(Matalam, North Cotabato/ April 16, 2014)
---Kinilala mismo ng kanyang ka-live-in partner ang napatay na biktima
makaraang aksidenteng mabangga ng service vehicle ng University of Southern
Mindanao kamakalawa ng gabi.
Ayon kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam
PNP nakilala ang biktima na si Noli Pulido Gomez, 43 at residente ng Lapu-lapu
St., Brgy. Poblacion, Kidapawan City.
Tumungo kahapon ng hapon sa Matalam PNP ang
ka-live-in partner ng biktima na kinilalang si Duyag Espino, 77, residente ng
nasabing lungsod at positibong kinilala si Gomez.
Matatandaang napatay si Gomez makaraang
tumawid ito sa National Highway habang binabaybay naman ng isang Toyota
Furtuner na service vehicle ng USM ang highway kaya aksidente itong nabangga.
Ang nasabing sasakyan ay minamaneho ni Peter
Elarde, 46, may asawa at residente ng Brgy. Katidtuan, Kabacan ng pauwi na ito
matapos ihatid ang guest speaker ng 68th commencement exercises ng USM sa Davao
City.
Agad namang isinugod ang biktima sa Babol
General Hospital pero di na ito umabot pa ng buhay.
Samantala, Sinagot na rin ng pamunuan ng USM
ang pagpapalibing sa biktima habang binigyan na rin ng cash assistance ang live
in partner nito at kagabi ay lumabas na rin sa kustodiya ng Matalam PNP ang
drayber ng sasakyan ng service vehicle ng USM na si Peter Elarde. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento