Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P1.1M na pondo ng LGU Kabacan para sa mga barangay, nawawala?

(Davao City/ September 7, 2013) ---Sinupalpal ng ilang mga barangay kapitan sa bayan ng Kabacan ang diumano’y mataas na marka ng LGU sa larangan ng good governance partikular na sa transparency.

Ito makaraang nakakuha ng rating na 5 o katumbas ng pinakamataas na marka ang LGU Kabacan sa katatapos na Local Governance Management System o LPGMS 2012 gayung may ilang pondo para sa brgy. ang hindi maipaliwanag ng tanggapan ng treasurer at budget kungsaan napunta.

Problema sa pasahod dahilan ng pagsunog ng Rubber Plant sa Makilala

(Makilala, North Cotabato/ September 6, 2013) ---Inamin ng isang kasapi ng New People's Army, National Democratic Front Far South Mindanao na problema sa pasahod ang isa sa mga dahilan ng pagsunog ng ilang myembro ng NPA sa isang rubber processing plant sa Makilala, North Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Mismong si New People's Army, National Democratic Front Far South Mindanao Ka Efren ang nagbunyag ng nasabing report.

Banana Industry, palalakasin sa Central Mindanao

(Kabacan, North Cotabato/ September 6, 2013) ---Malaking tulong para sa ikauunlad ng Banana Industry ang planung pagpapalawak sa nasabing plantasyon.

Ayon kay Region 12 Banana Industry council President Ecclesiastes Roque na ang naturang hakbang ay malaking tulong para sa mga magsasaka na madagdagan ang kita ng mga ito.

Pagpapalakas sa turismo ng Alamada, NCot; pinagtutuunan ni Rep. Sacdalan

(Alamada, North Cotabato/ September 5, 2013) ---Binabalangkas na ngayon ng Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 ang eco- tourism management plan para sa Alamada Biotic and Protected Area.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng kahilingan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan para maponduhan ang nasabing proyekto.

Malaking Mall sa North Cotabato, nalilibre sa Brownout

(Kidapawan City/ September 5, 2013) ---Nasira ang re-closer ng isang device o gadget para sa switch ng Feeder 22 ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco kung kaya’t nalilibre sa brownout ang bahagi ng linya kasama na dito ang Gaisano Grand Mall, ang pinakamalaking mall sa North Cotabato.

Ayon sa report, simula pa noong nakaraang linggo ay dumaranas na ang coverage area ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco ng brownout nang mula apat hanggang anim na oras kada araw.

Registration at Renew ng business permit, nagpapatuloy sa LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 5, 2013) ---Hinikayat ngayon ng pamahalaang Lokal ng Kabacan ang mga negosyanteng hindi pa nakakuha ng kanilang business permit na kumuha na ang mga ito para mabigyan ng business certificate.

Sa report ni Business Permit Licensing Officer Cecilia Facurib abot na sa 666 ang nag-parenew ng kanilang permit habang nakapagtala naman ng 85 na bagong register ang kanilang tanggapan mula unang quarter ng taon hanggang sa kasalukuyan.

Militar Vs. NPA; 1 patay, mga sibilyan nagsilikas

(Makilala, North Cotabato/ September 5, 2013) ---Patay ang isang kasapi ng sundalo ng magka-engkwentro ang tropa nila sa mga rebeldeng New People’s Army o NPA sa bulubunduking bahagi ng Barangay Cabilao sa bayan ng Makilala, North Cotabato, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni 57th Infantry Battalion Civil military operations chief 1st Lt. Nasrullah Sema ang nasawing sundalo na si Sgt. Arnold Vigo ng Bravo Company mula sa 57th IB.

Mga negosyante at mga konsumante, umaangal na sa napakahabang brownout na nararanasan ng service area ng Cotelco

(Kabacan, North Cotabato/ September 4, 2013) ---Marami na ang umaangal ngayon sa mahabang rotating brownouts sa service area na sakop ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco.

Maging ang mga negosyante dito sa bayan ng Kabacan ay nagrereklamo na rin sa anim na oras na load curtailment na ipinapatupad ng kooperatiba batay naman sa power supply na ibinibigay ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Outreach Program ng LGU, isinagawa sa mga barangay

(Kabacan, North Cotabato/ September 4, 2013) ---Mismong si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. ang nanguna sa isinagawang outreach program ng LGU Kabacan na isinagawa kahapon sa Barangay Bangilan.

Ang nasabing programa ay bahagi ng Unlad Kabacan: Handog Pangmamamayan mula sa Gobyerno o HPG mula sa initial na Pangalan ni Mayor Herlo P. Guzman Jr.

1 Patay, 7 sugatan sa road mishap sa Maguindanao

(North Upi, Maguindanao/ September 4, 2013) --- Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 34-anyos na lalaki makaraang mapatay sa salpukan ng Van at motorsiklo sa North Upi, Maguindanao, kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Roel Castro, 34, residente ng Barangay Azucena, North Upi.

Patay sindi na kuryente dahilan ng pagkakasunog ng isang bahay sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ September 4, 2013) ---Nilamon ng nag-aalab na apoy ang tahanan ng isang van driver sa Talisay Street, Brgy Poblacion 1, sa bayan ng Midsayap, North Cotabato dakong alas 3:20 kahapon ng hapon.

Ang nasabing bahay ay pag-mamay-ari ng isang Jun Yabot na residente ng nabanggit na lugar.

30-anyos na lalaki, sugatan sa Pamamaril sa kidapawan city

(Kidapawan City/ September 3, 2013) ---Patuloy ngayong pinaghahanap ang suspek na responsable sa pamamaril sa isang tatlumpung taong gulang na lalaki sa isang lodging house sa Kidapawan City kamakalawa.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si Miguelito Agustin Alimahan Jr., residente ng bayan ng Makilala, Cotabato.

Plantation manager utas sa NPA attack

(Makilala, North Cotabato/ September 3, 2013) ---Nagbuwis ng buhay ang 46-anyos na plant manager habang nasugatan naman ang isa pang kasama nito sa marahas na pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army na nagpasabog pa ng landmine sa rubber plantation sa Barangay Taluntalunan, bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Ma. Joyce Birrey, hepe ng Makilala PNP ang napatay na si Hector Lalaguna na mapuruhan sa pagsabog ng landmine habang malubhang nasu­gatan ang isa pang kawani na si Francisco Manliquez Undag Jr., 47.

P8M na utang sa kuryente ng city government ng Kidapawan, paiimbestigahan

(Kidapawan City/ September 3, 2013) ---Abot sa mahigit sa P8 Milyong piso ang di nabayarang utang ng city government ng Kidapawan sa kanilang kuryente sa Cotabato Electric Cooperative o Cotelco.

Ito ang napag-alaman mula kay Councilor Lauro Taynan, ang may hawak ng Committee on Energy sa Sangguniang Panglungsod sa isinagawang Kapihan Kamakailan sa AJ Hi-Time, Kidapawan city.

Pagpapasabog sa NGCP tower, dahilan ng mahabang brown-outs sa Cotabato City at mga kalapit na lugar

(Sultan Kudarat, Maguindanao/ September 3, 2013) ---Isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa mga residente matapos bombahin at gumuho ang isa sa tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Ayon kay 6th Infantry Division Public Affairs Office Col. Dickson Hermoso, ang pagpapasabog ay nagresulta sa malawakang brownout na naranasan ng Cotabato City at karatig probinsiya tulad ng North Cotabato na nakakaranas ng rotating brownout na umaabot sa anim na oras kada araw.

Pag-implementa ng One way sa USM Avenue, sinimulan na!

(Kabacan, North Cotabato/ September 3, 2013) ---Pormal ng ipinapatupad kahapon ang dry run hinggil sa planung gawing one way ang USM Avenue.

Nanguna sa pag-papa-implementa dito ang mga elemento ng Kabacan PNP mula sa traffic division batay sa inilabas na deriktiba ng tanggapan ng alkalde sa pamumuno ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr.

Gawad Patnubay Scholarship Program, bukas sa mga mag-aaral na gustong kumuha ng BS Agriculture

(USM, Kabacan, Cotabato/ September 2, 2013) ---Magandang balita naman, sa mga mag-aaral na walang kakayahang matustusan ang kanilang pag-aaral, dahil magbibigay ng scholarship program ang International of Rice research Institute o IRRI at Landbank of the Philippines ng Gawad Patnubay Scholarship program, isang programang gawad Pag-aaral tungo sa Maunlad na Bayan.

Ito ay bukas sa mga kursong Bachelor of Science in Agriculture o agriculture related courses.

Selebrasyon ng Kalivungan Festival, naging mapayapa sa kabuuan

(Amas, Kidapawan city/ September 2, 2013) ---Naging maayos at mapayapa sa kabuuan ang selebrasyon ng 99th founding anniversary ng probinsiya na pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza.

Sa Mismong “araw ng Cotabato” o culmination day kahapon naging panauhing tagapagsalita sa nasabing programa si Senator JV Ejercito kungsaan binigyang diin nito na ang pagkakaisa ng bawat mamamayan ng Cotabato ang siya’ng susi para sa mas matatag na Cotabato.

Tribong Mascuvado ng Matalam, kampeon sa street dancing Showdown ng Kalivungan Festival

(Amas, Kidapawan City/ September 2, 2013) ---Iniuwi ng tribong Mascuvado buhat sa bayan ng Matalam, North Cotabato ang kampeonato ngayong taon sa katatapos na Street Dancing competition ng Kalivungan Festival 2013 at 99th founding Anniversary ng North Cotabato.

Nakuha naman ng grupong Panaghoy sa Pulangi mula sa bayan ng Carmen ang 1st place habang nasungkit naman ng grupong Kabakeños mula dito sa bayan ng Kabacan ang ikalawang pwesto sa nasabing street dancing showdown competition na isa sa mga highlight ng aktibidad.

Notorious na tulak droga, huli ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ September 2, 2013) ---Kulungan ang bagsak ng isang pinaniniwalaang notoryus na tulak droga makaraang mahuli ng mga elemento ng Kabacan PNP sa may bahagi ng Mapanao Extension, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:32 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ni PCinps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Jobert Alqueza Cañas alias Apin, 36, residente ng poblacion ng bayang ito kungsaan mga video K Bars ang ginagawa nitong hide out sa kanyang kalakalan ng illegal na droga at ginagawa ring pot session den.