(Kabacan,
North Cotabato/ January 23, 2013) ---Sumampa na sa 2,556 na mga pamilya ang
naapektuhan ng mga pagbaha sa bayan ng Kabacan, batay sa pinakahuling report
kahapon ng Municipal Disaster Risk Reduction Council o MDRRMC.
Ayon kay
Kabacan MDRRM Officer Dr. Cedric Mantawil sa pakikipag-ugnayan kay Municipal
Social Welfare Officer Susan Macalipat abot na sa anim na mga brgy ang ngayon
ay binaha dahil sa mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw dulot na rin ng sama
ng panahon sa bahaging ito ng Mindanao.
Sa datos na
nakuha ng DXVL Radyo ng Bayan sa nasabing tanggapan kabilang sa mga brgy na
sinalanta ng baha ay ang mga sumusunod: Cuyapon, Kayaga partikular na sa Sitio
Lumayong, Sitio Punol, Sitio Kalakat, Sitio Crossing Liton, Sitio Malabuaya,
Sitio Kibales, Sitio Basak, at Sitio Damanyog.
Ilan sa mga
lugar na ito ay hanggang tuhod na ang tubig baha, ayon sa report.
Bukod sa
nabanggit na lugar, binaha din ang Brgy. Salapungan, Brgy Pedtad, Brgy.
Magatos, at Brgy. Nangaan.
Agad namang
nagbigay tulong ang LGU-Kabacan sa mga residenteng naapektuhan ng nasabing
baha.
Ayon kay Kabacan
LGU Acting Supply Officer Mercedes Enanoria agad na naglabas ng pondo ang LGU
buhat sa calamity fund para ipamahagi ang mga tulong na isang daang sako ng
bigas, isang daang kahon ng noodles, limampung kahon ng sardinas, labing tatlong
sako ng asukal at 2500 piraso ng kape.
Ang tulong
ay naihatid na kahapon sa ilang mga residente na naapektuhan ng nasabing
kalamidad.
Kung
matatandaan, noong Disyembre a-13 ng nakaraang taon ay isinailalim sa State of
Calamity ang bayan ng Kabacan na ideneklara ng Sanggunian batay sa panayam ng
DXVL sa namayapang dating vice Mayor Pol
Dulay, dahil rin sa mga pagbaha makaraang humagupit ang bagyong Pablo na
nag-iwan ng maraming kasiraan sa ilang lugar sa Mindanao at pagkasawi ng
maraming buhay. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento