Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pag-implementa ng One way sa USM Avenue, sinimulan na!

(Kabacan, North Cotabato/ September 3, 2013) ---Pormal ng ipinapatupad kahapon ang dry run hinggil sa planung gawing one way ang USM Avenue.

Nanguna sa pag-papa-implementa dito ang mga elemento ng Kabacan PNP mula sa traffic division batay sa inilabas na deriktiba ng tanggapan ng alkalde sa pamumuno ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr.
Kaugnay nito pinayuhan ngayon ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng kabacan PNP ang mga motorist na dadaan sa USM Avenue na hindi na sila pwedeng makabalik gamit ang parehong ruta mula sa loob ng USM Main campus.

Batay sa nasabing panukala ang USM avenue ay oneway na lamang ito buhat sa National Highway papasok ng USM, ibigsabihin pag galing naman ng USM dadaan na ngayon ang lahat ng motorist at mga sasakyan sa Sunset drive palabas gamit ang Mercado st. o ang kalye ng Abellera.
Iba’t-ibang reaksiyon naman ngayon ng mga mamamayan at ng mga motorista at maging ng mga residente na ang bahay ay nasa USM Aveneu.

Ayon sa ilang mga nakapanayam, maganda ang nasabing panukala upang maiwasan ang pagbuhol-buhol ng daloy ng trapiko lalo na kapag rush hour, pero pahirapan naman para sa ilang mga residente na nasa USM Avenue na makasakay dahil maglilibot pa sa kabilang ruta para lang makalabas ng USM Avenue.

Bukod dito, gastos din sa gasoline para sa mga motorist namamasada ang mahabang ikot para lang maghatid ng kanilang mga pasahero.

Magtatagal pa ng ilang araw ang dry run ng nasabing panukalang one way, ayon sa report. (Rhoderick Beñez)




1 komento:

  1. Medyo mahirap nga po ang pagsakay pag galing ka sa Avenue mismo. Sana po maganda talaga ang resulta pagkatapos ng dry run.

    TumugonBurahin