(North Cotabato/ March 22, 2016) ---Bumagsak
na sa kamay ng mga otoridad ang pangunahing suspek sa panununog sa isang Rubber
Plantation na nasa bayan ng Makilala, North Cotabato.
Ito ang nakarating na impormasyon kay 39th
IB Civil Military Officer Capt. Danny Tapang makaraang maaresto ang suspek na
kinilalang Joan Casamorin, Vice Commanding Chair ng Guerilla Front 72 ng Far
South Mindanao Regional Committee ng New People’s Army o NPA.