(Kidapawan city/ April 15, 2014) ---Magsasagawa
ngayong araw ng isang march rally ang mga progresibong grupo sa mga pangunahing
lansangan ng Kidapawan city alas 10:00 ngayong umaga.
Ayon kay North Cotabato Karapatan Secretary
General Ernesto Jay Apiag sa panayam sa kanya ng DXVL News na layon ng nasabing kilos protesta ay iparating ang
kanilang hinaing hinggil sa lumalalang karapatang pantao na nilalabag ng
militar.
Aniya, dumarami kasi ang kampo ngayon ng
militar sa bahagi ng Makilala, Magpet at Arakan.
Ayon kay Apiag, muli nilang ihahain ang
petisyon sa tanggapan ni Governor. Emmylou ‘lala’ Taliño-Mendoza na naglalaman
ng agarang pagpapaalis sa mga sundalong ilegal na nananatili sa mga komunidad
ng mga sibilyan.
Aniya, unang kwarto nitong taon ng maalarma
ang mamamayang Lumad sa bayan ng Magpet matapos lumabas ang planong
eksplorasyon ng ABOITIZ sa proyekto nitong geothermal sa Barangay Tiko na
sinundan naman ng matitinding paglabag sa karapatang pantao hatid ng dumaraming
presensya ng mga sundalo sa loob at labas ng nasabing geothermal project site. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento