purok 7 Sitio Majalangit ng nasabing lugar.

“Mga pananakot sa Pamantasan, wag i-entertain” ---VPAA Dr. Tacardon

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Tiniyak ngayon ni USM Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon na ligtas ang University of Southern Mindanao kasabay ng pagsasabing huwag i-entertain ang anumang mga pananakot sa Unibersidad.

Ito ang sinabi ng opisyal kungsaan, ang nasabing pananakot ay dala ng mga taong walang magawang magaling sa buhay.

Renewal at pagpaparehistro ng Business Permit hanggang sa katapusan na lamang ng buwan

(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang registration at renewal ng business permit sa munisipyo ng Kabacan, kasabay ng ipinapatupad nilang Business One-Stop Shop o BOSS para mapadali ang proseso at transaksiyon.

Ayon kay administrative officer Cecilia Facurib, ang renewal ng business permit at registration ay nagsimula nito pang Enero a-dos.

Manifesto, inilabas ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Kasabay ng isinagawang prayer rally ng mga estudyante, faculty, staff at mga key officials ng University of Southern Mindanao ay inilabas rin nila ang kanilang manifesto hinggil sa kung anu ang stand ng Pamantasan sa nasabing isyu.

Ang nasabing manifesto ay binasa ni USM Academic Support Association President Dr. Leonora Manero, University Board Secretary kungsaan nakasaad ditto ang kanilang ninanais para sa ikatatag ng USM laban sa anumang politically motivated na isyu.